MILES Halos manlaki ang mga mata ko sa nadatnan ko sa gym. "Pucha naman! Dahan-dahan naman sa paggamot." "Kailangan may force sa paggamot para gumaling 'yang pasa mo." "O, sige. Force pala, ha? Humanda ka sa 'kin mamaya kapag ako ang gumamot sa pasa mo-Aray!" "Manahimik ka kasi diyan. Dami mo pang sinasabi, eh." "Hindi pa ba ikaw tapos sa isang 'yan? Aba, kami naman ang gamutin mo." "Oo nga. 'Wag mo na kayang gamutin ang gagong 'yan? Hindi naman halata ang pasa niyan." "Kung hindi lang ako doktor, nunca na gamutin ko 'yang mga pasa n'yo." "Yeah, right. Buti na lang at doktor ka." "Pusang-gala! Hindi pa rin nabawasan ang kagwapuhan ko kahit may pasa ako sa mukha." "O, sige. Dagdagan namin 'yang pasa mong gago ka." Napakurap-kurap ako. Mga naka-jersey uniform sila kaya alam kong

