WAKAS Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nagmamaneho ng kotse. It's been six years. Ngayon, may maganda na akong buhay kasama ng Asawa ko. "Marco! Naaasar na ako sa pagngiti-ngiti mong 'yan ah!" Mas lalo akong napangiti sa sinabi ng Asawa 'ko. "Eh, naka-iscore na naman ako eh.." Masayang sambit ko. Mayroon na kaming isang Anak. Si Greg, Apat na taon na ito at nakatulog na ngayon na nakaupo sa likod ng kotse. "Ewan ko sa'yo.. Loko-loko ka, mamaya marinig pa ng anak mo 'yang mga sinasabi mo.." Sabi niya. "Totoo naman ah? Hindi ka ba nabuntis?" tanong ko rito. Napa-aray naman ako nang batukan na naman niya ako. "Masakit na, kanina ka pa nananakit.." kunwari ay nagtatampong sabi ko. "Iyang bibig mo kasi! Itikom mo 'yan kung puro kabastusan lang ang lalabas!" Mahina pero pasigaw na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books