Chapter Thirty: Pagkatapos nang gabing iyon, doon na ako tumira sa bahay nila Ivo. Napagdesisyunan ni Ivo na huwag nang bumalik sa condo n’ya dahil mas madaling puntahan ni Mariel ang bahay n’ya na ‘yon. Ayaw n’ya na rin namang pauwiin ako sa bahay namin ni Girly. Naiwan ko tuloy si Girly sa bahay nang mag-isa. Halos mag-hysterical nga iyon ‘nong malamang buntis ako tapos pumayag s’ya na dito na ako kay Ivo para hindi na raw mambabae. “Good morning babe.” Ivo kissed the side of my left eye when he finally woke up. “Uhm, babe...” tanging ungol ko. Antok na antok pa ako at halos ayaw ko pang bumangon kung hindi lang s’ya halik ng halik. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa pinaggagawa n’ya. Halos ayaw n’ya pa akong patulugin kung hindi ko lang ginamit ang baby na nasa tiyan ko at sinabi kon

