SATFP: Chapter 27

1706 Words
"Spentice, take care. Update me when you already catch the culprit. I let you get through the end of this." "I will, Dad. I will f*cking hunt and kill that person who killed Father Jacob." "A life for a life, my daughter." Tumango ako. If I have my own motto, my father does too. "Go, Dad. I'll handle the problems and golds real smooth." "Take your time. Have a good sleep and eat regularly, Spent. Don't forget to—" "Yeah, I know, Dad. I'm fine, I'm good. You don't need to worry. Just go." Nakita ko kung paano siya sumimangot. And the next move he will do is already predicted kaya tumalikod na ako sa kanya. Mag-iinarte lang 'yang tatay ko. "Bye!" Kumaway pa ako sa kanya bago tuluyang umalis. "Spentice Viglianco! You are not my daughter!" pahabol niyang sigaw. Whatever, Dad! Aalis na nga lang, may pa-drama pa! Umiling ako bago sumakay sa motor ko at sinuot ang helmet. Nasa airport ako ngayon at sinamahan si Dad kasama na ang mga bodyguards niya. Babalik na kasi siya sa Italy pagkatapos niyang makipaglibing kay Father Jacob. Maraming tao ang pumunta sa huling hantungan ni Father, lahat ay nalulungkot sa nangyari. At isa na ro'n si Father Josiah na hindi ko alam kung nakapagdesisyon na ba. Hindi ko naman siya minamadali pero I just hope that he already made his decision. Alam kong mahirap ibalik ang tiwala mo sa isang tao lalo na't kapag nasira ito. Pero susubukan ko pa rin. Susubukan ko pa rin matulungan kahit papaano si fiery priest na makamit ang gusto niyang hustisya kay Father Jacob. I'm a criminal but I want justice for Father Jacob's death too. Wala na ako sa kung ano'ng iisipin niya sa 'kin. Father Jacob's culprit is the goal and justice for his death is what I want. Pinaharurot ko ang motorbike ko papunta sa bahay ni Father Josiah. Liligpitin ko na rin ang mga gamit ko ro'n na hindi ko nagawa no'ng isang araw at kahapon. Sumama kasi ako sa tinutuluyan ni Dad na hotel at do'n natulog. At saka sabi ni fiery priest ay umalis na ako sa bahay niya, kaya aalis na ako ngayon pagkatapos kong marinig ang desisyon niya. Pinarada ko ang motor ko sa labas nang makarating ako. Tinanggal ko ang helmet ko at pinagmasdan saglit ang labas ng bahay ni Father Josiah. Dapat na ba akong dumiretso sa itaas at ligpitin ang mga gamit ko? O dapat pa akong magpaalam kay fiery priest bago umakyat sa taas? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero binalik ko rin agad. Wala nga rin pa lang silbi ang cellphone ko dahil wala akong number ni Father Josiah. At hindi ko rin alam kung gumagamit ba ng cellphone 'yon dahil hindi ko pa siya nakikita kahit kailan na humawak ng phone. So, I guess, I'll wait here until he goes out of his house. Humiga ako sa motor ko para magpahinga muna saglit. Hindi ko alam kung ano'ng oras lalabas si Father at hanggang ano'ng oras ako maghihintay. Pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang tahimik na paligid at nakaka-relax na pakiramdam. Hindi ko namamalayan na unti-unti na pala akong tinatamaan ng antok at nakatulog dito mismo sa motor ko. Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman na nakahiga ako sa malambot na kama. Bigla akong nahilo sa ginawa kong pagbangon kaya napapikit ulit ako at napahawak sa ulo ko. Holy sh*t. Nang maka-recover ako ay inikot ko ang paningin ko sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung nasaan ako. Nandito ako ngayon sa tinutuluyan kong nasa itaas na bahay ni Father Josiah. Paano ako biglang napunta rito at nakahiga pa sa higaan? Bakit ako nandito? At sino ang nagdala sa 'kin dito? Hindi kaya nag-sleepwalk ako? "Gising ka na?" Napalingon ako sa kusina kung saan may taong lumabas doon at nagsalita. May hawak siyang cup noodles at kinakain niya 'yon habang umuupo sa swivel chair na nandito. Tumango ako habang nakakunot ang noo. "Did you brought me here?" I asked. "Obvious ba? Sino pang magdadala sa 'yo rito kung hindi ako?" Sandali akong nagulat sa kanya. Did the fiery priest I know is coming back? Bumabalik na ba ang hot-tempered na paring nakikilala ko? "Binuhat mo ko papunta rito?" "Hindi. Kinaladkad talaga kita." "Nice sarcasm." He chuckled before eating his noodles again. Kinapa ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. It's ten o'clock in the morning. Sa pagkakatanda ko ay nandito na ako at naghihintay sa labas ng mga alas-otso ng umaga. "Bakit ka kasi nasa labas at do'n natutulog sa motor mo?" "Kasi hinihintay kita." "And why?" "Para magpaalam kung pwede ko ng ligpitin ang mga gamit ko rito. At kung nakapagdesisyon ka na." Napatigil siya sa pagkain at tumingin sa 'kin. "Don't." Taka akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "What?" "Hindi mo na kailangang umalis." Parang nagdiwang ang tenga ko dahil sa narinig. Did I heard it right? Kasi kung, oo, it is a good news for me since I don't