Chapter Twenty Eight: MARIELLA Nagising ako mula sa masarap kong tulog nang maramdaman ko na naman ang pag-ikot ng sikmura ko. Dali dali akong bumangon kahit naramdaman kong nagising si Ivo sa biglaang pagbangon ko. Mabilis na tumakbo ako papunta sa banyo at doon nagsuka ng nagsuka. Paulit ulit akong sumuka kahit na wala naman akong isinusuka. Pakiramdam ko hinang hina ako nang matapos akong magsuka. Parang mas lalong lumala ang mga nararamdaman ko. Ivo was standing there in front of the door when I finally decided to stopped vomiting. Kahit na sukang suka pa rin talaga ako. Nahihilo pa ako habang sapo ang ulo ko dahil yata sa mabilis na pagtakbo ko. “Babe, what happened to you?” nag-aalalang tanong ni Ivo. Takot na nag-angat ako ng tingin sa kanya. Naghihinala na ako nitong mga nakara

