Chapter Five:
MARIELLA
“Oo na, uuwi ako ng maaga huwag kang mag alala,” sabi ko kay Girly mula sa kabilang linya.
Pinapamadali n’ya kasi akong umuwi dahil may pupuntahan daw kaming birthday. Hindi ko alam kung kanino, pero basta kailangan ko raw'ng pumunta. Sama na lang ako nang sama, wala rin naman kasi akong ibang pupuntahan. Halos magdadalawang buwan na rin akong walang walwal kaya pwede naman na siguro.
Naunang nakauwi si Girly dahil pinag-overtime ako. Na-late kasi ng pasok iyong pang-night shift.
Pinatay ko ang phone ko at isinuksok sa bag ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakainis naman kasi, ang layo ng nilalakad sa bagong subdivision na nilipatan namin ni Girly. Pinayagan na kaming tumira sa iisang bahay pero ang sistema, dapat nasa subdivision daw kami. Ay ewan kung anong trip ng mga magulang namin. Like what the F, right? Pinagkamalan pa nga kami pareho na lesbiana at may gusto sa isa’t isa! Like really what the F?!
“T-tulong!”
Nangunot ang noo ko nang sa di kalayuan ay may narinig akong humihingi ng tulong. Luminga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang kung sino. Ito ang nakakatakot dito sa subdivision na ito, istrikto ang curfew at kapag ganitong oras ay wala nang tao! Sana pala nag taxi ako.
“T-tulong!”
Pakshet! Pakshet! Multo ba ‘yon?
Tatakbo na sana ako kaya lang ay nagulat ako nang sa harapan ko ay may bumulagtang babae. May nakatarak na kutsilyo sa kanyang dibdib!
Nanginig ang kalamnan ko at hindi kaagad nakagalaw. Oo at nurse ako, pero s**t naman! Para ako sa mga buntis!
“Ma’am!”
Dali dali ko s’yang tinulungan. Naghihingalo pa s’ya at hawak hawak ang kutsilyo sa kanyang dibdib. My gosh, sobrang taranta ko, na inuna kong hugutin ang kutsilyo sa kanyang dibdib.
“T-tatawag po ako ng ambulansya! Stay still ma’am,” sabi ko.
Ilang beses na akong nakakita ng mga pasyenteng ganito. Pero ibang iba pala kapag nakita mo mismo nang harapan!
Nanginginig na tatayo na sana ako kaya lang ay may pumaradang kulay pulang kotse sa harap namin.
“Tulungan mo kami!” sigaw ko.
Bumukas ang pinto ng kotse at gulat na tiningnan n’ya ang babaeng hawak ko saka lumipat ang tingin sa kamay ko.
“Bakit mo pinatay si mama?!”
Nanlaki ang mga mata ko, mas kinabahan pa ako lalo. Pakiramdam ko’y sasabog na ag dibdib ko. Agad akong umiling ng mabilis, walang pakielam kung mabali ang buong leeg ko sa kakailing.
“Hindi ko s’ya pinatay, nagkakamali ka--”
“Mama!”
Itinulak n’ya ako palayo sa babae at dali daling tumawag sa cellphone n’ya. Hindi ko alam kung anong irereact. Hindi ako makagalaw. Napagkamalan ako? Hindi ako ang pumatay!
Dahan dahan akong lumingon sa loob ng bahay kung saan nanggaling iyong babae. Posibleng nasa loob pa ang kriminal! Hindi ako ang pumatay!
Tumayo ako kahit na nanginginig ang mga tuhod ko. Kailangan kong makaalis dito, hindi pwedeng makulong ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa!
Nangingilid ang luha ko, tatakbo na sana ngunit dali dali akong hinawakan ‘nong lalaki.
“Saan ka pupunta?! Kailangan mong makulong!”
Nagsidatingan ang mga pulis na mas lalong nagpaluha sa akin.
“Hindi po ako ang pumatay! T-tutulungan ko lang po sana s’ya!” nanginginig na utas ko.