have any place to stay. Kahit na sabihin mong may pera naman ako at mayaman kami, my safety is a must. Kaunti lang ang nakakaalam kung saan nakatira si Father Josiah kaya sigurado akong hindi ako matutunton dito. Unless someone is stalking and spying me. "Why the sudden change of mind?" Nagkibit balikat siya. "I need you. Kailangan kita para mahanap ang pumatay kay Father Jacob." "That means you agree on hel—" "Yes. Tutulungan kitang hulihin kung sino mang sira ulo ang gumawa nito kay Father." As expected, nakagawa agad siya ng desisyon sa loob ng isang araw. "And then after that? Kapag nagawa na nating mahuli ang pumatay kay Father Jacob, papaalisin mo na ba ako?" "Not yet." I scoffed. He has a plan after all. Mukhang balak niya akong ipakulong. "Not yet until you get the golds." Napaangat ang tingin ko kay fiery priest at nakita siyang humihigop ng sabaw. "W-What?" "Tell me your plans how to get the golds out there, tutulungan din kita ro'n. Father Jacob did his best to protect it... at tutulungan kita sa abot ng makakaya ko sa paglabas ng mga ginto sa simbahan." "You don't need to help me, fiery priest." "I insist! And one more thing, let's focus first to the culprit bago ang mga ginto niyo." "Hindi ka ba galit sa 'min? O sa 'kin? I know you hate criminals and I'm one of them." "I am. Sinusubukan kong magalit sa 'yo pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa." "Fiery priest... You can shout and punch me if you want. Cuss or curse at me, it's fine. Ilabas mo sa 'kin ang galit mo these past few days. I know you hate seeing me right now—" "Stop right there, Spent. Pinag-isipan ko rin 'to ng buong araw. At sigurado ako sa desisyon ko. Isa pa, Father Jacob show up on my dreams." Saglit akong natahimik sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong sabihin sa kanya. Naguguluhan pa rin ako sa biglaan niyang pagpapalit ng desisyon at hindi na galit sa 'kin. Alam ko sa sarili ko kung gaano niya kinasusuklaman ang mga kriminal. Kaya nakakapanibago na gano'n pa rin ang pakikitungo sa 'kin ni fiery priest kahit na alam niya na kung sino ang tunay na ako. "Hoy! Spentice!" Muntik na akong mapatalon sa kama dahil sa gulat sa sumigaw. "Spacing out?" Hindi ko namalayan na napalalim pala ang pag-iisip ko at hindi napansin ang pinagsasabi niya. "Ah, sorry. What are you saying again?" "Ang sabi ko ay bukas na bukas din ay uumpisahan na natin ang pag-iimbestiga. Nag-umpisa na ang mga pulis pero wala pa rin daw silang lead ayon sa kapatid ni Father na pinagtanungan ko." "Bukas? Bakit hindi na lang ngayon?" Umiling siya. "May pupuntahan ako ngayon kaya hindi pwede. Kailangan kapag mag-iimbestiga ka nando'n ako, 24/7." Tumango ako. "Okay, understood." "Nagluto ako kung hindi ka pa kumakain, nando'n lang. Peace offering sa inasal ko sa 'yo at sa tatay mo." I smirked. "Ang sabihin mo gusto mo lang akong ipagluto," asar ko sa kanya. Since we're okay again, let me bring back what we've used to. And remove this awkwardness. "Kapal mo naman!" Napatawa ako sa sinagot niya. The fiery priest I know is always shouting and moody. A big thanks to Father Jacob who showed up on his dreams. He bring back fiery priest. Bumaba ako sa higaan at inayos ito. "May pupuntahan ka pa 'di ba? You can go now, fiery priest," I said while looking at him. "Aalis na nga ako, inuubos ko lang 'to." "I thought you were waiting for me to say "thank you". Pero salamat sa pagdala mo sa 'kin dito sa higaan and for lending me this house." "Tss. Hindi bagay sa 'yo magpasalamat, Spentice," mataray niyang sabi but I saw a glimpse of a smile from his lips. Napailing na lang ako sa kaartehan niya. Tumayo na siya sa pagkakaupo at may kinuhang dalawang papel sa lamesa. Lumapit siya sa 'kin at ibinigay ang hawak niyang mga papel. "What's this?" Kinuha ko 'yon at agad pinasadahan ng tingin. "Nakalimutan ko nang ibigay. House rules and regulations. At 'yong isa, mga kondisyon ko habang tinutulungan kita sa paghuli sa taong pumatay kay Father at ang paglalabas sa mga ginto niyo." Akala ko nakalimutan niya nang ibigay sa 'kin kung ano man ang sinulat niya sa rules and regulations sa bahay. Pero mas ikinagulat ko ang mga kondisyon niya habang tinutulungan ako. I didn't want him to help me but he insisted. At isa sa mga kondisyon niya ang maaaring mahirapan akong gawin. Condition 10. Don't kill anyone. It will be hard for me because I am trained to kill our enemies. Being in a mafia taught us to kill sa kung sino man ang humarang sa 'min. Also, I already made a promise to my father that I'll kill that son of a b*tch who killed Father Jacob. A life for a life. Napabalik ang tingin ko kay fiery priest mula sa papel nang magsalita siya. "Kung pumapayag ka sa mga kondisyon ko habang nandidito ka... can we remain friends?" tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD