Mabilis na nakalipas ang araw, wala namang pinagbago sa pakikitungo sa akin ni Marco gayundin ako sa kanya. Ang sweet niya lang talaga. Mamaya na rin gaganapin ang party sa mansion nila Marco kaya busy ako kakalinis ng mansion nila. Hindi ko pa nga nakikita si Marco dahil tulog pa raw sa kwarto niya, hindi ko naman pwedeng magising dahil baka puyat 'yon kagabi. "Andrea, 'dalhan mo muna nang pagkain si Marco sa itaas, baka gising na 'yon.."Sabi sa akin ni Manang Thelma. Tumango naman ako at tumungo na sa kusina upang kunin ang pagkain ni Marco. Kumatok pa ako ng ilang beses pero hindi naman siya sumagot. Nang buksan ko naman ang pintuan ay gising na naman siya at tila ba seryosong nakatitig lang sa kisame. "Marco.." tawag ko. Tumingin naman siya sa gawikoat umupo na sa kama niya. "Happy