"Marco. Magdamit ka nga! Hindi ka ba naiinitan?" Inis na sabi ko rito. Kasalukuyan kasi kaming nasa loob ng kwarto niya at nagpapahinga. Ngumisi lang ito sa akin. "Mainit.." Sabi niya. Itinaas pa nga niya ang kili-kili niya at inamoy sa harapan ko. "Kadiri 'to. Umayos ka nga Marco! Iligo mo 'yan! Mabaho na!" Sabi ko rito. Napatawa naman si Marco. "Hindi naman maasim eh. Mabango kaya!" Aniya lumapit pa ito sa akin at ako naman ay nagtakip na ng kumot sa mukha! "Ano ba Marco! Tumigil ka!" Naiinis na sabi ko pero napalitan rin naman ng sunod-sunod na pagtawa. Kinikiliti ako ni Marco! "M-Marco tama na hahahahahaha..." natatawang sabi ko habang kinikiliti niya ang tagiliran ko. Hindi ko talaga mapigilang hindi mapatawa. "Mabaho pala ah!" Sabi niya na tila ba nang-aasar at tuloy-tuloy ang p