Chapter Twenty Nine: Pagkarating na pagkarating ni Ivo sa trabaho. Wala s’yang inaksayang oras para hindi subukan iyong binili naming pregnancy test. Habang nasa loob ng banyo, kabadong kabado rin ako. Halos gusto pa nga akong samahan ni Ivo sa loob mabuti na lang at pinigilan s’ya ni tita Madeline. Lahat sila ay excited sa resulta, hindi raw kasi ganito ang nangyari kay ate Vanesa noon. Hindi nila naranasan na ma-excite habang naghihintay ng resulta. Habang hinihintay kong lumabas ang resulta. Naririnig ko ang ilang beses na pagbuntong hininga ni Ivo sa labas ng banyo. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa ginagawa n’ya, tawa ng tawa si ate Vanesa kasi ang o.a daw ni Ivo. Hindi ko naitago ang ngiti sa labi ko nang maging positive ang resulta. Ayaw ko pa nga sanang lumab

