Chapter Thirty Six: “Beshy, dapat sinasabi mo kay Ivo lahat ng nararamdaman mo. Hindi ‘yong ginagawa mo s’yang manghuhula...” sabi ni Girly habang yakap yakap ako at pinapatahan. Nang makarating kasi ako sa bahay n’ya, kaagad ko s’yang niyakap at iniyakan. Sobra sobra kasi ang sakit sa dibdib ko at pakiramdam ko, hindi ko na kaya pang itago ang lahat. “Ayokong magsalita kasi alam kong nasasaktan din s’ya. Ayokong madagdagan ‘yong bigat na nararamdaman n’ya...” halos pabulong na sabi ko habang patuloy pa rin sa paghikbi. “Pero beshy, paano naman iyong nararamdaman mo? Hindi masamang magsalita kung nasasaktan ka. Hindi masamang umiyak lalo na sa fiancé mo. Malay mo, naghihintay lang s’ya na mag-open ka sa kanya. Hindi naman kasi s’ya manghuhula lalo na at pinapakita mo sa kanya na nakang

