Chapter Nineteen: “Kyle, malinaw sa utak ko na niloko mo ako. Kaya sana huwag mo ng bilugin ang utak ko at sabihin sa akin na hindi ikaw iyon. That was crazy!” After my duty, sumama ako kay Kyle sa isang restaurant malapit sa hospital na pinagtatrabahuan ko. Pagkatapos n’yang um-order, walang paligoy ligoy na nagpaliwanag kaagad s’ya sa akin. “That was not me. I can prove you that, I can show you the CCTV on my room!” Umirap ako. Syempre, pwede n’ya nang i-edit ang video na iyon. At saka, sinong tanga ang maglalagay ng CCTV sa sarili n’yang kwarto? “My twin brother did that, Ella. Pwede kitang ipakilala sa kanya kung gusto mo. He was willing to tell you everything and he’s willing to apologize for what happened.” Umiling iling ako at saka uminom ng tubig sa basong naroon. “If that’s

