Chapter 5

1122 Words
CHAPTER 5 (Yuri's POV) Idiot! Idiot! IDIOT! Sinapok sapok niya ang noo niya habang palakad lakad sa loob ng kwarto niya.  Hindi siya dapat naging mabait dito. Dapat pinakita niyang masaya siyang nasugatan ito. Pero paano niya gagawin iyon kung naririnig niya ang hikbi nito.  Ngayon niya lang naintindihan ang sinabi ng daddy niya, that a woman's cry is a man's weakness. Hindi naman kasi siya lalake. Hindi din naman niya kasi pinapaiyak ang mga babae. Well maliban lang sa step sister niya.  But that thing earlier was a mistake! Sa naisip. She began pacing back and forth again.  Napahinto lang siya ng may malambot siyang naapakan. Inangat niya ang kaliwang paa. And what she saw was a cookie from that cutely adorned jar. Saglit niyang tinitigan ang cookie sa sahig. Then before she knew it. Yumuko na siya para abutin iyon. Naglaway siya bigla ng maamoy ang chocolate scents dito. Favorite niya pa naman ang cookie.  Napapikit siya nang maalala ang sinabi nito kanina. Hindi niya alam kung bakit sa isiping magkapamilya sila ay nag iinit na ang dugo niya. She doesn't want to be family with her! Isa pa. She was having some internal tension nang makita ang pag kagat nito sa labi nito kanina habang nag sasalita. Which she finds so darn sexy. Parang gusto niyang palitan ang ngipin nito mula sa pagkakakagat sa sariling bibig, gamit ang labi niya. Hindi niya na alam ang mararamdaman niya sa tuwing nasa paligid ito.  Parang yung cookie na hawak niya ngayon. Alam niyang nahulog na ito sa sahig at naapakan pa niya. So it's dirty. Pero alam niyang bagong luto ito at mukhang masarap pa. It was squishy and soft just like what she wanted in a cookie.  Her mouth watered. Mahaba ang biyahe kanina pero hindi na siya nakakain dahil sa pagod. Sana malinis ang sahig.  "I am really an idiot." She took a bite. Nanlaki ang mga mata niya ng malasahan iyon. It was really delicious. Tamang tama lang. The cookie is just enough for her taste. Hindi masyadong matamis at hindi din masyadong binudburan ng powdered milk. Nami perfected cooking cookies.  Soon enough she was craving to taste another. Kaya naman pagkatapos niyang magbihis. Lumabas siya ng kwarto. Saka palinga linga na tiningnan ang hallway. Pati na ang katapat na kwarto. Mukhang wala naman si Nami.  Agad siyang bumaba para hanapin kung may mga natira pang cookies na luto nito kanina. Binuksan niya ang ref, pero wala siyang nakitang cookies. Kahit na sa mga jar na may mga laman, wala din siyang nakita.  May pag aalinlangan man. Tiningnan niya na din yung basurahan. Napangiti pa siya ng makita ang hinahanap sa loob nun. Wala namang ibang inilagay na basura kasama nung mga cookies. Maliban na lang sa ibang bubog. Pero pwede na siguro ‘to. Dudukot na sana siya ng isang cookie nang makarinig siya ng pigil na tawa.  "Are you seriously going to do that?" there was amusement in Nami’s voice.  Agad siyang tumalikod dito. Ramdam niya kasi ang pamamanhid at pag iinit ng mukha niya. Nakakahiya! "H-Hindi ah!" "Sus kunwari pa. Kung gusto mo pala nung cookie dapat hindi mo binasag yung jar sa harap ko. At sana nanghingi ka na lang sakin." "Paano naman ako hihingi eh wala na?" pabulong na sabi niya. Mukhang narinig nito dahil tumawa na naman ito.  "I can always cook for you. Yun nga lang tutulungan mo na ako, dahil sinayang mo yung gawa ko. So para hindi mo sayangin dapat may ginawa ka din." Mabilis siyang humarap dito. "Just so you know. Kaya lang ako nag hahanap nung cookies mo dahil hindi pa ako kumakain sa biyahe kanina." "Defensive mo." ngumiti ito ng matamis sa kanya. " Kung ganun bakit hindi na lang yung maraming prutas sa ref ang kinain mo? O kaya yung ibang nasa jar?" "A-Ayaw ko na ng prutas. Saka baka panis pa yang nasa jar niyo ma food poison pa ako. Atleast yung cookies mo alam kung bagong gawa." "How about the sandwiches. Ayaw mo din nun?" "A-Alergic ako sa peanut!" Nag angat ito ng kamay. "Jeez. Oo na. Magluto na lang tayo. Miss defensive." "I'm not!" tanggi niya pero patuloy pa din ito sa pag tawag ng Miss defensive sa kanya. Hindi siya aamin kahit na huling huli na siya.  ---------------------------------- She was engrossed in making a dough, mixing flour and baking powder together. Wala na din siyang pakealam kung nalalagyan na ang grey shirt at black cotton short niya ng white powder.  Nilamas lamas niya lang yung dough sa wooden counter nila. Napasimangot siya ng hindi pa rin niya magawa ng maayos iyon. Sinilip niya saglit ang ginagawa ni Nami. Hindi niya talaga makuha.  "I hate to break it up to you. Pero you are doing it wrong." Nami got behind her and tried to guide her hands how to bake. Nag budbod ulit ito ng kaunting flour. Saka humawak ulit sa kamay niya. She felt tension in her body sa ginawa nito. Amoy na amoy niya kasi ang magkahalong amoy ng tsokolate at strawberry sa katawan nito. And she can't resist those foods. Just like she can't seem to resist this s****l attraction towards her step sister. Wala sa sariling napasinghot siya. Pinagpapawisan na siya ng malapot. Napadako ang tingin niya sa magkasugpong nilang mga kamay.  Nami already bandaged her wounds. At kahit hirap ito sa pagtuturo sa kanya dahil isang kamay lang ang gamit nito.  She finds it commendable. Nami's patience and passions. Specially her golden heart. Wala atang araw noon na hindi ito tumutulong sa iba. Hindi ito spoiled kagaya niya.  Kahit noon pa naman. Meron na itong mga bagay na gustong gawin pero wala itong lakas ng loob. Kaya naman sinusuportahan niya. Hindi niya lang alam kung bakit sila nag kahiwalay bilang mag bestfriend. The next thing she knew. Binu-bully niya na ito, dahil sa nalaman niyang nag taksil ang daddy niya sa mommy niya, dahil sa mama nito. Then Nami choose to be with those two idiots, Mark and Ethan. Sumama pa ang kuya Tyron nito. And she was left alone when she needed her bestfriend the most.  "Nami I----" "Hmm...?" "Can we be friends again?" Saglit itong huminto sa pag masa. Saka siya tinitigan ng malalim. Napaiwas siya ng tingin. Those chocolate orbs felt like they are searching thru her soul. Sensing if there is some lies or deception with what she said.  "Ok."  Napangiti siya.  "Ok na ba ang sugat mo?" Bahagya itong ngumiti sa kanya. "Yeah." "Let me see it."  Pinakita naman nito iyon. Nakahinga siya ng maluwag nang tumigil na ang pagdudugo noon at maliit lang pala.  Nagkatinginan sila. Saka ito marahang natawa. Yuri can't help but stare at her. Nami had gotten more beautiful. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD