MILES Tumayo si Nate at dahan-dahang naglakad papalapit sa kinatatayuan ko. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko nang tuluyan siyang makalapit sa 'kin. Ilang segundo rin yata kaming nakatitig lang sa isa't-isa hanggang sa magsalita siya. "You're here." I cleared my throat. "Hindi ka raw naglaro?" "Hindi naman ako kailangan do'n," kibit-balikat na sagot niya. "Kita mo naman, 150 ang score. Baka umabot 'yan ng mahigit 200 kung naglaro ako. Kawawa naman ang kabilang team kung ilalampaso ko sila." "Wala ka pa ring kasing-yabang," naiiling, pero nakangiting sambit ko. "I'm just stating a fact, you know? Besides, may ipagyayabang naman talaga." "Oo na. Ikaw na talaga." Sabay pa kaming napalingon ni Nate nang may marinig kaming tumikhim sa paligid. Nakatingin sa 'min ang mga kaibigan nami