"Baba na, fiery priest."
"Nandito na ba tayo?"
"Not yet. Magpapahinga lang talaga tayo rito, oo."
"T*rantadong sagot sa maayos na tanong. Humahanga talaga ako sa 'yo, Spent."
"Pari pero hindi matino ang ugali. You're amazing, fiery priest."
"Ano?!"
"Bumaba ka na lang kaya!"
"Ito na nga, oh!"
Bumaba siya sa motor ko at tinanggal ang helmet niya.
"Magsimula kang maghanap ng mga CCTV camera ro'n tapos magtanong ka kung pwede mo makita ang footages. And you know the rest. You remember the car, right?
"Yes. Pina-print ko pa mismo ang picture no'ng sasakyan. Black tinted car at may white X mark sa driver's door. Okay?"
"Good. Go there, now." Tinuro ko ang diretsong daan na paghahanapan ni Father Josiah ng CCTV camera.
"Alam ko! Makautos ka naman sa pari!"
"Oh, sorry but I'm disregarding our jobs here. Focusing on finding the culprit is the main goal."
"Tss!" Inis siyang napakamot sa ulo niya at tumalikod na sa 'kin.
A smile formed to my lips. Fiery priest, it's your choice to help me. And the kind of work I do is mostly extreme and fast.
We should find the culprit as soon as possible.
Kanina pa kami naghahanap ng mga CCTV camera at nagtatanong sa mga may-ari nito. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming lead kung saan tumakbo at nagtago ang culprit.
Bukod sa nakuha naming dumiretso rito sa daan na 'to ang kotse niya ay wala pa kaming nakukuha na iba.
Dalawa kasi ang daan dito, isang diretso at isang pakaliwa. Mas mabuti kung sabay kaming maghahanap at magtatanong ng mga CCTV footage para madaling matapos ang pag-iimbestiga.
Pinaandar ko ang motor ko papunta sa kaliwang daan. Tirik na ang araw dahil alas onse na ng umaga. Pero kahit gano'n ay tuloy pa rin ang pag-iimbestiga namin.
May nakita akong isang CCTV camera kaya huminto ako at nagtanong.
"Hindi na gumagana iyan, iha."
"Salamat po."
Sumakay ulit ako sa motor ko at patuloy na naghanap ng iba pang CCTV camera.
I really don't want to ask for help on my hacker's team to easily find the culprit through advance technologies and satellite. Dahil isa sa mga kondisyon ni Father Josiah ay hindi ko idadamay ang mafia namin sa paghahanap sa taong pumatay kay Father Jacob.
I accepted all his conditions and remain friends with him. And I'll try my best to follow those conditions.
"Hanggang dito lang ang abot ng CCTV namin. Sana makatulong kahit papaano."
Ngumiti ako at nagpasalamat sa owner ng flower shop.
Pangatlong CCTV camera na ang nakita ko pero wala pa ring akong nakikitang kagaya ng sasakyan na sumagasa kay Father Jacob.
Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko 'yong nilabas sa bulsa ko.
Fiery Priest is calling...
Nahanap na niya kaya kung saang daan ulit pumunta ang kotseng minamaneho ng culprit? Mabilis kong sinagot ang tawag.
"Hello?"
[Spent! 911! Emergency!]
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya.
"What the f*ck?! I'm on my way!"
Binaba ko ang tawag at dali-daling sumakay sa motor ko. Pinaharurot ko 'yon at pinuntahan ang daan kung saan naghahanap ng CCTV camera si Father Josiah.
We exchanged numbers earlier and Father Josiah do really has a phone. It's a good thing dahil akala ko ay wala siya nito, eh 'di mahihirapan kaming magkomunikasyon sa isa't isa habang nag-iimbestiga kung wala siyang phone.
Nakarating ako sa daan na pinuntahan ni fiery priest at nakita siyang nakaupo sa gilid.
Hininto ko ang motor sa tapat niya at tinanggal ang helmet ko.
Bumaba ako at agad siyang dinaluhan. I check him to make sure if he's fine.
"What happened? Did you find the culprit? Are you okay? What emergency?" tanong ko na hindi ko namalayan na sunod-sunod pala.
I just get worried, that's all.
"Kalma lang, Spent. Okay lang ako."
Napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
Akala ko kung ano nang nangyari sa kanya.
"Okay..." Tumango ako at malakas na hinampas ang braso niya. "You scared the hell out of me!"
