Chapter Seven: MARIELLA ‘Yun ang unang pagkakataon na makasaksi ako ng isang krimen. At ang unang pagkakataong iyon ay ang bumagabag sa mahimbing na tulog ko sa nakalipas na limang araw ko sa loob ng selda. Hindi ako nakakatulog ng maayos at sa ‘twing magigising ako ng madaling araw nang dahil sa bangungot na iyon, hindi na ako muling makatulog. Ilang beses na nageecho sa utak ko kung paano ako akusahan, na ako raw ang pumatay, kahit hindi naman talaga ako, iyon ang laman ng isip ko palagi. Pinalaki ako ng mga magulang ko bilang isang masiyahing bata. Masaya ang pamilya ko, buo, walang kahit na anong problema. Kung meron man ay maliliit lamang. Mayroon din akong mababait na kuya. I’ve never been in this type of situation. Hindi ko naranasang makaramdam ng matinding takot, ng matinding