"Ito na lahat ng nakuha kong footages malapit-lapit sa simbahan." Binigay sa 'kin ni Tristan ang isang plastic bag kung saan may laman iyong flashdrives. Nilagay ko rin do'n ang mga nakuha ko ring footages na malapit sa simbahan. "Tara na. Umpisahan na natin 'tong tingnan isa-isa," yaya ko at sumakay na sa motor ko. Umangkas naman na siya kaya pinaandar ko na ito at dumiretso sa bahay ni fiery priest na tinutuluyan ko. Nando'n na rin naman na ata si Father dahil wala na siyang misa pagkatapos ng misa niya kaganina. Sinabi niya rin naman na tutulong siya sa pagtingin sa mga footages para mahanap ang pulang kotse na 'yon. Ang pulang kotse na gamit ng mga dumukot kay Renz. "Spent. Ang ipinagtataka ko lang, bakit kinidnap nila 'yong bata? Bakit nila dinamay si Renz?" tanong ni Trist