SATFP: Chapter 37

1916 Words
"Spent, ano'ng hindi mo pa nasasabi sa 'kin?" "What? Nasabi ko naman na sa 'yo lahat kung ano'ng nangyari sa interrogation 'di ba? Pati na ang pagpatay kay Benny Madalura," pagmamaang-mangaan ko. Mas mabuti nang mag-play safe ng sagot kay fiery priest. Para na rin hindi siya madamay kung sakaling magkaroon ng aberya sa pag-iimbestiga ko. Ayos lang na si Tristan na lang ang nakakaalam ng tungkol do'n dahil pwede naman siyang bigyan ng proteksyon ng mga tauhan namin. Pero kung minamalas ka nga naman sa daldal ng dila nitong prosecutor na 'to. "Mukhang hindi mo nasabi ang pag-iimbestiga mo sa Nassoni Mafia at pagpapabagsak sa kanila. Nasabi ba sa 'yo 'yon, Father Josiah?" Kung malapit lang sa 'kin 'tong si Tristan malamang ay nabatukan ko na ang isang 'to para tumahimik. "Nassoni Mafia? Ano 'yon?" "Sila ang nasa likod ng la—" Agad kong kinuha ang baril ko at itinutok kay Tristan sabay ng pagkasa nito. "Stop it, Tristan." "T*ngina, Spent?! Bakit mo na naman ako tinututukan ng baril?!" At nagtanong ka pa talaga? "Tayo. Tara sa labas," utos ko sa kanya at tumayo na. "Okay, okay!" Sumunod naman sa 'kin si Tristan at tumayo na rin. Maglalakad na sana ako palabas nang may biglang humawak sa pulsuhan ko. "Spentice Viglianco." Maawtoridad niyang tawag sa pangalan ko. Hinintay ko ang sunod niyang sasabihin pero bumuntong hininga lang siya at binitawan na ako. "Fine, I'll wait until you can share all of your plans. Go." Humalukipkip siya at sumandal sa upuan. "Tara na, Spent. May sasabihin ka ba sa 'kin?" Napabaling naman ang atensyon ko kay Tristan na nasa pintuan na. Just give me some time to make things clear, fiery priest. Sumunod ako kay Tristan at lumabas na rin. "Ano bang pag-uusapan natin, Spent?" "Your stupidity." "Aray naman sa your stupidity!" Deserve. Bumaba kami ng hagdan at do'n nag-usap para hindi kami masyadong marinig ni fiery priest. "Dapat kasi may preno rin 'yang bunganga mo eh," saad ko. "Why? Kasalanan ko bang hindi ko alam na hindi mo pa pala nasasabi kay Father Josiah ang mga plano mo?" "Oo kasi kasalanan mong mahina 'yang pakikiramdam mo." Sumandal ako sa motor kong nakaparada. "Alright, it's my fault. Huwag ka nang galit, baby." "Do you want me to get my gun and point it again to you?" "Joke lang, Spent! Eh bakit kasi hindi—" "Kasi tulad mo ay ayoko ko rin siyang madamay sa Nassoni Mafia. Idagdag mo pa na pari siya, Tristan." "Sasabihin mo lang naman ang plano mo ah? 'Yong magiging takbo ng pag-iimbestiga mo at ang pagpapabagsak sa mafia na 'yon. Hindi mo naman sasabihing sumama siya." "You don't get it. Once na sinabi ko 'yon kay fiery priest, right at that exact moment, delikado na ang buhay niya. Like yours, ngayon pa lang delikado na ang buhay mo. Kaya tumawag na agad ako ng mga tauhan namin na pwede kang bantayan ng palihim 24/7." "What?! Ang sosyal naman na may pa-bodyguard pa ako." Inirapan ko siya dahil mukhang natutuwa pa siyang may mga magbabantay sa kanya. "I don't want anyone to get hurt because of me kaya ako na lang ang kumikilos at nag-iimbestiga. Huwag na kayong sumali pa." "Just like I said awhile ago, I can't do that, Spent." "I want to ask why while pointing my gun at your direction to say what it is. Na hindi mo masasabi-sabi kung bakit hindi pwede na hindi kita isama. But I'm respecting what it is and still it's a no, Tristan. Stop—" "No, Spent. Kahit ano'ng sabihin mo, I already decided to help you no matter what. Balik tayo, ano nang sasabihin mo kay Father Josiah?" Napatampal na lang ako ng noo ko sa katigasan din ng ulo niya. Sigurado ako na ganito rin ang magiging senaryo mamaya kay fiery priest kapag sinabi ko sa kanya lahat ng plano ko. Mamimilit