"Wala pa rin akong nakakalap na pwedeng ibedensya sa manong na 'yon na siya nga ang pumatay." Nakapikit ako habang nakasandal ang ulo ko sa swivel chair. "Ayon sa autopsy, binugbog muna bago pinagsasaksak ang biktima. Kaso hindi mahanap 'yong panaksak na ginamit ng killer." Pinapakinggan ko lang ang bawat ni-re-report sa 'kin ni Tristan tungkol sa imbestigasyon niya. Habang iniinda rin 'tong sakit ng ulo ko kanina pa. F*ck it. Kulang pa kasi ang tulog ko kaya ganito. Parang pinupukpok ng martilyo ang ulo ko sa sakit. "Hoy, Spent. Nakikinig ka ba?" Tumango ako sa tanong niya. "Hindi ka naman ata nakikinig eh. Para kang natutulog na. Ang aga-aga pa, inaantok ka na." "Nakikinig ako, Tristan," saad ko. "Sige nga, ano nga 'yong sinasabi ko?" Napadilat ako at napaayos ng upo