SATFP: Chapter 9

2147 Words
I entered the restaurant from where the message said. Mukhang mamahalin ang restaurant na ito sa itsura pa lang sa labas at panigurado na mamamangha ka lalo sa loob. It has a great interior design ang vibe. I'm sure the foods here are worth their prices. And what am I doing here? "Spentice! Here, here!" Ask this idiot who just called my name. Lumapit ako sa kinauupuan niya at umupo rin. Kung naaalala niyo ang prosecutor na pumunta sa dati kong tinutuluyan na hotel na may pangalang Tristan Reyes, siya ang kaharap ko ngayon. Ang prosecutor na ito ang dahilan kung bakit ako nandito. He texted me early this moring and I don't know where did he get my number. Hindi ko rin alam kung bakit nakipagkita ako sa taong 'to. "What do you want? Bakit mo ko pinapunta rito, Prosecutor Reyes?" I asked. "Oh... So, you remember my name? Tristan na lang, Spentice," he said, smiling. Napataas ako ng isang kilay. "Whatever." "Anyway, pinapunta kita rito para samahan akong mag-breakfast. I know you didn't have your breakfast yet." I'm starting to think that he's just wasting my time. "Waiter—" "Can you get straight to the point, Tristan? Why did you invite me to be here? You said you have something to tell me? What is it?" I asked, cutting what he is about to say. "Calm down, Spentice. Pwedeng kumain muna tayo bago pag-usapan 'yon?" He smiled one more time. Ano bang meron sa ngiti niya at bakit palagi siyang nakangiti? Signature look niya ba ang palaging nakangiti? How about if he has tons of problem? Nakangiti pa rin ba siya? At ano bang brand ng toothpaste ang ine-endorse niya para mapanatili ang ngiti niya? I sighed. I'll let it slide for now. I'm a busy person but breakfast is also important. Hinayaan ko na siyang um-order ng pagkain namin habang ako ay nililibot ang paningin sa loob ng restaurant. Siguraduhin nitong Tristan na 'to na may sasabihin siyang importante sa 'kin at hindi nasayang ang oras ko. Dahil kung hindi ay baka ialis ko ang prosecution office nila sa mga allies namin. "So, Spentice... How are you?" Napabalik ang tingin ko kay Tristan. "I'm good." He chuckled. "Hindi mo ba talaga ako naaalala? I mean, even if it's just a short meeting, you would still remember me. Right?" I scoffed. Hindi makapaniwalang napailing ako. "With my full schedule? Problems in work? And too many things happened to my life, tingin mo maaalala pa kita? I didn't even know that you and Zach are friends." Napahawak siya sa dibdib niya at umarteng parang nasaktan. This idiot is overacting. "Sakit naman, Entice! Napaka-harsh mo naman sa 'kin." Parang nagpantig ang tenga ko dahil sa narinig. "Stop. Stop calling me like that. It's Spentice not Entice," I clarified. "Why? Ang dami ng tumatawag sa 'yo na Spentice or Spent. Why not I make a change?" he asked, smiley face is on again. "Isa pang tawag mo sa 'kin ng gano'n, hindi ako magdadalawang isip na itutok 'tong baril ko sa 'yo." "Oh, really? Makakaya mong itutok sa 'kin 'yan ngayon, Entice? Here in public?" nanghahamon niyang tanong. Stubborn! Kung hindi abnormal, napakatigas naman ng ulo! Did he take my warning as a joke? Do I look like I'm not serious with it? Kinuha ko ang baril ko sa gilid ko at itinutok sa ilalim ng mesa. Sinigurado kong tatama ang nguso ng baril ko sa tuhod niya? I smiled at him. "I can kill your future with one bullet, Tristan," panakot ko. I saw him gulped three times before nodding. "O-okay, S-Spent. I'll—I'll stop calling you like that. It's Spentice okay, okay I get it. Noted kaya alisin mo na 'yong baril mo," he said whispering the last sentence. Inalis ko na ang baril ko sa pagkakatutok sa kanya at itinago ulit. Sakto naman na dumating na 'yong in-order niyang pagkain. "Are you scared of guns?" tanong ko kay Tristan nang makaalis na ang waiter. "Tingin mo? Sino'ng tao ang hindi matatakot sa baril?" he answered while wiping his sweat. I pointed at myself. "Ako." Hindi makapaniwala siyang napabuga ng hangin. "Wow! Eh 'di ikaw na! The