din siya na isama ko siya sa gagawin ko dahil balak niya ring magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Fathet Jacob. Napahawi ako ng buhok ko paitaas. "Alright. I'll let you help me through investigating." "All through out your plans, Spent. Simula sa pag-iimbestiga hanggang sa pagpapabagsak sa Nassoni Mafia." "Tristan—" "Okay, it's settled. Now, ano nang balak mo kay Father Josiah?" Kagaling talaga nito magbago ng pinag-uusapan. I can easily win an argument with mafias but why I can't do it to Tristan? As well as fiery priest? Simula nang dumating ako rito parang ang dami nang nagbago sa pagkatao ko. I sighed. "Tell him everything then protect him if may mangyari mang kung ano." "Ang daya naman." "Ano'ng madaya?" "Si Father, ikaw mismo magbabantay. Tapos sa 'kin, mga tauhan niyo pa. Susumbong kita kay Zach." "T*nginamo. Ang arte mo talagang prosecutor ka. Tara na nga ulit sa taas, balikan natin si fiery priest." "Aba! First time kong marinig na nagmura ka sa tagalog ah? Madalas kasi english." "Eh 'di f*ck you." Madali rin naman akong kausap, Tristan. He chuckles. "Sige na, ikaw na lang kumausap kay Father. Babalik na rin ako sa office. Atleast I already got the permission to help you. Sa susunod mo na lang ikwento ang nangyari sa pag-iimbestiga mo kanina. Bye, binibini!" aniya at nagsimula nang maglakad paalis. "Hoy, Tristan!" Kinawayan niya lang ako at nagba-bye ulit. Sasama-sama papunta rito tapos aalis din pala kaagad? May katanungan pero sa susunod na lang? Ang gulo niya rin. Umakyat na lang ako ulit at hinayaan si Tristan. Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko si fiery priest na nakapikit na habang nakahalukipkip sa upuan. Nakatulog ba siya na ganyan ang pwesto niya? I walk closer to him to check if he's sleeping or what. Tinapik ko na rin ang balikat niya pero mukhang tulog nga. Lalayo na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang pagngisi niya. Wait, ngumisi ba talaga siya? O guni-guni ko lang? Lumapit ulit ako sa mukha niya para tingnan ng maigi kung tulog ba o nagtutulug-tulugan lang. Kinaway ko ang kamay ko sa mukha niya nang bigla siyang dumilat na ikinagulat ko. The hell?! "Sh*t." Mahina kong mura. Napaatras naman ako nang bigla rin siyang umayos ng upo. Dahil kung hindi ako umatras ay baka nagtama na ang mga mukha namin. "Sorry. Tapos na ba pag-uusap niyo?" Tumingin siya sa likod ko na akala siguro ay kasama ko pa si Tristan. "Nasa'n si Prosecutor Reyes?" I cleared my throat. "U-Umalis na. Babalik na raw siya sa office nila." Tumango siya. "So, what now?" And this is the cue. Umupo muna ako sa inuupuan ko kaganina bago magsalita. "Fiery priest, I'm not gonna tell you everything dahil baka mapahamak ka kagaya ng nangyari kay Father Jacob. Ayokong—" "Hindi mangyayari sa 'kin 'yon, promise." "It's a mafia, Father. Ang Nassoni Mafia ang nag-utos kay Benny Madalura na papatayin si Father Jacob for whatever the reason is. Ang tingin kong rason ay dahil gusto nilang pabagsakin ang mafia namin. And their move was to kill every people that we are close to para mapabagsak kami. Father Jacob is very close to my Father. And baka ikaw rin ay madamay dahil palagi kitang nasa tabi." "Hindi ako ordinaryong pari, Spent, kung gano'n ang iniisip mo sa 'kin." "What are you, then?" Kunot noo kong tanong. "Basta. Tell me about your plans to that mafia things." "After I tell you everything, mamimilit ka rin bang sumama sa pag-iimbestiga ko?" "Hindi? Just keep me updated." "Okay." Nagsimula akong ikwento sa kanya ang tungkol sa Nassoni Mafia at ang pag-iimbestiga ko sa club na pinag-meet up ng dalawang kriminal. At sumunod ang mga plano kong pinagplaplanuhan ko pa lang dahil