Napahawak siya sa braso niyang hinampas ko at napadaing sa sakit. "Shoot! Hindi naman masakit 'yong hampas mo 'no?!"
"Deserve."
Tumayo na ako at sumandal sa motor ko.
"Ayos ah. Deserve pa lang saktan ang isang pari? Minus points ka sa langit."
"Hindi ako ro'n pupunta, I know."
"Confident!"
I scoffed. Ikaw rin naman confident na sa langit ka pupunta kahit gan'yan ang ugali mo.
"So, what's the emergency? 911?"
"Gutom na ko kaganina pa. Kumain muna tayo at baka mamatay na ako sa gutom nito."
"Pa'no kapag hindi pa ako gutom?"
"Spentice Viglianco!"
"Yeah? That's my name?"
"Inis naman! Gutom na ako! Gutom na gutom na ako!" sigaw niya at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sahig. "Ang init pa ng sahig, putek!"
Kasalan mo 'yan, uupo-upo ka d'yan eh.
"Fine, let's go. Maghahanap ako ng malapit na kainan."
"Dapat kanina mo pa 'yan sinabi!"
"Whatever."
Sumakay na siya sa motor ko kaya pinaandar ko na ito pabalik.
"May nadaanan tayo kaganina rito na gotohan! Do'n na lang tayo kumain!"
"Are you serious?! Goto for lunch?!"
"Sapat na 'yon! Do'n na lang!" sigaw niya dahil hindi ko siya maririnig kung hindi siya sisigaw. Kaya nagsisigawan kami habang nag-uusap.
Sinunod ko ang sinabi niya at hinanap ang gotohan na nadaanan namin.
Nagda-diet ba ang paring 'to kaya maggo-goto na lang para sa pananghalian?
"Ito! Hinto!"
Hininto ko ang motor ko sa tapat ng gotohan na sinasabi niya. Pinarada ko 'yon ng maayos bago kami bumaba.
Nauna nang pumasok si fiery priest sa loob at naghanap ng mauupuan. Mukhang gutom na gutom na nga dahil hindi na siya nakapaghintay.
Pumasok na rin ako sa loob nang masigurong nakaayos na ang motor ko. Nakita ko naman agad si Father Josiah na nakaupo na at nakahanap na ng lamesa.
"Dito, Spent!"
Pumunta ako sa kinauupuan niya at umupo na rin sa katapat niyang upuan.
"Nakapag-order na ako. Three orders of goto."
"Three? At bakit naman tatlo?"
"Dalawa para sa 'kin at isa para sa 'yo."
"And who's going to pay for that?" I asked with one eyebrow up.
"You, of course. Ikaw mayaman sa 'tin eh, dapat lang na ikaw ang magbayad dahil marami ka namang pera."
Hiyang-hiya naman ako sa kakapalan ng mukha ng paring 'to.
"I don't know na paladesisyon ka pala, Father," I said with sarcasm.
"Okay lang 'yan, Spent. Mahal ka ng tatay mo."
Pinakitaan ko siya ng middle finger ko na agad naman siyang nag-react.
Nanlaki ang mga mata niya at tinuro sa 'kin ang hintuturo niya na parang lagot ako.
"Nako po! Minus 11 sa langit! Plus 10 sa impyerno!"
Inirapan ko siya. Kung ano-ano na lang masabi ng paring 'to eh.
"Sabihin mo lang gusto mong sabihin, fiery priest. Wala akong paki."
"Lahat ng gusto kong sabihin, sasabihin ko? At wala kang paki ro'n?" tanong niya habang may ngisi sa labi.
Uh-oh. Mali ata ang sinabi ko dahil tinatakot niya na naman ako na ilalabas niya ang sikreto ko. Buti sana kung 'yang sikreto ko ay hindi gano'n dapat pagkaingatan kaso kailangan ingatan. The golds and my real identity here is in danger with fiery priest.
I cleared my throat. "Not the secret, Father Josiah."
Napatawa siya sa sinabi ko.
This punk is getting on my nerves again.
"Ito na po ang order niyo." May biglang sumingit sa 'min na waiter at naglagay ng tatlong goto sa mesa at tubig.
"Thank you," pasasalamat ko sa waiter.
"Sa wakas, makakain na rin!"
Dahil hindi ginawa 'yon ng paring nag-order mismo ng goto.
