SATFP: Chapter 11

2124 Words
"Hoy! Kayong mga bata kayo! Ang titigas ng ulo niyo! Hoy! Ibalik niyo 'yang kinuha niyo!" Buti na lang at hindi pa nasisira ang eardrums ko sa kasisigaw niya habang hinahabol ang mga batang holdaper. At hindi ko alam kung bakit nagpapahila lang ako kay Father Josiah at sumasabay sa pagtakbo niya. Bakit kasi bigla akong naisama sa paghabol niya sa mga batang holdaper at pagtulong niya sa matanda? Spentice! Get your act straight! "Fiery priest—!" "What?! Huwag kang magulo, may hinahabol ako!" Sh*t! Ako pa ngayon ang huwag magulo, eh siya nga 'tong dinamay-damay ako rito! I don't have any intention to help catch those freaking holdapers! But HE just grabbed my hands, put me into this, and without letting my hands go! "Let go, you as*hole! Let go of my hand!" "Stop! Nag-fo-focus ako sa paghabol!" Stupid fiery priest! Hindi mo ba ramdam ang higpit ng paghawak mo sa 'kin at paghila mo? "Then keep focusing and stop dragging me!" I shouted back again. I'm trying to hold back, Father Josiah. Let go of my hands while I'm not losing my patience yet. "Ano—?!" Huminto siya kaya napahinto rin ako. Humugot ako ng hininga bago napatingin kay fiery priest na hinahabol din ang paghinga niya. Kita ko ang pagkunot ng noo niya habang tinitingnan ako. What now? Ngayon mo lang ba na-realize ang ginawa mong paghila sa 'kin? O hindi mo alam na dinamay mo ko sa pa-superhero vibe mo? "What are you... doing here? Bakit ka sumusunod sa 'kin?" nagtataka niyang tanong na nagpanganga sa 'kin. Wow, unbelievable! "Really, Father Josiah? Hindi mo talaga alam kung bakit ako nandito? Hinila mo ko patakbo para sundan 'yong mga batang holdaper na 'yon!" sagot ko at tinuro ang pinuntahanan na daan ng mga hinahabol niya. "Teka ako? Hihilain ka?" tanong niya na parang wala lang at napatingin pa sa daan na tinuro ko. So, are you going to deny that you didn't dragged me here? You're really good at making people feel speechless, right, Father Josiah? Agad napabalik ang tingin niya sa 'kin habang may nanlalaking mga mata. "Sorry pero idadamay talaga kita muna rito! Help me catch them, let's go! Faster!" "What the f*ck?!" Hinawakan niya ulit ang pulsuhan ko at hinila patakbo. Here we go again! Mukhang wala na ring magagawa ang pagrereklamo ko dahil nandito na kami at patuloy nang hinahabol ang mga batang holdaper. Kaya siguro sikat na sikat 'tong si Father Josiah dahil sa mga pagtulong niyang ginagawa. Aside from his looks, his superhero vibe adds to his presence making him nearly perfect. Minus his rude attitude, of course. Tumingin ako sa paligid dahil hindi ko na nakikita ang mga batang lalaki. Hindi namin mahuhuli ang mga 'yon kung ganito ang gagawin namin. Mas mabilis na paraan, mas maganda. I have plans for today. The golds are waiting for me. "Kailangan natin maghiwalay. Maghahanap ako ng ibang daan kung saan pwede silang pumunta. Just run straight and find them," I said explaining what to do. "Hindi ka pupunta sa kung saan!" angal naman niya. Ang kulit mo! Just trust me, fiery priest! Trust my plan! "Kung iniisip mong tatakbo ako at hindi ka na tutulungan, it's a no. I'll help you tutal nandito na rin naman ako. Bitaw na at nang mabilis natin silang mahuli." Tiningnan ko siya sa mata at gano'n din siya habang tumatakbo kami ng diretso. "Siguraduhin mo lang, Spent," aniya at binitawan na ang pulsuhan ko. Tumango ako bilang sagot bago siya nagpatuloy sa pagtakbo. I gave him my middle finger. Hindi niya naman makikita ang ginawa ko dahil nakatalikod siya sa 'kin. Humanap ako ng pwedeng akyatan para madali kong makita ang mga pasaway na batang holdaper. Bakit kasi napaka-timing nilang gumawa ng krimen? Dapat ginawa nila 'yon nang wala si Father Josiah. Hindi marunong mag-isip ng magandang strategy. Nang makahanap ako ng pag-aakyatan na bakod, I take a three step backward before climbing it. Easy. From here, it's still useless dahil wala akong nakikitang bakas ng mga lalaking kabataan. Wala akong choice kundi ang magtatawid sa mga bubong o mga pader pa para mahanap ang batang 'yon. Tumalon ako sa kabilang pader at humawak sa bakal para makapunta pa sa mas mataas na wall. Dire-diretso akong naglakad at patuloy na nag-pa-parkour sa mga pader at bubong. I'm used to it kaya hindi na ko nahihirapang gawin 'to. "Hindi na kaya tayo makikita rito ni Father Josiah?" Napatigil ako sa paglalakad sa bubong ng hindi ko kilalang may-ari nang may marinig ako. "Malay mo. Hindi ko alam kung tatanga-tanga ba 'yong padre na 'yon." "Balita ko may gagawin siya sa 'yo kapag nakita ka niyang may ginawang masama at nahuli ka niya." "Kung mahuhuli niya tayo." Dahan-dahan akong bumaba sa bubong at dumiretso sa bakod. Tumingin ako pababa at nando'n ang mga batang lalaking holdaper na hinahanap namin. Bakit tuwing palaging may hinahanap si fiery priest ay palagi akong nauunang makahanap? Tatlo silang nang-holdap at buti na lang ay sama-sama pa rin sila hanggang ngayon. Hindi na ko mahihirapan pang maghanap isa-isa sa kanila. "Napakalakas naman ng loob mong hindi niya tayo mahahanap." "Hindi talaga dahil hindi niya tayo mapupuntahan dito." "Pre, easy-han mo lang. Hindi mo pa gano'n kakilala si Father Josiah. Matinik 'yon sa mga taong may masamang ginawa." "Alam ko, kilala ko siya. Siya nga nagpakulong sa tatay ko eh." "Ano bang ginawa ng tatay mo at bakit nakulong siya?" "Droga. 'Wag na natin pag-usapan 'yan. Buksan niyo na 'yang wallet. Paghati-hatian kung ano pwedeng mahati." Naiintidihan ko na ngayon kung bakit kilalang-kilala si Father Josiah at kung ano'ng ginagawa niya bilang pari. He's not just a priest with a rude attitude. He's also a priest that will punish you for your bad doings. Naisip ko rin, pa'no kaya 'pag nalaman niyang sa isang kriminal na gumagawa ng krimen at parte ng mafia ang hinihingian niya ng tulong? What will he do to me? I smirked while thinking if that day will come where he'll know the real me. Bumalik ako sa wisyo nang makita kong binubuksan na nila 'yong wallet ng matanda. Agad akong tumalon pababa not minding how tall the wall is. Sakto naman na naka-landing ako sa harap ng mga batang holdaper. "Ay p*tangina!" "G*go! Ano 'yon?!" "K*ngina!" Kanya-kanya nilang reaksyon habang gulat na nakatingin sa 'kin at napatingin din sa pader sa likod nila. Napaunat pa ako ng katawan ko bago ngumiti sa kanila. "Hi?" Kita ko kung paano nila ako takang tingnan at kung paano sila nagtinginan sa isa't isa. "Tayo ba kausap niyan?" bulong ng isa sa nasa gitnang lalaki. "English-era ata, itsura pa lang," sabi naman ng isa pa sa nasa gitnang lalaki rin. "Bakit po?" tanong ng lalaking nasa gitna. "Wala lang. I just want to greet you," I answered at umupo sa lapag, naka-indian seat. "P*ta, patay tayo d'yan." "Wala akong naintindihan, pre." "Manahimik nga kayong dalawa!" inis na bulong ng lalaking nasa gitna. "Ano'ng pong kailangan niyo? May kailangan po ba kayo sa 'min? Kasi kung wala po ay aalis na po kami." "Later you can go. Pero hindi pa ngayon. Akin na 'yang wallet na hawak mo." Nilahad ko ang kamay ko sa lalaking nasa kanan. "A-Ano? P-Pre, bibigay ko ba?" "Huwag! Akin na 'yan." Kinuha ng lalaking nasa gitna ang wallet at siya na ang humawak. Stubborn teenagers. "Akin na 'yan para walang gulo at wala ring masasaktan, mga bata." Siniko-siko ng dalawang nasa gilid ang lalaking nasa gitna. "Hindi namin ibibigay sa 'yo 'to. Pinaghirapan namin 'tong kunin." "Really? Kung pinaghirapan niyo talaga, sana nag-isip kayo ng paraan na hindi kayo mahuhuli ni Father Josiah. Tulad ng kapag mang-ho-holdap kayo, make sure na wala siya sa paligid." Tama bang bigyan ko sila ng advice kagaya nito? Baka gawin talaga nila, yari ako sa fiery priest na 'yon. "Tutulungan mo ba kaming makawala sa kanya kapag binigay namin sa 'yo 'yong wallet?" tanong ng nasa kaliwa. "Oo naman." Maybe? I'm not sure if I'll let you go or I'll continue helping fiery priest. "Sino ka ba muna? Kaano-ano mo si Father?" tanong naman ng nasa kanan. Why not give me that f*cking wallet para tapos na 'to?! "We're not related. Just give me the wallet then I'll let you go." I'm controlling my patience again. "Pre, ibigay mo na. Sigurado naman akong hinahanap tayo no'n ni Father." "Sayang dahil wala tayong nakuha sa wallet na 'to kaya hindi natin ibibigay 'to!" "Eh 'di kuhaan mo muna bago mo ibigay kay ate ganda." "B*bo!" "Ayan, tanga. Na-b*bo ka