CHAPTER 4 (Nami's POV)
Ang lakas ng t***k ng puso niya. She can feel her palms getting sweaty and her heartbeat is taking on an incredible speed. Sa sobrang lapit nilang dalawa. She can almost feel the heat radiating off Yuri's body.
Tila napasong binitawan niya ang bibig nito. Then she cleared her throat. "S-Sorry."
Hindi niya alam kung saan siya titingin dahil biglang tumahimik ang paligid. Napayuko na lang siya.
"What gave you the right to push me and get into my room?" Kahit hindi niya kita ang mukha nito ay rinig naman niya sa boses nito ang pag tataray.
Agad siyang napa angat ng tingin sa sinabi nito. Nanlaki din ang mga mata niya. Tinaasan siya nito ng kilay.
"Uhh...I--" She wasn't thinking at that moment. Ayaw niya lang makita ito ni Ethan na halos hubo't hubad. She felt like she would slap Ethan if he did. Hindi niya din alam kung bakit sa naiisip pa lang na yun ay naiinis na siya.
"Well?" nagsalita ulit ito. Kaya naman lalong nag panic ang utak niya.
"A-Ano kasi..." saglit niyang sinulyapan ang suot suot nitong kulay pink na tuwalya. Napalunok siya ng laway. " Kasi baka makita ka ni Ethan na naka towel lang kaya---"
"So?"
"U-Uh...mali kasi sa babae na magpakita ng ganun sa lalake. Baka ano pa ang isipin."
Tumango tango ito.
Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Mabuti naman at naiintindihan nito----
"But you could just shove me here and locked the door on my face." Nag cross arms ito. Saka siya marahang pinasadahan ng tingin. Those gray eyes became hooded and dark. And Nami felt like a prey in Yuri's eyes. Pero tila may iba pa sa aura nito. There was a hint of anger and pissed off aura but a little bit something dangerous.
"E-Eh...that would be rude." agad niyang sabi dahil wala na siyang maisip. Totoo naman kasi. Baka lalo na naman siya nitong tarayan.
Umiwas ito ng tingin sa kanya. Saka marahang nag hawi ng buhok sa mukha.
Napa awang ang mga labi niya. God. It looked so sexy...
She immediately scolded herself after thinking about it. Bakit niya ba yun naisip? Hindi siya lesbian. Kahit na girl crush niya ito dati. Hindi naman siguro aabot sa ganito na mag kakatotoong gusto niya ito higit pa sa 'girl' crush.
"I already accepted your jar of cookies. Pwede ka na bang umalis?" Medyo masungit na ang tono ng boses nito.
"Uhmm...gusto ko lang sana na.... maging mag kaibigan na tayo. I want us to be at peace with each other because---" wala sa sariling napakagat labi siya. Saka marahang nagkamot sa kaliwang kilay." We are already family and----"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla na lang nitong ihulog ang jar ng cookies sa harap niya. Napatili siya dahil sa gulat. Agad siyang tumingin dito.
Yuri gritted her teeth. " You will never be a part of my family! Maybe your mother married my father but I will not accept it! Wag mo akong itulad sayo na tanggap lahat! You and your mother are such social climbers. Sakin pa talaga?! Ngayon sakin ka naman nadikit! You and your brother are all the same!"
Yuri scoffed at her. Napayuko siya sa sinabi nito. Her words hurt a lot than her throwing away the jar of cookies.
Nag init bigla ang mga mata niya. And it was getting hard to breath. She's just controlling herself not to cry. Pero hindi niya na kinaya. Bigla na lang bumuhos ang luha sa mga mata niya. Tumulo iyon sa sahig.
Oo nga at papalugi na ang kumpanya ng mama niya noon. Kung hindi sinagip ng stepdad niya ang kumpanya nila ay hindi niya alam kung saan sila pupulutin na mag iina. Siguro mahirap na din sila ngayon. But it wasn’t like that. Hindi totoong pinakasalan lang ng mama niya ang papa ni Yuri para sa pera. She heard them talking once. Mag bestfriend ang mommy niya at mommy ni Yuri. At dahil mas mahalaga noon ang pagkakaibigan sa mama niya. Pinaraya nito ang stepdad niya para maging masaya ang mommy ni Yuri.
"Ano wala kang sasabihin?!"
Ayaw niyang masira ang imahe nito sa mama nito. Kaya naman marahan siyang napailing. Pinunasan niya ang luha na naglandas sa pisngi niya.
They used to be bestfriends too. Hanggang sa nagbago iyon ng mahuli ng mama ni Yuri na nag tataksil ang papa nito. Yuri started hating her too. Mula elementary hanggang middle high. She let Yuri do it because she felt like she had a responsibility. Kung bakit nakakaramdam ito ng sakit. Pero hindi na tama na hanggang ngayon. Galit pa rin ito dahil sa mga magulang nila.
"I am just my mother's daughter. Hindi mo ako kailangang idamay sa galit mo." pagkasabi niya nun. Agad niyang pinulot ang mga nabasag na piraso ng nabasag na lalagyanan. Kasama na ang mga cookies na nagkadurog durog na yung iba.
Hindi na ito nag salita pa. Pero ramdam niya ang pag titig nito sa kanya.
Nakaramdam na naman siya ng pagka dismaya at lungkot. Maibabalik pa ba niya yung bestfriend niya na laging nakatawa? Yung laging nag j-joke kapag naiyak siya? Yung laging sumusuporta sa tuwing may isang bagay siyang gustong gawin pero parang hindi niya kaya?
Nanlabo bigla ang mga mata niya. She felt pathetic. Remembering those things because obviously the girl infront of her didn't. Pesteng luha!
She angrily wiped her tears away. Pero patuloy lang ito sa pag agos kaya naman hindi na siya nag abala pang punasan iyon. Nagpatuloy lang siya sa pag pulot ng mga bubog. Sa sobrang panlalabo ng mga mata niya. Hindi niya napansin na mali ang pag kakuha niya sa isa. She felt hot pain sear in her index finger. Napaigtad siya kaya naman nabitawan niya din yung iba niyang hawak na bubog.
"Ahh..." she gasped.
Napapikit siya sa sakit. Pero hindi siya nag aangat ng mukha. Ayaw niyang makita ang masayang mukha ni Yuri na makitang nasasaktan siya.
Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang pag hawak nito sa kamay niya. Marahang pinadugo nito ang kamay niya. Pagkatapos ay pinigilan nito ang pag dudugo gamit ang hawak hawak nitong tuwalya kanina. Hindi niya na ito napigilan sa ginawa dahil halos malaglag ang panga niya sa ginagawa nito. Atleast Yuri is still human to feel conscience.
Nami felt herself smile. Agad siyang nag iwas ng tingin sa mukha nitong focused sa pag pigil ng pagdugo ng daliri niya. Baka kasi taasan na naman siya nito ng kilay.
"S-Salamat."
Pagkatapos nitong gawin iyon. Agad siyang bumalik sa pagpupulot ng mga bubog. Pero pinigilan na siya nito.
"Wag mo nang linisin yan. Ako na. Baka masugatan ka pa. This is just a one-time thing. Hindi kita kaibigan. Naawa lang ako sayo dahil kita na yung uhog sa mukha mo." umiwas ito ng tingin. Surprisingly. Yuri's voice is soft. Sumenyas ito na umalis na siya, with shooing effect pa.
Wala sa sariling napangiti siya. Hindi siya nakinig at pinag patuloy lang ang pagpulot sa ibang bubog. Gusto niya pang manatili sa presensiya nito. She made sure na hindi na siya masusugatan pa.
"I told you I will do that. Di ba?!" tila inis na naman ito sa kanya. Pero wala na itong nagawa dahil tapos na siya at nakalagay na ang pira pirasong bubog sa loob ng isa pang malaking parte ng lalagyanan na hawak niya.
"O-Ok lang." marahan niya itong nginitian saka siya lumabas sa kwarto nito.