"Andrea! Kanina ka pa hinihintay ni Marco, Hindi ka naman lumalabas ng kwarto mo.." Bungad sa akin ni Mama pagkalabas ko pa lamang sa kwarto ko. Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas simula noong party. Isang buwan na rin ang nakakalipas pero hindi na kami nagkakausap ni Marco. Mas pinili kong umiwas na lang dahil nasasaktan ako tuwing naaalala ko ang pangyayari noong birthday niya. Sobrang nasaktan ako 'non. Akala ko gusto n'ya ako 'yun pala bola lang. Akala ko gusto niya ako, 'yun pala as friend lang pala. "Araw-araw kang hinihintay ni Marco, hindi mo naman nilalabas. Noong isang araw nga diyan ko na siya pinatulog sa salas dahil ayaw niyang umuwi.." Kasalukuyan akong kumakain ngayon ng almusal ko. "Kumain na po kayo?" tanong ko kay Mama. Tumango naman si Mama. "Oo, sabay kami ni