SATFP: Chapter 10

2097 Words
"Hoy! Masamang minumura ang pari!" I don't care! "At bakit ka nasa loob ng kotse ko?!" "Papahatid nga sa simbahan! Ulit-ulit ka naman!" At kailan pa ako naging tagahatid niya lagi? D*ng it! But how did he get here? "And why should I listen to you? How did you get in here?! Carnapper ka ba dati?" "Bawal pagbintangan ang mga pari! Matuto kang rumespeto!" How could I respect a priest like you kung basta-basta ka na lang nagpapahatid at susulpot-sulpot? And with your attitude? I cannot imagine myself respecting him. "Pa'no kita hindi pagbibintangan kung nakapasok ka rito ng wala ako? O kahit susi man lang?" naiirita kong tanong. He's too loud. Kanina pa siya sumisigaw sa loob ng kotse ko. "Well, aaminin ko na ginamitan ko ng pin ang pinto ng kotse mo kaya nabuksan ko. I remember that this is your car so I take the chance again." Chance? What chance? "Anyway, thank you for yesterday. Also, advance thank you sa paghatid mo sa 'kin sa simbahan ngayon. Kaya bilisan mo na! Umandar ka na at nang makaabot pa ko sa misa!" Napataas ako ng isang kilay ko. Bakit sa tuwing manghihingi siya ng tulong, siya pa 'yong palaging galit at kung makautos ay wagas? Is it just for me? O gan'yan talaga siya sa lahat? Okay na nagpasalamat naman siya pero parang labas sa ilong naman ang pasasalamat niya. "Stop shouting, you jerk! I can hear you kahit bumulong ka pa d'yan," I hissed. "I told you, stop cussi—" "Shh! Don't talk to me. Baka makasapak ako ng matinong pari raw ngayon." Hindi ko na inintindi pa ang isasagot niya at mabilis na umayos. Pinaharurot ko ang kotse ko patungong simbahan nang hindi pinapansin ang malakas na sigaw ng pari sa likod. Ginusto mong sumabay at sumakay sa kotse ko eh. Face the consequence, Father Josiah. "S-Spent! Can you—shoot!—slow down?! What the freaking speedy car! Spentice! I swear ipagdadasal kong hindi ka sana mapunta sa langit! Hey you—Spent!" Napatawa ako ng malakas dahil sa mga pinagsisigaw niya. I didn't reduce my speed and continue teasing this fiery priest. Walang epekto sa 'kin 'yang pananakot mo dahil alam ko naman na hindi talaga ako tatanggapin sa itaas sa dami ng kasalanan ko. "Are you laughing?! Ha?! Nakuha mo pa talagang tumawa?! Oh–oh–truck! May truck! Stop! Stop this f*cking car!" May papalabas na truck mula sa isang building at tiyak na mahaharangan kami at maaaksidente kami kapag hindi ako tumigil. But hey? It's me, Spentice. Ang babaeng walang kinatatakutan kahit kamatayan. "In the name of holy spirit—hoy! Spent, Spent! Our father who art in heaven—gabayan niyo po sana ako at nawa'y hindi ako maaksidente sa araw na ito! Mahal ko pa buhay ko—!" I accelerate my speed more without minding the priest at the back. Nang malapit na kami ay mabilis akong nag-over take sa papalabas na truck. Malakas kong pinindot ang busina ko na malakas din nagpapaulit-ulit magbusina ang driver ng truck "F*ck you! Labas ka kasi ng labas kitang nagmamadali ako!" "You slow down, Spentice! Hindi tayo nagmamadali!" Pagkarinig ko no'n ay agad akong napaapak sa break. Nakita ko pa sa rearview mirror ang pagkauntog ni Father Josiah sa likod ng upuan sa harapan niya. Deserve. "Aw—!" "Really? Akala ko kasi nagmamadali ka," mapang-asar kong saad. Nagsimula ulit akong umandar pero hindi na mabilis gaya kaganina. I'm on my normal speed. "Talaga lang ha? Hindi ka ba nananadya lang?!" kunot noo niyang tanong. Matamis akong ngumiti sa rearview mirror kung saan kita ko siya. "Why would I do that to a priest? Sorry, Father, I think we have a misunderstanding awhile ago." I saw how he mocked what I said habang halos magkadikit na ang dalawang kilay niya. I chuckled while shaking my head. Ibang-iba talaga ang ugali ng paring 'to sa pagkakakilala ko sa mga pari. But it's fun teasing you, fiery priest. Pinarada ko ang sasakyan ko nang makarating na kami sa simbahan. Mabilis na lumabas ng kotse si Father Josiah at padabog na sinarado ang pinto. Wow? Ako na nga naghatid nang labag sa loob ko, siya pa itong may ganang magdabog? Eh kung isumbong kaya kita kay Father Jacob? I heard under ka niya. But no, nevermind. I can handle him myself. Matitigas na ulo nga na leader ng mga mafia, napapatumba ko. Siya pa kaya na isang pari na mainitin lang ang ulo at kilala bilang fiery priest? Bumaba na rin ako at ni-lock ang kotse ko. Natanaw ko pa si Father Josiah na papasok na ngayon sa simbahan. Napakabilis naman maglakad no'n. Nahagip din ng mga mata ko si Father Jacob na naglalakad kasabay ng mga lalaking nakaputing damit pababa. "Father! Father Jacob!" tawag ko at tumakbo papunta sa kanya. Napalingon sa 'kin si Father Jacob na agad ngumiti at kumaway nang makita ako. "Oh, Spentice! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya at tumigil sa paglalakad. Napatigil din ang mga kasabay niya. "May hinatid lang po. And kung hindi po kayo busy..." "Okay, I get it. Mamaya siguro pagkatapos kong i-tour itong mga bago naming sakristan sa buong simbahan." Tinuro niya pa ang mga lalaki na nakasabay sa kanya. Mga bago pala nilang sakristan ang mga ito. Napakabait naman nitong ni Father Jacob at siya pa mismo ang nag-tour sa mga bago nilang miyembro, hindi tulad ng iba d'yan na laging galit at beast mode! "Sige po, Father. Hintayin ko na lang po kayo rito." "O siya sige, Spentice, magpapatuloy na ulit kami." Tumango ako kay Father at ngumiti nang sunod-sunod na nag-bow sa 'kin ang mga bago nilang sakristan. It looks like Father Josiah is the only one with a rude attitude here. Maswerte lang siya dahil naging famous siya, madaming fans na humahanga sa kanya kahit ganyan ang ugali niya. Umupo ako sa dati kong inuupuan dito at nagmuni-muni. I'm wondering when I can think of a solid plan and when can I get the golds. I'm not really sure if I can finish this mission early. Given that Father Jacob is not always free and we can't find a right timing for now. "Ate, palimos po," Napatigil ako sa pag-iisip nang may biglang kumalabit sa 'kin. Isang batang babae na walang ligo at mukhang gutom na gutom na. Ang dumi na rin ng buong katawan niya at nakayapak lang. Ito na naman tayo sa pakiramdam na gustong tulungan ang batang 'to. Why am I so kind most especially to the kids? "Ikaw lang ba mag-isa, bata?" "Hindi po. Kasama ko po ang lola ko at kapatid ko. Ayon po," sagot niya at may tinuro. I smiled at her. Helping others is not a problem to me. Lalo na't nakikita ko ang ganito nilang sitwasyon. Kumuha ako sa bulsa ko ng limang daan at ibibigay na sana sa bata iyon nang may pumigil sa 'kin, isang kamay rin ng bata. Nagtataka akong napatingin sa kung sino man ang pumigil sa 'kin. "Renz?" "Ito makakain niyo, bata. Sa inyo na 'yan. Sana makatulong sa inyo 'yang simpleng pagkain," Renz said while giving the plastic bag to the little girl. "Maraming salamat po," pasasalamat ng bata at tumakbo na papunta sa lola niya at inumpisahan kainin ang binigay ni Renz. "Hello po, Ate! Ang tagal na rin po nating hindi nagkita. Na-miss po kita sobra-sobra," nakangiting saad sa 'kin ni Renz at niyakap ako. I smiled back and hug him too. "Na-miss din kita, Renz. Kamusta pala kayo? Ang nanay at tatay mo?" Kumalas ako sa kanya at hinarap siya sa 'kin. I want to see his face while telling the improvement of his life and his family. "Okay naman po kami, medyo nakakaahon-ahon na rin po. Salamat po sa inyo dahil ang laki po ng itinulong niyo po sa 'min. Si Nanay po ay napa-check up na po namin at sa ngayon po ay sumusunod po kami sa mga payo ng doctor para sa kanya." Ginulo ko ang buhok niya. "Very good." "At 'yong bahay po namin ay unti-unti na pong naaayos. Nagbalik pag-aaral na rin po ako, Ate." "Mabuti kung gano'n. It's my pleasure na nakatulong ako sa inyo, Renz." I'm glad that I helped your family, Renz. You are all a good citizen of this society. Kaya lang, kukunin kita bilang kapalit sa pagtulong ko sa inyo. I will going to train you and make you a part of our mafia. Mas maaga kitang mate-train, mas maagang mai-improve ang kakayahan mo. 