Chapter Six: PREMITIVO “Nakikita mo ‘to, Prosecutor Hutterson? Galing sa loob ng bahay ang mga patak ng dugo!” Pinagmasdan kong maigi ang bawat patak ng dugo sa sahig, sa mga damong bagong tabas pa lamang kitang kitang mula sa labas ng gate kung saan natagpuan ang katawan ni tita Mirasol, papasok hanggang dito sa loob. Kung susuriing mabuti, kapansin pansin na ang bawat dugo ay papunta sa loob ngunit nang buksan namin ang pinto, malinis na iyon at wala ng ni bahid ng kahit anong dugo. “Nilinis kaya ni Mariel ang mga dugo rito? Paano pa natin malalaman?” tanong ni Ryan. Pinaghihinalaan ko na talaga si Mariel. Una, ang kutsilyong ginamit ay may finger print n’ya, finger print ni tita Mirasol at kay Ella. Kaya hindi namin malaman kung sino ang maaring idiin. Ngayon ay malinis na ang buo