famous Spentice na walang kinatatakutan." I shake my head before touching the food. As I have said earlier, the prices of the food here will be worth it. And I think I will be a regular here. Their food is superb and tastier. I never tasted like this in Italy but foods there are also good. "How did you find this place?" I asked. "Hmm? Ito? Dito ako madalas kumakain kaya alam ko talaga 'to." Tumango ako sa sagot niya. "So, ano 'yang sasabihin mong importante?" tanong ko ulit habang kumakain. "I know about your mission and why you're here... It's the golds." Napatigil ako sa pagkain. "Who told you that? Is it Zach?" "Yeah. Sinabi niya rin sa 'kin na hindi ka sumasagot sa mga tawag nila. They're worried about you and hindi ko alam kung bakit dahil mukha ka namang okay." "That's why you wanted to meet me? To check on me and update them?" "Actually, yes. Pero hindi iyon ang gusto kong sabihin sa 'yo ngayon." I just stared at him and waiting for him to continue. "Spent, I want to help you with the gold—" "No. I can handle it," putol ko agad sa kanya. "But—" "It's fine, Tristan. I don't need any help," I said with finality. Kaya ko naman ilabas at iluwas papunta sa Italy ang mga ginto ng ako lang and maybe with a little help from Father Jacob. Let me just think of a plan. Everything will be settled and good when I have one. "Kung kailangang-kailangan mo na talaga ng tulong. Don't hesitate to ask for my help. I'm willing to help, Spent." Why would I ask for help with someone I still didn't even know and trust? Hindi ako 'yong tipo ng tao na mabilis magtiwala sa tao pero nakikipag-usap pa rin. Kaya nga sa mafia namin, ako ang mas unang naghihinala sa mga nagiging kaalyado namin. And I can't let another traitor who will betray us and be in our mafia. "Sure," I answered. Para matapos lang ang usapan namin tungkol sa pagtulong niya sa mga ginto. The golds will just be in my worthy hands. Nagpatuloy kaming kumain at parehong hindi na nagsalita. I need to meet Father Jacob again. I want to know if I can see where is the exact location of the golds. "Good morning, Father! Same as usual po ba?" bati ng staff sa bagong dating na costumer. "Yes, please. Thanks." Rinig ko ang impit na sigaw ng mga babaeng staff nang sumagot ang costumer nila. Why does his voice sounds familiar? Hindi ko na lang pinansin 'yon at pinagpatuloy ang pagkain. "Spent, can I go with you after this?" Tristan asked. Uminom ako ng tubig bago siya sagutin. "No." Nakita kong nadismaya siya sa naging sagot ko. Hindi siya pwedeng sumama sa 'kin dahil pupunta ako sa simbahan para makita ang mga ginto. Hindi niya pwedeng malaman na nando'n ang mga ginto at baka mag-insist na naman siyang tumulong. "Spentice Viglianco..." Nagbago ang boses niya at naging seryoso kaya napatingin ako ng diretso sa kanya. What now? Why does he has to call me in my full name? "...I know it may sounds crazy but can I ask you to be my date for tomorrow?" he asked showing his smile. Kung umiinom lang ako ng tubig ngayon, malamang sa malamang ay naibuga ko na 'yon sa kanya. What the hell is he thinking?! He's not even my boyfriend whom I'll go out for a date! At isa pa, hindi pa namin gano'n kakilala ang isa't isa para sa gan'yan. I will not go on a date with people I don't know yet. Pumayag lang naman akong makipagkita ngayon dahil may sasabihin daw siyang importante and I thought it's about our mafia since they're our allied. "Sorry? What does a date mean?" pabalik kong tanong. I see how his smile slowly disappeared. Ang dami mo kasing naiisip sabihin, Tristan. I like declining people with a nonsense deal. A date is one of those. My priority is my work and the mafia, nothing else. "W-What?" I sighed. I'm about to answer him when we heard a loud laugh just beside us. "Putek laugh trip! Busted na agad, sakit naman!" tumatawang saad ng katabi namin. Sabay kaming napatingin ni Tristan sa kanya. A man wearing a priest suit and whom exactly I know. "Father Josiah?!" "Fiery priest?!" "Yes? Ako 'yon pareho, tama kayo." Wait! Kanina pa ba siya nandito? Kanina pa ba siya nakikinig sa usapan namin? "You! What are you doing here?" tanong ko kay Father Josiah. "Hindi ba obvious? Malamang dahil kakain ako." Oh yeah, right. What a stupid question, Spent! "Kanina ka pa d'yan?" "Hindi naman. Ngayon-ngayon lang," sarkastiko niyang sagot. Ang tino mo talaga kausap, fiery priest. "Teka, teka! You two knew each other? Kailan pa?" tanong naman ni Tristan. "I met him the first time I got here," I answered. "Talaga? Unang pagkakakilala ko sa 'yo, ikaw ang babaeng namatid lang naman sa isang pari." I'm glad you still remember it, Father. Insert my sarcasm in there. "Wow, Spent! Did you actually do that?" nakangangang tanong ni Tristan. I rolled my eyes. "Hindi sadya 'yon, aksidente lang." Tumayo na ako at hinanda na ang sarili para umalis. Naubos ko na rin naman ang pagkain ko at wala na rin naman akong gagawin dito. Mas mabuti nang umalis na at puntahan ang mga ginto. "Hey, aalis—" "Waiter, the bill—" "Spent, no. Ako na magbabayad." Si Tristan na pinigil din ang sasabihin ko. "Waiter, bill please!" Hindi na ko nagpumilit pa sa sinabi niya. He said he will pay for it so be it. Pabor sa 'kin 'yon dahil siya naman ang dahilan kung bakit ako nandito. But inviting me to be here is worth it. I really like this restaurant. Pagkabigay ng bill kay Tristan ay dumating din ang order ni Father Josiah. "Thanks for inviting me here, Tristan. Mauuna na ko sa 'yo," I said. "You're very welcome, Spent! Ikaw pa ba? Malakas ka sa 'kin eh. Let's go, aalis na rin naman ako." Napailing na lang ako bago magsimulang maglakad palabas na sinabayan niya. Napatingin pa ko sa kinauupuan kaganina ni Father Josiah. To my surprise, wala na siya ro'n. That fast? Paano siya nakaalis ng gano'n kabilis? Well, it's not my business kaya hinayaan ko na lang. "'Di nga, Spentice? Ayaw mo talaga? It's for my undercover kaya kailangan ko ng partner. I have to handle this case without any mistakes." "And that case is out of my hand. Still it's a no, Tristan." Wala akong time para tumulong sa kaso niya dahil may inaasikaso rin akong misyon ko. "Just help me with this one, Spent. Kahit magpanggap ka lang at huwag nang tumulong sa 'kin sa kaso." "I have my busy schedule. Hindi ko na 'yan maisisingit." "Pwede mo naman i-delay saglit 'yong mga ginto, Spent. I need to bring this case into success. Maraming tao ang gusto ng hustisya." "Are you seriously asking a help with a criminal?" "Why? Are you a criminal? Kasi para sa 'kin hindi ka mukhang kriminal. Mukha kang magiging asawa ko in the future." Oh sh*t! Smooth pick-up line but at the same time I felt cringe. "Really? Tingin mo magiging asawa mo pa ko kung ngayon pa lang ay papatayin na kita?" I asked with a grin. He cleared his throat at umiwas ng tingin sa 'kin. "Sabi ko nga hindi na kita bibiruin." "Pero Spent, sana pumayag ka sa favor ko. Kahit once in a life time lang, minsan ka lang naman mahingian ng pabor eh," aniya nang humarap ulit siya sa 'kin. Nasa tapat na kami ng kotse ko at hindi niya pa rin ako tinitigilan sa pagpilit. Akala ko titigil na siya kaganina, hindi pa pala. I stop and faced him. I think Tristan is the kind of man who will do anything in order to get what he wants. I sighed. Okay, para matapos na ulit ang pagpipilit niya. "Let me think about it. Send me the details and everything." Ngumiti siya na abot tenga bago tahimik na nagdiwang. "Thank you, Spent." "Yeah, yeah, welcome. Whatever," walang gana kong saad. "Sige na, mauna ka na. See you tomorrow, bye!" he said with his signature smile as always. Hindi na ko sumagot sa kanya at sumakay na lang sa kotse ko. "D*mn! Napapayag na naman ako nang wala sa oras! You're such a good person, Spent," kausap ko sa sarili ko bago i-start ang kotse. "Pakihatid naman ako sa simbahan, advance thank you na." Gulat akong napatingin sa backseat at makita si Father Josiah doon. "F*cking priest!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD