JARED Sinundan ko ng tingin si Miles nang tumayo siya at nagtungo sa banyo. What's wrong with her? Ano bang nangyayari sa kanya? hindi ko naiwasang itanong sa sarili ko. Nang mapatingin ako sa direksyon ni Ethan, nakita kong mataman din siyang nakatitig sa direksyon ni Miles. Ayokong mag-isip ng kung ano sa pagitan nila ni Miles. But still, I couldn't help it. Lalo na at nakikita kong kakaiba ang tinginan nila sa isa't-isa. Gaya kanina sa gym nang magkita sila. I'm not sure, but I saw longing and sadness in Miles' eyes while looking at Ethan. And I saw how their eyes and faces lit up while talking to each other. Ayokong bigyan ng ibang kahulugan ang mga tinginan nilang iyon dahil gaya nga ng mga sinabi nila, they're just friends during their college days. Pero, parang sarili ko lang