"Bakit, parang hindi mo na kinakausap si Marco?" Tanong sa akin ng isang kaklase ko. Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa isa sa mga upuan dito sa canteen habang kumakain ng spaghetti. Muntik na akong mapairap sa nagsalita sa tabi ko. Gusto ko na sanang sagutin na wala ka na 'don pero ayokong sumama naman ang loob nito sa akin ni Trisha. "Nag-uusap naman kami.." Sabi ko. Tumango-tango ang katabi ko, Hindi na rin siya nagtanong. Siguro naman ay nakuha na niya na tinatamad akong sumagot. "Andrea." Muntik na akong mapaigtad sagulat. Mabuti nalang at nandito si Trisha sa tabi ko. Hindi ako lumingon at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Naramdaman kong tumabi sa akin si Marco. "Uhh Andrea, Una na ako ah? May gagawin pa pala ako.." Sabi ni Trisha. Tumango naman ako bilang pagtugon. Hindi ko inimik