nag-fo-focus muna ako sa pag-iimbestiga ng lahat-lahat kay Benny Madalura at ang naging koneksyon niya sa Nassoni Mafia. "Then... Father Josiah, kung hindi mo mamasamain, pwede mo kaya ako matulungan sa mga gintong nasa ilalim ng simbahan niyo?" "Ang mga ginto niyo?" "Alam kong hindi mo pa nakikita ang mga 'yon pero baka lang matulungan mo ko mailabas ang mga iyon. After I finish my case about Nassoni Mafia ay babalikan ko ulit ang mga ginto." "Let me think about it. Pero gusto ko munang makita ang mga ginto niyo." Tumango ako. "You set a time kung kailan natin pwedeng makita 'yon." "Sige." Hindi ko kakayanin na ilabas ang mga ginto nang walang katulong ng kahit isang miyembro ng simbahan. "Nga pala, fiery priest, kung sakaling tingin mo ay nasa panganib ka ay tawagan mo lang ako agad. Maging alerto ka na rin sa paligid mo dahil hindi mo alam kung kailan susulpot ang kalaban." "Kayang-kaya ko ang mga 'yan, Spent." "Ang lakas naman ng loob mong masabi 'yan, fiery priest." "Of course! Kasi kaya ko. At nakapagdesisyon na ako na tutulungan kita. Sa pag-iimbestiga at pagsasagawa ng plano mo." Nagulat ako sa sinabi niya at napamura habang may gulat na gulat na mukha. "What the f*ck?! W-Why?" I thought he's alright if I just keep him updated? "You just said awhile ago na hindi 'di ba?" "Patanong 'yon, Spent. Magbabago pa. Since tutulungan ka ni Prosecutor Reyes ay tutulong na rin ako dahil ako ang mas may dahilan para tulungan ka." But I don't even need anyone's help! Sadyang mapilit lang kayo at matitigas ang ulo na hindi ako maka-hindi. "And minus point ka na naman sa langit dahil minura mo ko. At kapag hindi ka pumayag sa pagtulong ko, minus ka ulit. Ang dami mo nang kasalanan kay Lord, Spent, kailangan mo nang mangumpisal." I rolled my eyes. Matagal ko nang alam na hindi ako sa langit pupunta. Isa pa, baka matagal mamatay ang mga masasamang damo. "Pa'no ko ba kayo kukumbinsihin na hindi ko kailangan ng mga tulong niyo at kaya kong mag-isa lahat?" Itinaas niya ang hintuturo niya at winave pakaliwa't kanan. "Wala. Dahil sa ayaw at sa ayaw mo ay tutulungan pa rin kita. Kaya huwag kang magkakamaling hindi ako sabihan ng mga plano mo, Spent." Hindi ako sumagot. Mukha na rin naman akong walang choice sa kanila dahil matitigas ang ulo nila at hindi titigil hanggat hindi napipilit ang gusto. "Magpahinga ka na. Alam kong pagod ka mula sa pag-iimbestiga mo." Tumayo na siya at inayos ang pagkakalagay ng dalawang upuan na inupuan nila. Ngumiti lang ako sa kanya nang magpaalam na siya at lumabas na ng bahay. Sumandal ako sa swivel chair ko at pinaikot-ikot 'yon kaya umiikot din ang paligid ko. At last, alone time para makapag-isip na ng matino mula sa stress na naidulot sa 'kin ni Tristan at fiery priest. Tumigil ako sa pag-ikot at ramdam na ramdam ko ang pag-ikot ng paligid ko pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan ang head ng bodyguard namin. "Manda di nuovo tre uomini all'indirizzo che invierò più tardi. Mandali qui al più presto, (Send three mens again to the address that I will send later. Send them here asap,)" utos ko. [Copia, signora. (Copy, Madam.)] Binaba ko ang tawag at sinend sa kanya ang address bago may tinawagan ulit. [Hello?] "Is this the CEO of Paradise Prosecution Office?" [Yes. May I ask who are you?] "Spentice Viglianco." [Madam! Oh my god, sorry for not recognizing you, Madam.] "It's alright. Please do provide an office for me to work. I'll start tomorrow." [Understood, Madam.] "Thanks." [Welcome po!] I end the call again. Tomorrow will be the start of another investigation with the help of two stupid idiots—I mean Tristan and fiery priest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD