Chapter Seventeen: Naninikip ang dibdib ko habang kumakain kami ni Ivo. Naiinis ako pero hindi ko kayang sabihin sa kanya iyong nabasa ko. Ayokong isipin n'ya na masyado akong possessive, na masyado akong selosa. “Bakit ang tahimik mo bigla?” Nagtatakang tanong n’ya pagkatapos naming kumain. Umiling ako at saka ngumiti. “Wala. By the way, hindi ka pa ba uuwi? Baka hindi ka na naman makapasok bukas.” Palusot ko, pilit itinatago ang pait na nararamdaman, kasi parang hindi ko kaya na makasama pa s’ya buong gabi. Pakiramdam ko, masasabi ko sa kanya itong hinanakit ko. Damn this feeling, I hate this! Sumeryoso ang mukha n’ya at tila nahimigan na n’ya ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi masyado akong transparent? Napakabilis kong basahin! “Pinapaalis mo na ako?” May bahid ng lungkot at pagt