'Cause I really see your potential at hindi ako pwedeng magkamali ro'n. "Maraming salamat po talaga. Kung hindi po dahil sa inyo ay malamang, lugmok pa rin po kami. Kaya salamat po talaga, Ate. Pero Ate nga pala... hanggang ngayon po ay hindi ko pa rin po alam ang pangalan niyo." "Spentice. Pwede mo rin akong tawaging Ate Spent," diretso kong sagot. "Ate Spent," ulit niya sa sinabi ko. "Ate Spent, ang ganda po ng pangalan niyo." I chuckled. Thanks to my mother who thought of my name. Mukhang pangalan ko lang at kabaitan ni Mom and naipamana niya sa 'kin. Still, I really thanked her for giving birth to me kahit kapalit no'n ay nawala siya sa mundong ibabaw. "Kayo po, Ate Spent? Kamusta na po kayo?" "Ako? Ayos naman ako. Nga pala, sabihan niyo lang ako kapag kailangan niyo ng tulong ulit. Alam naman ng tatay mo kung pa'no ako hanapin," I said while smiling. Tumango lang siya na may ngiti rin sa mga labi. "Ay Ate, si Father Josiah po ba ay hinahanap pa rin ako?" Oh, right! Ngayon ko lang naalala ang sinabi ng paring 'yon no'ng tinulungan ko siya sa mga lasing. He said he will do anything if I help him. Wala naman akong gustong ipagawa sa kanya kundi ang tigilan na si Renz. I think I should remind fiery priest about what he owes to me. "Sa ngayon, hindi ka naman niya hinahanap. Hayaan mo, sasabihin kong nagbagong buhay ka na. Good boy ka na 'di ba, Renz?" "Opo! Hindi na po ulit ako magnanakaw, masama po 'yon." Hindi ka na magnanakaw, Renz, magiging parte ka na ng mafia namin in the future. Biglang umihip ang malakas na hangin at tinangay ang buhok kong nakalugay. "Hoy batang kasama ni Spentice!" Speaking of. Kaya pala biglang lumakas ang hangin dahil sa lakas ng presensya ng paring 'to. Inayos ko ang buhok ko at tumingin sa pinanggalingan ng boses. Si Father Josiah na tinatangay ang buhok pati na ang suot na cassock. Isabay pa ang seryoso niyang mukha na nagpalakas ng datingan. See this fiery priest, he has the overall looks that every girl would want for. Sablay nga lang siya sa ugali kahit na may ipanlalaban siya. Kaagad akong tumayo para takpan si Renz at itago sa likuran ko habang papalapit sa 'min si Father Josiah. "Ate Spent..." "Hey kid! Nakita ulit kita!" I gestured my hand to stop him. "Fiery priest, do you remember what you owe for me? The time I help you with the drunk people?" diretso kong tanong nang makalapit na siya sa 'min. "Ano ngayon do'n?" mataray niyang tanong. Is this priest some kind of bipolar? Or he's just good at changing his mood? "Sabi mo gagawin mo lahat bilang kapalit sa pagtulong ko sa 'yo. And what I want is you stop bothering Renz anymore." "Eh pa'no kung ayaw kong sundin 'yan?" "Renz has changed. Hindi na siya nagnanakaw at nagbago na siya kaya hindi mo na kailangan pang sermunan siya o kung ano man ang gagawin niyo sa kanya." "How would I know if he changed?" "You'll know because I'm the one who said it," I said using my serious tone. Nakita ko kung paano bahagyang napatigil si Father Josiah. You will not like it if I became more serious. Kaya mas mabuting pumayag ka na sa gusto ko. "So, is it a deal? Huwag mo nang guguluhin si Renz." Napapikit siya ng ilang beses at tumikhim. "Okay, fine. Para sa atraso ko sa 'yo, titigilan ko na siya." Then we're good, fiery priest. Ngumiti ako sa kanya. "It's nice to hear that. Tara na, Re—" Napatigil ako nang may biglang sumigaw na matandang lalaki na humihingi ng tulong. "H-Hoy t-teka! Tulong, tulong! Holdaper! Tulungan niyo ko! Parang-awa niyo na! Tulong!" sigaw niya habang nakaturo sa mga lalaking teenager na tumatakbo at may hawak na wallet ang isa. "What the fudge?! Let's go!" Biglang hinawakan ni Father Josiah ang pulsuhan ko at hinila patakbo. At bakit kailangang kasama ako?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD