MILES "Para sa masayang pagsasama nina Bhest at Jared!" malakas na sabi ni Max. "Cheers!" At sabay-sabay naming ininom ang laman ng wineglass na hawak namin. Parang triple date kami ngayon. Sina Max at Juice, sina Sam at Deus, ako at Jared. Pagkatapos kasi ng kaganapan kanina, naisipan nitong mga kaibigan ko na i-celebrate daw ang sweet moment daw namin ni Jared. And I think, they misinterpret what I said a while ago. Nagkatinginan kami ni Jared at napapangiting napailing na lang. "Naks naman. Tinginan pa lang, nagkakaintindihan na," panunukso ni Sam. "Share naman diyan! Ano ba ang ibig sabihin nang malalagkit na tinginan n'yong 'yan, ha? Ikaw, Bhest, ha? Kakasagot mo pa lang kay Jared, lumalandi ka na. Kaunting pakipot naman!" dagdag na kantiyaw ni Max. Mas lalo akong natawa sa kan