Ano na lang kaya ang sasabihin ng ibang tao kapag nakasuot ng priest attire 'tong si fiery priest? Tapos hindi nagawang magpasalamat sa waiter pagkatapos i-serve ang pagkain?
But knowing him, I'm sure he doesn't care.
Kagaya ngayon na nag-uumpisa na siyang kumain. Ni hindi man lang ako hinintay. But I understand, gutom na gutom na siya kaya gano'n.
Maybe some people may misunderstood something and will make an issue about him. Pero kagaya nga ng sabi ko wala na siya ro'n dahil nga he doesn't care about people around him.
Wala siyang paki sa sasabihin ng iba sa kanya basta siya ay paring nagpapakalat ng salita ng Diyos.
I think ganito ang mindset niya.
"Ang sarap! Wala talagang hindi masarap na pagkain sa taong gutom."
"Dahan-dahan lang sa pagkain at baka mabulunan ka, fiery priest," paalala ko sa kanya habang nag-uumpisa na ring kumain.
Sunod-sunod kasi siya kung sumubo kaya nakakalahati na niya ang isang order ng goto.
Napailing na lang ako at mas pinagtuonan ng pansin ang pagkain ko kaysa sa paring nasa tapat ko.
"Pagkatapos nito, balik na ba ulit sa pag-iimbestiga?" tanong niya.
"Hindi na muna. Mamayang hapon na lang ulit dahil sobrang init. May misa ka ba?"
"Wala naman. Naka-leave ako."
Tumango ako at napatingin sa labas ng gotohan.
Grabe ang sikat ng araw at napakasakit no'n sa mata at ulo. Kaya mas mabuting mamayang hapon na lang ituloy ang pag-iimbestiga namin dahil baka ma-heat stroke kami sa init.
"Wala ka bang nakitang lead sa pinaghanapan mong daan?" tanong ko at ibinalik ang tingin sa kanya.
Napapitik siya sa ere at nilunok muna ang kinakain niya bago magsalita.
"Buti at pinaalala mo! Meron akong nakitang footage na nakuhanan ang sasakyan at nakita rin doon na lumabas ng kotse ang taong pumatay kay Father Jacob."
What he said makes me excited and eager to catch that culprit fast.
"Really? Nakakuha ka ba ng copy ng footage na 'yon?"
"Ako pa ba? Oo naman! Kilala ko ang matandang may-ari ng CCTV dahil palagi siyang pumupunta sa simbahan tuwing magmimisa ako."
"You must be proud."
"Of course! Oh."
Binigay niya sa 'kin ang flashdrive na agad kong nilagay sa wallet ko.
"I'll check it later at the house. Sa ngayon, ubusin mo muna 'yang kinakain mo."
"Hindi ka pa nga rin tapos eh."
"Then let's finish our food, okay?"
"Gan'yan dapat, Spentice Viglianco."
I smirked at sumubo ng isang kutsarang goto.
"You like calling my full name?"
Napaubo siya sa naging tanong ko at napainom ng tubig.
I chuckled. What is his problem?
"Putakte! Ano'ng tanong 'yon? Pangalan mo 'yon eh, syempre 'yon ang itatawag ko sa 'yo," sagot niya pagkatapos uminom ng tubig.
Defensive masyado 'tong si fiery priest.
Nagkibit balikat na lang ako sa kanya at inubos na ang pagkain ko. Gano'n din naman siya.
Nagbayad na ako pagkatapos naming kumain at bumalik ulit sa pagsakay sa motor ko.
I started the engine of my motorbike while waiting for fiery priest.
"Hey! Ang bagal mo namang maglakad!"
"Malamang! Ikaw kaya ang maraming kinain ewan ko lang kung hindi ka mabusog ng sobra!" singhal niya.
Order pa ng dalawang goto.
Sinuot ko na ang helmet ko at binato sa kanya ang helmet niya na agad niya namang sinalo.
"Nagmamadali ka ba, Spent?!"
"Yes! Kaya bilisan mo na!"
"Bilisan mo mukha mo!"
Eh kung iwan kaya kita d'yan, Father Josiah?
Malapit na siyang makarating sa motor ko nang may mahagip ang mga mata ko.
Ang kadadaan lang na kotse na parehong-pareho sa kotseng bumangga kay Father Jacob. Ang kaibahan lang ay ayos na ang headlight nito.
"Sh*t! F*ck! Get in, fiery priest! That's the car!"