"Buddy?! P*ta?! Is this true?!" bulalas ni Tristan. "Yes!" Lumapit ako sa kanya at pinatabi siya. Para magkaroon ng daan sa pintuan dahil nakaharang siya. "Hoy, Spent! Problem?" tanong ng taong pinatabi ko. "Meron, Zach. Ang pagdating mo rito ay isang malaking problema." Tinulak ko pa siya ulit bago lumabas na ng office. "Tristan! Ano'ng meron kay Spent?" "Busy, buddy. Halika ka rito, mamaya mo na problemahin 'yan. Kamusta ka, Zach?" Lumapit si Zach kay Tristan at nagsimula na silang magkwentuhan. Umiling na lang ako habang sinasarado ang pinto. Pero binuksan ko ulit dahil may pahabol pa pala akong salita kay Zach. "Hoy, Zach! Bumalik ka na sa Italy mamaya!" sigaw ko at isasarado na ulit ang pinto nang pigilan 'yon ni Zach. "Ayoko!" sigaw niya dahilan para bigla akong map