Hininto ko ang kotse ko sa tapat ng subdivision. Kung saan do'n huling nakita ang sasakyan na ginamit sa pagdukot kay Renz. Sa unang tingin ay hindi kahina-hinala ang paligid. Simpleng mga bahay lang at may naaaninag pa akong open basketball court. May sapat din na liwanag ang buong subdivision dahil sa mga poste ng ilaw sa paligid. "Ito na ba 'yon?" tanong ni Tristan. "Mukha naman, Prosecutor Reyes," sagot naman sa kanya ni fiery priest. "Nambabara ka na naman, Father." "Baba na, two idiots," singit ko sa kanila dahil mukhang mag-uumpisa na naman silang magbangayan. "At bakit, Spent?" "Dahil maglalakad tayo papasok sa loob. Iiwanan natin itong sasakyan dito." "Katamad maglakad, Spent. Idagdag mo pang inaantok ako at parang pipikit na ang mga mata ko." "Bakit kasi hind