Ilang araw na rin ang nakakalipas simula nang aminin ni Marco sa akin ang nararamdaman niya at hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako, charing "Marco, Sasabay ka ba sa akin?" Tanong ko, recess kasi namin ngayon. "Yup, wait for me.." Sabi niya, kinuha kasi niya ang cellphone na naka-charge sa tabi niya pagkatapos ay sumabay na sa aking maglakad patungong canteen. Medyo naiilang pa nga ako ng akbayan niya ako. "Anong gusto mo?" Tanong nito nang makarating kami sa canteen. Napakagat labi ako. Ikaw sana, charot. "Shake na lang.." Kinuha ko ang pera sa bulsa ko at inabo sa kanya. Umiling ito, hindi tinanggap ang pera ko. "H'wag na, ako na ang gagastos.." Aniya at bumili na nga, ako naman ay naiwan na lamang sa pwesto naming dalawa. Nilapitan pa ako ng kaibigan ko pero umalis din agad dah