"Punk."
"Ano?!"
"Are you the view? It is not enjoyable, fiery priest."
"Yeah? Then staring is disgusting."
"Yeah? As if I care. Move."
Sinamaan niya ako ng tingin na nag-udyok sa 'kin na lumapit sa kanya. Kahit pari ka at tinitingnan ako ng masama ng ganyan, hindi ako mamatay d'yan. Matagal mamatay ang mga masasamang damo at isa na ko ro'n.
Nang makalapit na ko sa kanya ay agad akong tumigil at nilapit ang labi ko sa tenga niya.
"Staring is disgusting, punk," sabi ko at nilagpasan na siya.
I don't know but I think I have another call to this fiery priest. Punk really suits his rude attitude. I should called him like that at the very first.
He scoffed from what I whispered. "No originality, huh? Pero maiba ako, kamusta 'yang kamay mo?"
"Ito?" Pinorma ko ng kamao ang kamay ko na may benda.
"Hindi 'yong walang suga—hoy anak ng!" gulat niyang saad nang sumuntok ako papunta sa kanya pero sa gilid lang ng mukha niya.
Mamimilisopo ka pa, 'di naman uubra sa 'kin 'yan.
"Maayos naman, Father Josiah," I said with a smirk.
Kinaway ko pa ang kamay kong may benda sa harap niya bago siya talikuran na nakatulala pa rin.
Napailing na lang ako sa reaksyon niya.
Huwag mo kasing sinisira ang mood ko ngayon, Father. Kitang nakita ko na kung saan nakatago ang mga ginto, password at plano na lang ang kulang ay matatapos ko na rin 'tong personal mission ko.
Habang papunta ako sa kotse ko ay nag-vibrate bigla ang cellphone ko.
From: Crazy Idiot
Spent, our date don't forget. See you later!
I rolled my eyes. Sasadyain ko sanang kalimutan kaso nagpa-alala na naman ang prosecutor na 'to.
He already messaged me awhile ago with the same message.
I thought it's an undercover mission? Why does he looks excited having me as his date?
Pagkapasok ko sa kotse ko ay hindi ko maiwasang hindi ma-imagine ang ngiting tagumpay ng prosecutor na 'yon kapag pumunta ako sa venue.
I sighed.
Okay, Spent. You're just helping him on his undercover mission. You agreed to be his date just to help him this once.
Pinaandar ko na ang kotse ko at dumiretso sa hotel.
Tristan gave me the location and the exact time to be there. He told me to be there at 4pm sharp. Maaga pa naman kaya may time pa ako para makapag-isip at makausap ang tatay ko tungkol ulit sa mga ginto.
I parked my car and about to go out when my phone rang.
Crazy Idiot is calling...
What now, Tristan? Stop reminding me because I remember your undercover mission.
"Bakit?" tanong ko nang sagutin ang tawag niya.
[Spent, change of time! Kailangan mo ng maghanda ngayon. Because thirty minutes from now, they will be there.]
"Idiot! Why did you send that message without any confirmation?"
[Hey, hindi ko alam na magbabago ang oras nilang pagkikita. Ngayon ko lang din kaya nalaman.]
"Fine, whatever."
[Okay. See you there, my boo—I mean Spent.] I heard him chuckled.
"F*ck you, Tristan," I cuss before ending the call.
Dali-dali naman akong bumaba sa kotse at dumiretso sa hotel room ko.
Kinuha ko ang maleta ko at kumuha ng white fitted sleeveless dress na hanggang taas ng tuhod ang haba. Good thing I brought this as well as my white one inches heels.
Hindi ko naman kailangan ng mataas na takong dahil matangkad naman na ako. My height is 5'5, by the way.
I paired my suit with a small black sling bag and a shade. Inayos ko lang ng kaunti ang buhok ko at nag-spray ng perfume at tapos na.
I'm not like other girls na masyadong matagal sa pag-aayos. I don't have any fashion taste but I think my style is just fine. I'm satisfied whatever I wear.
Pinatunog ko ang sasakyan ko at agad pumasok. I started the engine and step on the gas.
Mabilis ang pagmamaneho ko papunta sa venue na sinabi ni Tristan. Hindi naman ako nagmamadali, sadyang mas gusto ko lang na mas maagang makarating do'n.
It's better to be early than late.
I called Tristan while driving. Kailangan ko siyang sabihan na papunta na ko dahil baka mamaya ay nando'n na ako at wala pa rin siya. And that's annoying if ever it happens.
Kung hindi lang dahil sa pagpipilit niyang tulungan ko siya sa undercover mission niya ay hindi talaga ako papayag na maging date niya.
"I'm on my way, Tristan. Siguraduhin mong nando'n ka kundi malilintikan ka sa 'kin."
[Scary. But don't worry, I'm here already. Ikaw na lang ang hinihintay ko, Spentice,] he said using his sweet voice.
Idiot.
Kahit hindi ko siya nakikita ngayon alam kong nakangiti na naman siya.
"Okay, good," I said before ending the call.
Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa venue.
I saw Tristan whose patiently waiting for me at the parking.
Nang makita niya ang pamilyar kong sasakyan ay agad siyang lumapit matapos ko itong maiparada.
Siya mismo ang nagbukas ng pintuan at nagbigay agad ng matamis na ngiti.
"Hi, Spent."
"Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Baka bigla akong mapaatras sa date na 'to," pambabara ko.
"Ito naman! Panira ka rin minsan ng diskarte eh."
Lumabas ako ng sasakyan at ni-lock 'yon.
"Eh 'di huwag ka dumiskarte nang hindi masira."
Sumimangot siya saglit at ngumiti ulit. "Don't ruin the day, Spent. By the way, you look nice and prettier. I like your style. You look stunning."
Pinasadahan ko siya ng tingin mula taas hanggang baba. He's wearing a white longsleeve polo shirt with two upper buttons open match with his black maong pants and sneakers. His hair same as usual na nakataas lagi.
"Thanks. You look good too but don't ruin my mood, Tristan. I'm warning you."
Sinuot ko ang shades kong tinanggal ko kaganina habang nagmamaneho.
"Masusunod, binibini. Let's go?" tanong niya at inilahad ang kamay niya sa harap ko.
"Is it necessary?" I asked pertaining to his hands.
"Of course, Spent! It's a date!"
"No, it's not a date. It's your undercover mission."
Wala na rin naman akong nagawa kundi humawak sa kamay niya at sabay kaming naglakad papasok sa five star hotel.
"At least ikaw ang date ko kahit na para sa undercover mission ko lang 'to."
"Sinasabi ko sa 'yo, Tristan. Isang maling galaw mo lang..."
"I know. I know. Don't worry, Spent, wala naman akong ibang gagawin bukod sa kaso kong 'to. I'm gonna focus on this," pangungumbinsi niya.
Dumiretso kami sa mamahaling kainan dito sa loob ng five start hotel. Hindi ko alam kung bakit nandito ang venue at ano'ng kaso ba ang hawak nitong ni Tristan.
Ang sabi niya lang ay may dapat siyang hulihin sa akto.
Well, it's not my business kaya hindi ko na dapat malaman pa ang buong detalye. I'm just here to be this idiot's date.
Pinaghila niya ako ng upuan na hindi ko naman tinanggihan. Nakita ko pa ang ngiti niyang hindi na ata matanggal sa labi niya.
How can he smile always? What toothpaste brand does he endorsed? 'Cause whenever he smiles, para siyang nag-sho-shooting ng commercial para sa magandang ngiti gamit ang isang toothpaste brand.
Umupo siya kaharap ko at tumingin sa paligid. Looking for someone.
"If you do that, mapapansin ka agad ng kalaban mo."
Bumalik ang tingin niya sa 'kin. "Really? Pa'no ba dapat obserbahan ang paligid nang hindi ka mapapansin?"
Now you need an advice?
"Just act normal. Huwang mong pinapahalata sa target mo na hinahanap mo siya. Use your brain, Tristan."
Tumawa siya ng mahina at sinabing, "I'm using my brain now, Spent."
"Yeah like talking to me while staring at my back. Your target is there isn't?"
I saw how his eyes got bigger. "Amazing! Iba ka nga talaga, Spent. Kaya lalo akong nahuhulog sa 'yo eh."
I rolled my eyes.
"Gusto mong ihulog kita sa kinauupuan mo ngayon?"
"Biro lang, ito naman! Waiter!"
Tumawag ng waiter para makatakas sa nakakamatay kong tingin. Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone ko.
I want to know who is Tristan's target.
Binuksan ang camera no'n at nagpanggap na nag-se-selfie. I saw three persons in formal suit that two tables away from us. Sila lang ang nando'n banda sa lamesang iyon at wala ng iba.
I think they're having a serious talk or meeting the way their aura says it. Hindi sila nagtatawanan o kahit ngumiti man lang, talagang seryosong usapan lang.
Nang makuntento na ako sa pinagkukuha ko ay agad kong tiningnan ang mga pictures.
Isang lalaki lang ang nakita kong mukha dahil nakatalikod ang isa at natatakpan naman niya ang isa pa.
"Nice move. I thought you're not curious about my case, Spent?"
