SATFP: Chapter 29

2014 Words
"Ano?! Ito na!" Dali-dali siyang tumakbo at umangkas na sa motor ko. Pinaharurot ko naman 'yon agad nang makasakay na siya. Let's start the chase and catch the culprit. Mukhang tinadhana talaga na dumaan siya ro'n kung saan nando'n pa kami at hindi pa nakaaalis. "Habulin mo! Bilisan mo pa!" sigaw ni fiery priest na gigil na gigil. Katirikan ng araw pero ito kami at hinahabol ang sasakyan na bumangga kay Father Jacob. But who f*cking care about the sun and the heat? The culprit is now right in front of our eyes! "Spent! Bilisan mo! Iharurot mo na! Malapit na tayo sa kanya!" "Can you shut your mouth, fiery priest?! You're too loud!" "What?! Just spee—" "I have my strategy and plan, Father Josiah! Keep calm ang trust me!" "At ano'ng plano 'yon?!" "Chasing him without noticing it! Kailangan nating malaman kung saan siya nagtatago then we do the next action!" "Okay! I trust you!" Nagpakita pa siya ng okay sign ng kamay niya sa side mirror. Umiling ako at napangiti. He said yesterday that he will return his trust on me while catching the culprit. And so he did. Sinunod niya ang plano ko nang walang reklamo at nananatiling nakahawak sa balikat ko habang sinusundan namin ang target. Hindi na rin siya sumisigaw at gigil na gigil. Mukhang kumalma na siya dahil sa sinabi kong plano. When doing this kind of mission, we need to keep calm in order to think of a right plan and good strategy. I'm maintaining exactly ten meters distance away from the culprit's car. Nananatiling nasa harap at nakasunod kami sa kanya kasabay ng iba pang sasakyan. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa sasakyan at tanging do'n lang naka-pokus sa sasakyan ng taong pumatay kay Father Jacob. "He's moving to the right lane, Spent." I know. But looking on how he changed his lane is suspicious. I think he's checking if someone is chasing him. Makakahalata siya kapag sinundan namin siya kung gano'n nga ang dahilan kung bakit siya lumipat ng lane. Hindi ko na siya sinundan at sumabay lang sa bilis niya. Kung kanina ay nasa likod kami at nananatiling nakasunod sa kanya, ngayon ay pinapantayan ko na ang sasakyan ng pumatay kay Father Jacob. "Ano'ng ginagawa mo?!" Or am I wrong? I can see a right turn two kilometers from us. Liliko ba siya ro'n? Didiretso? I can't predict it! Bullsh*t! "I'm observing!" I answered. "Oberving?! Spent, anak ng—ah no—I trust you, okay! I trust Spentice Viglianco! We trust her, Josiah, we trust her!" What the hell is this priest doing? Nababaliw na ba siya sa init ng sikat ng araw? Kasi ako rin! Ramdam na ramdam ko ang init na tumatama sa balat ko kahit na naka-longsleeve ako. Napansin kong papaliko ang sasakyan ng culprit pakanan. Sh*t! I knew it, he will turn right! "Lumiliko siya! Change lane!" That's what I'm doing, punk! Lilipat na sana ako ng lane kaso nakita ko sa gilid ko na maraming sasakyan ang dumadaan kaya hindi ako makakuha ng tyempo sa paglipat. "D*ng it!" "Bilis, Spent!" "I'm trying!" Tumingin ulit ako sa kanang side mirror ko at in-on ang signal light. Nang masigurong wala ng dadaan ay mabilis akong lumipat ng lane at lumiko sa pinaglikuan ng sasakyan na minamaneho ng target namin. Pero pagkaliko namin do'n ay biglang naglaho ang sasakyan na sinusundan namin. Wala na akong nakikitang itim na sasakyan at walang plaka. Puro bahay kubo ang nakikita ko at layo-layo. Idagdag pa na puro damuhan ang paligid at mukhang tinaniman na ng palay ang iba. "Where are we?" tanong ko kay Father Josiah. Hindi ko alam na may ganito pala sa Sta. Lazero. Parang ang tahimik ng lugar at wala masyadong tao akong nakikita. "Not sure. Hindi ko rin alam 'to." "Seriously, fiery priest? You live here but you don't know this place?" Napatingin pa ako sa kanya na tinanggal na ang helmet niya. "Seriously, Spent? Mukha ba akong taong gala?" he sarcastically said. I rolled my eyes. "Okay, for now, let's start searching." "Go straight but slowly. Baka makaistorbo ka ng ibang tao. Nakakatakot din 'tong lugar na 'to." This place? Scary? Not even a little bit. It's looks peaceful for me. "Wear you helmet, fiery priest." "No need. Mas nakakahinga ako ng maayos kapag wala 'to. Ang init, p*cha!" Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya at nag-umpisa ulit na umandar. Dire-diretso lang akong nagmamaneho habang tumitingin sa kaliwa't kanan. Bukod sa daang dinadanaan namin ay may mga daan pa banda paglagpas sa damuhan. This place is good for hideout. Lalo na sa mga taong nagtatago sa batas at pinaghahanap. May nakita akong isang batang babae na naglalaro sa gilid sa damuhan. Hininto ko sa harapan niya ang motor ko at nagtanong. "Hello, bata? May nakita ka bang itim na sasakyan na dumaan dito?" tanong ko. Ilang segundong nakatingin lang sa 'min ang bata at walang sinasabi. "Hindi ba siya nagsasalita?" bulong ni Father Josiah. "I don't know. Baka hindi niya tayo naintindihan? Ano pa bang language ang gamit niyo rito?" "Sira! Tagalog ang main dito at wala ng ibang ginagamit." "Malay mo kasi may iba siyang gamit na lenggwahe." "Wala tayong mapapala sa kanya, Spent. Alis na." Napabuntong hininga ako nang hindi pa rin magsalita ang bata. Kung takutin ko kaya 'to, magsalita kaya siya? "Salamat na lang, bata," sabi ko at inalis na ang tingin sa kanya. Bakit parang ang weird ng batang 'to? Aalis na sana kami nang bigla siyang may tinuro sa bandang likuran niya. At 'yon ay sa kabilang daanan paglagapas ng damuhan. May mga bahay pa rin do'n at mga palay. "Fiery priest... Ihanda mo sarili mo." Ramdam kong nagulat ang paring nasa likuran ko. "Oy, teka! Sigurado ka bang paniniwalaan mo 'yang batang 'yan? Na do'n talaga pumunta 'yong sasakyan?" "Kids don't lie, Father. Alam kong alam mo 'yan dahil pari ka." "No! Hindi ako naniniwala na hindi nagsisinungaling ang mga bata." "Then let's just check it. At kapag wala, eh 'di maghanap ulit." "Kapag wala, sisisihin ko ang batang 'to." Tinuro niya pa ang batang mukhang nagtataka na sa 'min. Kung hindi mo naitatanong, bata, hindi matinong pari 'tong nasa likod ko. Sasabihin ko sana 'yan kaso baka ma-minus-an na naman ako ng points nitong ni fiery priest. Ngumiti ako sa bata. "Salamat ulit. Kunyari 'di mo kami nakita. Secret lang 'to." Tumango lang siya sa sinabi ko. Mukhang hindi nakakapagsalita ang batang 'to o ayaw niya lang talagang magsalita? Anyway, it's alright dahil naintindihan niya ang tinanong ko. But we are not that sure if what she said is accurate and true. "Salamat, ba-bye, bata! Pagpalain ka nawa ng Diyos," saad ni fiery priest bago ko tuluyang paandarin ang motor ko papunta sa tinuro no'ng bata. Mas pinili kong dumaan sa mga walang palay at taniman para makapunta sa kabilang daan. Sa damuhan kung saan walang nakatanim ako dumaan kahit na medyo napalayo kami. Kaysa naman maperwisyo ko ang mga tanim ng mga tao rito. "Spent, ihinto mo muna." "Why?" "Naiihi ako." What?! Napaka-right timing naman niyang ihi mo! "Seryoso ba 'yan?!" "Oo. Bilis, lalabas na!" "At saan ka naman iihi?" "D'yan sa tabi-tabi. Basta huwag mo nang itanong, ihinto mo muna!" Hininto ko ang motor ko at agad naman siyang bumaba. Inis kong tinanggal ang helmet ko dahil tumatagaktak na rin ang pawis ko sa sobrang init. Inikot ko ang paningin ko sa paligid at nakitang umiihi si fiery priest sa likod ng puno. Buti na lang at nakapang-civillian siya dahil ang weird tingnan kapag umiihi siya d'yan habang suot-suot ang cassocks niya. Nilagpasan ko siya ng tingin at inikot pa sa paligid ang tingin ko lalo na sa daang pupuntahan namin. Nasa gitna na kami at unti na lang nando'n na kami sa daan na 'yon. Ang problema nga lang ay parang hindi ko na kinakaya ang tirik ng araw at ang init. Bumaba ako sa motor ko at sinabit ang helmet ko sa manibela. Dahil nga