Rinig ko ang dalawang putok ng baril na magkasunod habang mabilis kong iniwas si fiery priest. "Sh*t," daing ko nang maramdaman na dumaplis sa tagiliran ko ang bala. Ang balang kay Father Josiah sana tatama kung hindi ko siya iniwas. "Pusanggala?! Ano 'yon, Spent?!" tanong niya habang nakayuko at pinoprotektahan ko. "Renz!" tawag ko. Nakita ko si Renz na nakaupo sa semento at nakatakip ang dalawang kamay sa magkabila niyang tenga. "Renz, ayos ka lang ba?!" Mukhang hindi niya ako narinig dahil hindi siya tumingin man lang sa 'kin. I can see he's shaking too. D*rn it! Tumingin ako sa paligid at nakitang nagpa-panic lahat ng tao dahil sa narinig. Hindi ko na sila pinansin nang makitang papalapit sa 'min ang tauhan ko. "Signora. È morto, quello che ha tentato di uccidere