I smirked. "Well, mafia instinct. Palagay ko mga bigatin ang mga 'yan," I said without looking at him and keep looking on my phone.
"Exactly. Silang tatlo ay may kanya-kanyang kompanya na naglalabas pasok ng droga at armas dito sa bansa."
Are they part of mafia? Or just a company with secret evil doings?
"So, ano'ng gagawin mo sa kanila?" I asked looking at him.
"Kailangan kong marinig at ma-record ang pag-uusapan nila kaso ang layo nila sa 'tin."
"Eh bakit kasi dito mo naisipang umupo?"
"Eh bakit din kasi nila ni-rent 'yong mga katabi nilang upuan? Walang available banda ro'n na malapit sa kanila dahil naka-reserved na raw sa kanila 'yon. Kahina-hinala sila."
"Sino'ng tao ang gugustuhin na may mga katabi sila kung seryoso at siguro ilegal ang pag-uusapan nila?"
Napahawak siya sa baba niya at napatango. "Sabagay, may point ka. Kaso 'yon nga, how can I get a concrete evidence against them?"
"Don't you have any good things to use? Like bug? Or small recorder? Pen voice recorder?"
"Meron akong dalang bug. I just don't know how can I put it near them."
"Sana nilagay mo na kanina pa nang wala pa sila."
"Hindi pwede. I saw how they checked everything before seating comfortable."
I scoffed.
Mukhang alam na alam nila kung ano ang unang gagawin lalo na't nandito sila sa isang public place. Galawang kriminal.
"Then put it now. Go there personally and put it at back of their table."
He gasped some air at hindi makapaniwalang tinignan ako. "Really, Spent? Is that your ultra pangmalakasang suggestion? Gusto mo ba akong mabuking at maging palpak 'tong kaso ko?"
"I never said that, Tristan. Use your brain again, idiot." I sip on the water while waiting for him to use his brain.
Tumulala siya sa lamesa at parang may malalim na iniisip. I hope you can think of a plan.
And speaking of plan, it's time to think of an escape plan for the golds.
Ang kailangan ko munang gawin ay maghanap ng pagtataguan ng mga ginto na malapit lang sa 'kin. Next ay paghahanap ng madadaanan para mailabas ang mga ginto sa simbahan nang walang nakakapansin.
But before that, I need to call my Dad for the password.
"I have a plan now, Spent."
I came back to my senses when I heard Tristan.
"Good. Gawin mo na at nang makaalis tayo ng maaga rito."
"No, not yet. Hindi pa ito ang tamang oras para gawin ang plano ko."
Kumunot ang noo ko. "Why? What is your plan?"
"K*dnapping. I need to k*dnap one of them and torture him hanggang kantahin niya ang pinag-usapan nila."
I rolled my eyes because of his stupid plan. You're such a crazy idiot, Tristan!
I slapped his head hard.
"Aray naman! Para sa'n 'yon, Spent?"
"Para sa katangahan mong plano," I answered.
"What?!"
"Give me your bug. Ako na maglalagay malapit sa lamesa nila."
"Hindi pwede. Baka mapahamak ka, yari ako sa tatay mo."
"Baka nakakalimutan mo kung sino ako?"
"At bakit ko naman kakalimutan ang maganda mong pangalan?" nakangiti niyang tanong.
May panahon pa talaga siya sa walang kwenta niyang punch lines.
"Should I get my gun and kill your future?" pananakot ko.
"Biro lang! Ito na nga oh, kukunin na." May kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay sa 'kin. "Oh. Happy?"
Pinagmasdan ko ang bug na binigay niya.
"Looking at it, I can tell it's a cheap thing. Wala bang upgraded man lang?"
"Hiyang-hiya naman kasi ako sa napaka-techy niyong bansa. Nasa Pilipinas tayo, Spent, papaunlad pa lang at kakaunti pa lang ang naglalabas ng ganyan."
"You should ask some of this to Viglianco mafia. Eh 'di sana upgraded ang gamit mo ngayon."
"Sorry naman, hindi ko naisip eh."
Wala na rin akong nagawa kundi ang gamitin 'tong pipitsugin niyang bug. Kinuyom ko ang kamay kong may hawak ng bug.
"Ingat ka, Spent. Mamahalin mo pa ako."
I gave my middle finger to him na tinawanan niya lang.
Tumayo na ako at humarap sa likod ko. Mag-uumpisa na sana akong pumunta sa kinauupuan ng targets ni Tristan nang humarap ang isang lalaki ro'n na nakatalikod.
"Waite—"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong ilang metro ang layo sa 'kin.
What the f*ck?!
"Spentice Viglianco?!"
Uh-oh. This is bullsh*t!