Yumuyugyog ang balikat ko habang kinakalma ako ng mga pulis. Mula sa malaking bahay, lumabas ang isa pang babae na nakasuot ng pajama, gulo gulo pa ang buhok n’ya.
“Oh my gosh! Mama!” sigaw n’ya.
Humagulgol s’ya ng iyak. Itinuro ako ‘nong lalaking nag akusa sa akin na ako ang pumatay.
Pakiramdam ko’y nabibingi ako habang sinisigawan ako ‘nong babae, inaakusahan, minumura halos sabunutan na kung hindi lang ako pinrotektahan ng mga pulis.
Sa byahe papuntang presinto, wala akong ibang sinabi. Tahimik lang ako na umiiyak, hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung paanong napunta ako sa sitwasyong ganito gayong wala naman akong ginagawang masama. Gusto ko lang sanang tumulong.
“Miss, ikaw ba talaga ang pumatay kay Mrs. Ocampo?” tanong ‘nong pulis na nasa harapan ko.
Umiling ako kaagad. Iyon naman kasi ang totoo, hindi ko s’ya pinatay.
“Nagpalalakad lang ako pauwi ng bahay nang makarinig ako ng humihingi ng tulong. Hanggang sa nadatnan ko s’yang nakahandusay sa daan! Sa sobrang taranta ko, hinugot ko ‘yong kutsilyong nakatarak sa dibdib n’ya! Gusto ko lang s’yang tulungan!”
Umiyak na naman ako, hindi ko na alam. Kahit kailan ay hindi pa ako umiyak sa harapan nang kahit na sino lang. Ngayon lang nawala ang lahat ng tapang ko! Takot akong makulong sa pagkakasalang hindi ko naman ginawa!
“Miss, curfew na sa mga oras na iyon, bakit nasa labas ka pa?”
“Nurse ako at overtime ako sa hospital dahil late ang night shift nurse!”
Nagkatinginan ang mga pulis. Inalis ang posas na nasa kamay ko, hindi ko na namalayang pinosasan pala ako kanina. s**t lang.
“Pangalan mo?”
Bumuntong hininga ako. Magkakarecord pa yata ako...
“Mariella A. Tolentino.”
Tinanong pa ako ng kung ano ano bago ako pinaghugas ng kamay at diniretso sa kulungan. Hindi ko alam kung bakit ikinulong ako kaagad gayong wala naman silang ebidensya na ako talaga ang pumatay. Life is really unfair!
“Anong kaso mo?” tanong ‘nong isang babaeng nakaupo sa double deck na papag.
“Wala, napagkamalan lang ako.”
Naupo ako sa sahig. Umiyak ako nang umiyak.
“Naku miss, huwag kang mag alala, may hearing pa naman.”
Pero paano kung idiin ako? Paano kung makulong na talaga ako? Ilang taon ba ang kulong sa kasong murder? f**k! Nakakainis! Bakit kailangang humantong ako sa ganito?
PREMITIVO
“Bakit sinampahan mo kaagad ng kaso iyong babaeng walang kamalay malay?” naiinis na tanong ko kay Mariel.
Hindi n’ya alam ang ginawa n’ya. Malaking kahibangan, kitang kita sa CCTV kung paano tumakbo si Ella kay tita Mirasol. Napakalapit lang ng CCTV sa labas ng bahay nila.
“S’ya talaga ang pumatay! Wala namang ibang tao roon sa labas kundi s’ya lang!”
Bumuntong hininga ako at inihilamos ang dalawang palad ko sa aking mukha
“Alam mo ba kung anong kaso ang isinampa mo kay Miss Tolentino?”
“Oo! Murder!”
Bumuntong hininga ako, iyon na nga, eh. Hindi n’ya alam na maaaring maapektuhan pati ang trabaho ni Ella sa ibinibintang n’ya.
“Oh, sige. Pag aaralan namin ang kaso na ‘to, sa ngayon huwag ka munang umuwi sa bahay n’yo. Iimbestigahan na muna namin ang crime scene.”
Nangunot ang noo n’ya.
“A-ano? Eh, saan ako uuwi kung ganon?!”
“May boyfriend ka ‘di ba? Umuwi ka ‘ron.”
Isinara ko ang laptop ko. Tapos na ‘tong usapang ito. Hindi talaga si Ella ang pumatay kahit na saang anggulo ko tingnan.
“Bakit ba kasi hindi n’yo na lang aprubahan ang kasong isinampa ko? Para magkaroon na ng hustisya ang pagkamatay ni mama...” Nagsimula na s’yang umiyak.
Gusto ko s’yang aluin. Alam ko kung gaano n’ya kamahal ang mama n’ya. Alam ko kung gaano s’ya nagluluksa ngayon.
“Mariel, please leave it to me. Gagawin ko ang lahat para mahuli ang totoong pumatay. Hindi dapat tayo kaagad nanghuhula kung sino ang pumatay.”
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Yumuyugyog na ang magkabilang balikat n’ya sa kakaiyak. Hinawakan ko ang balikat n’ya at tinapik iyon.
“Ihahatid na kita sa bahay ng boyfriend mo, halika na...”
Nag angat s’ya ng tingin sa akin at tumango. Humawak s’ya sa braso ko at inalalayan ko s’yang tumayo.
“Be strong, Mariel. Ayaw ng mama mo na ganyan ka.”
Inihatid ko si Mariel sa bahay ng boyfriend n’ya. Kahit parang tinutusok ang puso ko dahil sa ganitong set up, ginawa ko parin.
Nakamove on naman na ako kay Mariel, but everytime I remembered our memories, I remember all the pains too.
Mahal na mahal ko si Mariel noon, sobra na halos isakripisyo ko ang trabaho kong ito para sa kanya. Ayaw n’ya kasi sa trabaho ko, masyado raw’ng busy. Pero ang trabahong ito naman ang naging dahilan kung bakit nakamove on ako sa kanya.
“Thank you,” she smiled.
Tumango ako. Nag angat ako ng tingin sa pintong kakabukas pa lamang. Nakabusangot na mukha ng boyfriend n’ya ang bumungad sa akin.
“Sana tinawagan mo na lang ako para sunduin ka, Mariel.”
Humalik ito sa labi ni Mariel. Napalunok ako at agad na tumalikod para sumakay sa kotse ko. Uuwi na muna ako ngayon sa bahay, ayokong mapag isa, pakiramdam ko kasi malulunod ako kung mag isa ako.
Mabilis na nakarating ako sa bahay nila mommy. Naabutan ko silang lahat na abala.
Si mommy at lola, abala sa mga pamangkin ko. Ang dami na nila, pero wala manlang apo si mommy sa akin. Kunsabagay, bata pa naman si mommy.
“Apo, nandito na ang gwapo kong apo!”
Nagmamadaling lumapit sa akin si lola Pinky at niyakap ako. Hinalikan ako sa noo kahit na hanggang balikat ko lang s’ya.
“Ikaw na ikaw talaga si Calvin noong kabataan n’ya, ang pinagkaiba lang ay mukhang pansit canton ang buhok n’ya, ikaw itim lang.” Lola giggles.
“Talaga po, lola? Nasaan po ba si lolo ngayon?”
“Nasa kwarto at nagpapahinog ng itlog.”
Natawa ako, wala parin talagang kupas.
“Lola, may mga apo na po kayo sa tuhod, tama na po.” I chuckled.
“Ay aba, wala sa edad ‘yan! Nasa performance ‘yan!”
“Mama, tama na po. Virgin pa po ang anak ko.” Sabat ni mommy.
Napatakip ako sa mukha ko. Nakakahiya talaga ang pamilya ko, iyong mga bibig hindi ko maintindihan.
“Aba, mabubugok ‘yang birdie mo apo kung hindi mo magagamit. Maghanap ka na ng jowa!”
Hinampas ako ni lola sa balikat.
“Opo lola, hahanap na po at nang hindi kalawangin ang birdie ko.”
And they all laughed at what I’ve said.
Ella’s smiling face flashed in my mind.
That woman! Hindi na maalis sa isipan ko.