naiinitan na rin ako ay hinubad ko ang longsleeve na suot-suot ko leaving my sando behind. Tinali ko ang longsleeve ko sa baywang ko at hinintay na matapos si fiery priest sa pag-ihi niya. Balde ba inihi no'n? Bakit ang tagal niya? Nagtali na rin ako ng buhok ko para mabawasan ang init. Just wait you son of a b*tch killer. I'll kill you when I catch you. Pinapahirapan mo kaming hulihin ka sa gitna ng tirik na tirik na araw. Pero oo nga pala, ayon sa kondisyon ni fiery priest ay hindi ako pwedeng pumatay. And I'm still torn kung paano ang gagawin ko once na mahuli na namin ang culprit. I promise my Dad that I'll kill that son of a b*tch but fiery priest condition is bothering me also. Sa susunod ko na iisipin 'yon kapag nagawa ko ng mahuli ang culprit. "Hey, Father Jo—oh nand'yan ka na pala, 'di ka nagsasabi?" Nakita ko siyang nakatayo na malapit sa motor ko at nakatingin lang sa 'kin. Umiwas siya ng tingin at sumakay na sa motor. "Tara na nang mahuli na 'yang masamang taong pumatay kay Father Jacob." Sumakay na rin ako at hinintay si fiery priest na humawak sa 'kin kagaya ng ginagawa niya bago ako umandar pero hindi niya ata ginawa. Lumingon ako sa kanya pero nanatili siyang malayo ang tingin. Problema nito? Umihi lang siya kaganina, ah? Change of mood na ulit? Sabagay, fiery priest is a moody person kaya parang normal na sa 'king makita ang pabago-bago niyang ugali. Hindi ko na siya pinansin at pinaandar na ang motor ko diretso sa kabilang daan. Pagtapak namin sa kabilang daan ay may isang sasakyan akong nakita na ilang metro rin ang layo sa 'min. Ang sasakyang nag-iisa lang dito sa lugar na 'to. Sino nga ba ang magkakaroon ng sasakyan sa lugar kung saan bahay kubo ang mga bahay? 'Yong ibang bahay nga ay pinagtagpi-tagpi ng kawayan at may sira-sirang yero. Nakahinto lang ako at inoobserbahan ang paligid. Pinapakiramdaman. "Spentice, 'yong kotseng bumangga kay Father Jacob." Tinuro pa ni fiery priest ang kotse na nakita niya rin pala. "Yeah. I can see it, too." Binaba niya ang kamay niya at napahawak sa balikat ko na agad niya ring tinanggal. "Shoot." Rinig ko ang bulong niya na ipinagsawalang bahala ko lang. "Lalapit tayo ro'n pero..." Pinatay ko ang makina ng motor ko at tinanggal ang susi. "Maglalakad lang tayo ng dahan-dahan at walang ingay. Observing is a must, fiery priest." "Okay, understood." Nauna na siyang bumaba at sumunod ako. Nilabas ko ang baril ko sa gilid ko at kinasa 'yon bago sabayan sa paglalakad si fiery priest. "Hoy, Spent. At bakit may baril kang dala?" tanong niya na gulat na gulat. "Palagi akong may dalang baril, hindi mo lang alam. It's for emergency use." "Emergency use? Baka for mafia use." Kita mo 'tong paring 'to. Nagawa pang magtaray. Oo na, galit ka na sa mga kriminal. Dire-diretso lang akong naglalakad papalapit sa sasakyan habang tuloy ang pagtingin sa paligid. Nakasunod naman sa likuran ko si fiery priest. Nang malapit na kami sa kotse ay dahan-dahan kong nilapitan 'yon. We're right. This is the car we've been looking for. No plate number, black tinted car, and has a white X mark on the driver's door. "Stop, fiery priest. D'yan ka lang," utos ko. "Ano? At bakit?" "Just do what I say." Wala naman siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ko. I shot one of the wheels of the car para hindi na makatakbo pa kung sakaling may balak pang tumakas ng culprit. Hindi ko makita ang loob dahil tinted ang kotse kaya hindi ko alam kung may tao ba sa loob. Malapit na ako sa driver's door at akmang bubuksan ko na 'yon nang magbukas 'yon at lumabas ang lalaking may hawak ding baril at nakatutok sa 'kin. "Fudge! Siya 'yon, Spent! Ang taong pumatay kay Father Jacob! 'Yong nakita ko sa CCTV kaganina!" "Umatras ka kung hindi ipuputok ko 'to!" pananakot ng lalaki. Umatras ako ng isang hakbang at ngumisi. "Found you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD