Chapter Twenty Six: PREMITIVO “I told you, niloloko ka lang n’ya Ivo. Hindi nakokontento ang babaeng iyon!” Masamang masama ang loob ko lalo na nang makita si Ella sa labas. Kitang kita ko sa mga mata n’ya ang matinding pagsusumamo. Gusto ko s’yang pakinggan. Gusto kong magpaliwanag s’ya sa akin pero hindi ko magawa. “I want to hear her explanation, Mariel. Please, let me hear her side...” nagmamakaawang sabi ko kay Mariel. Tumalim ang tingin n’ya sa akin. Sa isang iglap parang nag-ibang tao na naman s’ya. Ang matalim na kuko n’ya ay bumaon sa braso ko. Masakit pero tiniis ko ang kirot na dulot ‘non. “Sundin mo ako, Premitivo.” Mariing sabi n’ya. Wala akong magawa. Sinunod ko ang gusto ni Mariel kahit na alam kong naroon pa rin si Ella. Maisip ko pa lang na umiiyak s’ya roon, parang

