"Spent!"
"Pre, pre! P*tanginamo! Ano'ng ginawa mo?!"
"Lagot kung lagot na tayo nito!"
Ramdam ko ang pagkirot ng palad ko na nakahawak sa patalim ng kutsilyo. Alam ko rin na tumutulo na ang dugo ko sa sahig.
"You still have the chance para bitawan ang kutsilyo, bata," kalamado kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Nanginginig ang kamay niya habang nakahawak pa rin sa kutsilyo. Halatang hindi siya sanay sa ginawa niya. Nagawa niya lang dahil sa galit.
Ako na mismo ang humawak sa kamay niya para bitawan ang kutsilyo. Pagkabitaw niya ay binitawan ko na rin ito.
I observe him while he's staring at the knife on the ground. Still in shocked from what he did.
I sighed.
"Don't do something you can't do. Mapapahamak ka lang." A piece of advice coming from me.
"Spent..."
Napalingon ako kay Father Josiah na nakatingin sa kamay kong patuloy ang pagtulo ng dugo. Tinago ko 'yon sa likod ko dahilan para mapaangat ang tingin niya sa 'kin.
"What?" I asked.
Hindi niya ako sinagot at nagmamadaling may kinuha sa bulsa niya bago hinawakan ang kamay ko.
A handkerchief.
Pinunas niya 'yon ng dahan-dahan sa kamay kong puno ng dugo. Pagkatapos ay binalot at tinakpan niya ang sugat ko gamit 'yong panyo niya.
He looks so serious while doing it and at the same time concerned.
What is wrong with this fiery priest?
"G*go ka—"
"Huwag kang maingay, tanga! Tingnan mo nga 'tong tropa natin oh."
"Nakakainis naman! Nang-holdap lang tayo parang mauuwi pa sa murderer."
"Alam mo ang sarap mo sapakin. Itikom mo nga 'yang bibig mo."
Napalingon ako sa tatlong bata. Tahimik pa rin 'yong lalaking nagtangkang saksakin si Father Josiah. Samantalang 'yong dalawa ay parang mag-aaway na.
Ramdam kong tapos naman na takpan ni fiery priest ang sugat ko kaya binawi ko na ang kamay ko sa kanya.
I pick up the knife and about to throw it.
"Huwag mong itapon. Akin na 'yan, ebidensya rin 'yan," pigil sa 'kin ni Father Josiah.
Pansin kong nagulat ang tatlong bata sa narinig nila.
"Don't tell me, ipapakulong mo siya?"
"It depends on his age. Ilang taon ka na ba, bata? At saka alam mo ba kung ano'ng resulta nitong ginawa mo? Nag-iisip ka ba? Ay mali... may isip ka ba?" iritang tanong niya.
Napailing ako bigla sa mga tanong niya.
Kung ganyan ka makipag-usap sa kanya baka magkaroon pa ng part two ang pagtangka niyang pagsaksak sa 'yo. I can't sacrifice my other hand anymore, Father.
Pero bakit ko nga ba kailangang saluin 'yong kutsilyo? Hindi ko naman obligasyon na protektahan 'tong paring 'to.
Spent! Remember to don't put yourself on other people business!
"Huwag niyo po kaming ipakulong, Father. Hindi pa po kami handang makulong. Pinagsisihan na po namin ang ginawa namin."
"Please po, Father. Tatanggapin po namin ang lahat ng sermon niyo at kung ano man pong ipapagawa niyo sa 'min basta po walang kulungan na magaganap."
Pagmamakaawa ng dalawa. Hindi sumagot si fiery priest sa kanila at nakatingin lang sa batang tahimik pa rin hanggang ngayon.
"Sana naisip niyo 'yan bago kayo nang-holdap at nagtangkang manaksak," he said still staring at that kid.
May narinig kaming tunog ng isang police car na agad nagpaalarma sa mga batang 'to.
"Ihanda niyo na mga sagot niyo sa tanong nila."
Does he called the police?
Napahawak ako sa braso niya. "Father, I don't think they need to be in jail. I mean, mas okay siguro kung sesermunan mo na lang sila dahil mukha naman silang takot sa 'yo."
"As much as I want to do that, hindi pwede. Hindi naman ako ang nagtawag ng pulis, 'yong matanda kaganina na kinuhaan nila nitong wallet."
Napatigil ako saglit. F*ck. Wala nga kaming magagawa kung gano'n.
Napatango ako at napabuntong hininga. Labas na ko rito.
"Father Josiah!" Napa-salute si fiery priest sa pulis at gano'n din ang pulis sa kanya.
"Ito 'yong wallet na kinuha. Nagkaroon ng minor accident dito at muntik ng may makasaksak buti na lang at kamay lang ng kasama ko ang nasugatan." Binigay niya ang wallet at kutsilyo sa mga pulis na agad nilagay sa plastic. "Call me after you finish questioning them. We'll get going, sir. Thank you."
"Thank you rin, Father."
Tumango lang sa kanila si fiery priest at napatingin sa 'kin ng seryoso, diretso sa mga mata ko.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Bakit parang nakakailang ang awra niya ngayon? Mas gusto ko pang nakikita 'yong temper niya at sigaw nang sigaw, hindi itong napakaseryoso ng awra niya.
"Tara," yaya niya at nauna ng maglakad.
Sumunod ako sa kanya. Nakita ko pang kinuha na ng mga pulis ang mga bata at sinakay sa sasakyan nila.
"Spentice, next time don't do that again."
"It's not me. It's my body, my reflexes, kaya sinangga ko 'yong kutsilyo," pagdadahilan ko.
"Oo na lang," he said with sarcasm. "Pero huwag na huwag mo na ulit gagawin 'yon. Because everytime na may magsasakripisyo para sa 'kin..."
Napansin kong biglang lumungkot ang mga mata niya.
"...it makes me feel worried and guilty."
I saw how he clenched his fist and look away.
Really, what is wrong with him today?
>>>>>
"SORRY, Spentice, na hindi kita nakausap kahapon. Masyado akong naging busy sa mga bago naming miyembro at pinapagawa ng mga nakakataas."
Ngumiti ako kay Father. "Okay lang po, Father. May inasikaso rin po ako kahapon kaya hindi na ako nakabalik dito."
Inasikaso ko ang kamay ko at napaisip sa bagong nadiskubre kong ugali ni Father Josiah.
I didn't expect that he has another side of him aside from being a fiery priest.
"Nabalitaan ko nga ang nangyari kahapon. Sinabi sa 'kin ni Father Josiah. Okay lang ba 'yang kamay mo?" tanong niya at tinuro ang kamay kong may benda.
Inangat ko ng kaunti ang kamay ko at ginalaw-galaw 'yon. "My hand is fine, Father Jacob."
"Mabuti naman kung gano'n. Ano nga pa lang sadya mo kahapon at parang may gusto kang sabihin sa 'kin?"
"Gusto ko lang po sanang itanong kung pwede ko pong makita ang pinagtataguan ng mga ginto?"
"Oh... The golds." Tumingin si Father sa simbahan. "Rest day ngayon ng mga tao rito sa simbahan kaya palagay ko pwede ko na mapakita sa 'yo kung saan."
At last! The right timing I've been waiting for!
"Father, kung okay lang po ay pwede po ba nating puntahan ngayon ang mga ginto?"
I'm excited to the golds pero hindi ko pinahalata 'yon kay Father.
Nag-isip si Father Jacob saglit bago sumagot sa tanong ko.
"Sure, sure. Basta huwag lang tayo masyadong magpahalata. Bilin kasi ng tatay mo ay dapat walang makaalam ng tungkol dito bukod sa 'ming dalawa at sa 'yo."
"Makakaasa po kayo." I gave him an assuring smile.
You can trust me in this, Father Jacob.
"Tara. Make sure to observe the surroundings, Spentice."
Tumayo na ako at sumunod sa kanya habang palihim na nag-oobserba sa paligid.
Hinanda ko na rin ang sarili ko sa pagpasok namin sa simbahan.
"Huwag kang mahihiyang magdasal sa ama na nasa itaas, Spent. Matutulungan ka niya basta matuto ka lang maghintay. Pwede mo ring ipagdasal na sana ay mas lumago pa ang negosyo ng tatay mo para sa future niyo, hindi ba?" aniya habang nakapasok na sa simbahan at nakatingin sa altar kung saan nando'n ang imahe ng Diyos.
Muntik pa akong maubo dahil sa sinabi niya.
Should I do that, Father Jacob? Knowing that my father's business is illegal and you want me to pray for it to become more successful?
Oh no. I think I shouldn't. Ayoko naman na maging disrespectful to Him kahit na sabihin mong kriminal ako.
Awkward akong tumawa kay Father bago umapak na rin papasok sa simbahan.
For the golds, I swear, I'll do everything! And I swear I'll punch my beloved father once!
"Father nga pala, pa'no po kayo nagkakilala ni Dad?" tanong ko habang papunta na kami sa sinasabi niyang taguan ng mga ginto.
Dire-diretso lang kaming naglalakad sa gilid at nakalagpas na sa altar. Sabi ko na malaki ang simbahan na 'to, kita pa lang sa labas.
"Si Spento nakilala ko siya nang dahil kay Eunice, ang mama mo. Laging nagsisimba at tumutulong dito sa simbahan na ito si Eunice noong nandito pa siya," kwento niya habang patuloy na naglalakad.
"Dahil kay Mommy..."
"Sayang at hindi mo naabutang buhay ang nanay mo, Spentice. Nakita mo sana kung gaano kabait at napakasigla ng nanay mo kahit na may sakit siya sa puso."
"How I wish I can see her not only in the pictures."
"If you miss her, you can pray. God is listening, trust Him."
Nagbigay lang ako ng magaang ngiti bilang sagot.
"Pinakilala sa 'kin ni Eunice si Spento bilang boyfriend niya at dahil doon naging close kaming tatlo. Madalas silang nandito sa simbahan para tumulong sa amin at magdasal. Marami silang pangarap na dalawa at nando'n ako na palaging nakikinig sa kanila. They always asked my opinion and advice when they make a decision. Kaya napalapit ako sa kanila at tumibay ang pagkakaibigan namin."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig pero hindi ko na pinahalata 'yon.
What? My father is praying? Did I heard it right? Wow, my father is a professional evil and a two-faced man.
"I see."
Pumasok kami sa isang pintuan kung saan may tig-dalawang pinto sa magkabilang gilid. Pumasok siya sa unang pinto sa kanan.
Pagpasok do'n makikita mo agad ang isang cushion sa lapag at lamesang nasa tapat nito na may mga kandila, rosaryo, at krus.
Sa gilid naman ay may nakaharang na divider kung saan nasa kabila ang isa pang kwarto.
"Nandito na po ba, Father?"
"Hindi. Nasa kabila ang mga ito. May lagusan do'n papunta sa baba. Hahawiin mo lang 'to." Hinawi niya ang divider na naghaharang sa dalawang silid. Tumambad sa 'kin ang walang kalaman-laman na kwarto maliban sa isang upuan.
"Nasa ilalim ng upuan ang lagusan. Walang makakapasok dito dahil sinigurado kong naka-lock itong pinto at ang pinto sa kabila."
Lumapit ako sa upuan at itinabi 'yon. Kinapa-kapa ko ang sahig at tinanggal ang nakaharang sa lagusan ng mga ginto. Hindi mo mahahalatang may hindi nakadikit na kahoy ro'n dahil para lang itong natural na sahig.
Bumungad sa 'kin ang isang full security vault. It needs a pin as well as a voice password. My Dad really make sure to secure the golds.
"You know the password, Father?" I asked while examining the vault.
The vault is the way para makapunta sa baba. It is the door to the golds. Kasya ang isang tao rito para makababa.
"No. Hindi sinabi sa 'kin ni Spento kaya hindi ko na nakikita ang loob niyan mula nung una ko pang nakita."
My Dad didn't tell me also.
Kinuha ko ang cellphone ko para picture-an ang vault.
I'm sure he will smile from ear to ear when he see this. I'll send to him later and ask for the passwords.
Papahanap kasi mga ginto niya, hindi pa kumpleto ang impormasyon na binigay.
"Babalik na lang ako rito, Father, kapag alam ko na ang password. At kapag may plano na ko kung pa'no sila ilalabas. At least ngayon alam ko na kung saan ito nakatago. Thank you, Father Jacob."
Tinakpan ko na ang vault at ibinalik ang upuan.
"Walang anuman, Spentice. Sabihan mo lang ako lagi at hahanapan natin ng tamang oras ang paggawa ng plano mo. Pahihintulutan din kitang libutin ang simbahan na ito para makatulong sa pag-iisip mo ng paraan pa'no sila ilalabas."
Humarap ako kay Father Jacob. He's really a kind priest.
"Sige po, sabihan ko po kayo agad sa mga plano ko at kailan ko uumpisahan alisin dito ang mga ginto."
"May pagtataguan ka na ba ng mga 'yan?"
"Sa ngayon, wala pa po. Nasa hotel lagi ako hanggat wala pa akong nahahanap na pwede kong tuluyan at mataguan ng mga ginto."
"Pwede kita—"
"Hindi na po, Father. Naghahanap na rin naman ako, ako na pong bahala ro'n. Salamat po ulit."
"Basta, Spentice, kapag may kailangan ka, huwag kang mahihiyang magsabi sa 'kin."
Ngumiti ako bago nag-ayang lumabas na. Sinigurado ni Father Jacob na maayos ang pagkaka-lock ng mga pinto bago kami nagsimulang maglakad palabas ng simbahan.
"Spentice, mauna ka na pala at may inuutos ang nakakataas sa 'kin. Mag-iingat ka at pagpalain ka nawa ng Diyos."
"Sige po, Father. Thank you."
Hindi niya na ako sinagot at umakyatn na sa hagdan papunta sa taas. Ako naman ay dumiretso na sa paglabas.
Pero hindi ko inaasahan na sa paglabas ko ay may makakasalubong akong pari na naka-fitted maong pants at naka-tuck in ang kalahati ng oversized shirt niya at may suot-suot na mens sandal. Idagdag pa ang nakaayos pataas nitong buhok.
"Are you enjoying the view, Spent?"