tuloy." Napailing ako at napabuntong hininga. Ayaw nilang ibigay kaya ako na ang kukuha. Sakto naman na tumayo ako ay bigla silang tumakbo. "Oy, oy! Tara! Takbo!" This kids! Pinapahirapan niyo lang mga sarili niyo! Hinabol ko sila at bumwelo ng sipa sa pader para makapunta sa harapan nila. Buti na lang at nasa eskinita kami. "Not so fast, kids." Mabilis kong kinuha ang wallet sa lalaking matapang at pinagpapalo sa mga ulo nila. "Ah!" "Aray t*ngina!" "Ho—aw!" "Tatakbo pa kayo, maabutan ko rin naman kayo. On your knees! Luhod!" utos ko. "Hin—" Lumapit ako sa lalaking kanina pa angal ng angal. Kinwelyuhan ko siya at pinanlisikan ng mga mata. "Luluhod ka. Naiintindihan mo?" I saw how the others react to what I've said at agad na lumuhod. Binitawan ko ang lalaking 'to na dahan-dahan ding lumuhod. Susunod rin pala, pinapatagal pa. Tiningnan ko ang laman ng wallet. Mukhang hindi pa naman nila ginagalaw ang laman nito. "Spentice!" I look back and saw fiery priest running towards us. Okay, here he comes. Ihanda niyo na mga sarili niyo, kids. "Hoy mga bata kayo! Ano'ng pumasok sa kokote niyo at naisipan niyong kuhanin ang wallet no'ng matanda?! Gusto niyo bang makulong kayo?! O masermunan ko kayo?!" Hindi sila sumagot sa sigaw ni Father Josiah at yumuko lang habang nakaluhod pa rin. Hindi ka talaga makakasagot kapag galit na galit na pari ang nasa harap mo. "Oh." Inabot ko sa kanya ang wallet para patigilin muna siya sa pagsisigaw. "Mabuti na lang at wala pa silang nakukuha d'yan." "Good. Thank you, Spent." Tumango lang ako at nagtanong, "Makakaalis na ba ko?" Naging malikot ang tingin niya. Nagpapabalik-balik ang tingin niya sa 'kin at sa mga batang holdaper. "Kapag sinabi ko bang hindi pa, hindi ka aalis?" He and his quick change of mood. Kanina lang ay sumisigaw siya, ngayon ay mahinahon na. "No. Aalis pa rin ako," I answered. "Psh. Heartless." I just shrugged my shoulders. Heartless? Maybe, because I kill without mercy. "I'll get going, fiery priest. Bahala ka na d'yan." Tinapik ko ang balikat niya at lalagpasan na sana siya para umalis nang pigilan niya ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak na naman sa pulsuhan ko. "What?" I asked. "Stay for awhile. Hanggat wala pa ang mga pulis, dito ka muna at samahan akong bantayan ang mga 'to," aniya. "Hindi ba bawal mag-in a relationship ang mga pari, pre?" "Bawal silang mag-asawa pero pwede ata silang mag-girlfriend." "Mga tanga ba kayo? Ano'ng pinagsasabi niyo?" "Sila. Mukha kasi silang may relasyon." "Mukha lang pero hindi pala totoo, pre." "T*ngina niyo, manahimik na lang kayo at mag-isip ng paraan para—" "Para ano?! Tumakas gano'n?!" biglang singit ni Father Josiah sa usapan ng mga bata. Bubulong na nga lang sila, naririnig pa namin. Ayan back to beast mode ulit ang pari niyo. And me? In a relationship with this priest? Hell, no way! Mas pipiliin ko pang maging boyfriend ang mafia namin kaysa sa paring galit sa mundo. Inalis ko ang pagkakahawak sa 'kin ni Father Josiah. "Subukan niyong tumakas at malilintikan talaga kayo sa 'kin!" "Bakit, Father? Ano bang gagawin mo sa 'min?" Agad akong napatingin sa matapang na batang lalaki at kanina pa umaangal. Ang lakas talaga ng loob ng isang 'to at nakuha pang sumagot sa pari. Bravo! "Pre, huwag kang magsalita ng ganyan kay Father!" awat ng nasa kaliwa. "Nako po, malilintikan talaga tayo nito," bulong naman ng nasa kanan. Sinabi niyo pa, malilintikan talaga kayo. Seryosong tumingin si Father Josiah sa nagsalita. "Bakit? Gusto mo bang malaman?" Galit na tumingin kay fiery priest ang bata. "Gusto kong malaman? Gusto kong malaman kung bakit ka dumating dito at pinakulong ang tatay ko!" Holy sh*t! Nanlaki bigla ang mata ko nang makita ang hawak ng bata na nakatago sa likod niya. "Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo, Father Josiah! Ayaw na kitang makita pa!" sigaw ulit ng bata na agad tumayo at dumiretso kay Father Josiah, hawak-hawak ang kutsilyo. "H-Hoy, pre!" "Pre!" Mabilis na kumilos ang katawan ko at sinalag ang hawak niya para protektahan si fiery priest. Oh f*ck! This is crazy! My reflexes just put me in trouble!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD