Nakaharap ako ngayon sa salamin habang tinitingnan ang sarili na naka-semi formal attire. White blouse on top and maong pants.
Papasok ako ngayon sa Paradise Prosecution Office at gagamitin na ang pagka-lawyer ko.
My workplace is just an act. Kunyare ay nagtratrabaho ako ro'n pero iyon pala ang hideout ko. Ang hideout kung saan doon mangyayari ang lahat ng imbestigasyon at pagplaplano na magaganap.
Ayos din na nando'n ako dahil madali kong makakausap at mauutusan si Tristan.
Isa pa, kaalyado namin ang Paradise Prosecution Office kaya mas madaling kumilos kapag nando'n ako.
Kinuha ko ang handbag ko pati na ang susi ng kotse ko. Sinigurado ko muna na nakasara lahat ng bintana at lahat-lahat bago lumabas at i-lock ang pinto.
I check Father Josiah's house to see if he's still here. Isasabay ko sana dahil doon ang way ko pero mukhang nakaalis na dahil balik misa na naman siya.
Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar na 'yon. Mabuti na lang at malawak ang space sa harap ng bahay ni fiery priest. Dahil kung hindi ay wala akong mapaparadahan ng sasakyan at motor ko.
Ilang minuto rin ang naging byahe ko papunta sa office nila Tristan.
Pinarada ko muna ng maayos ang kotse ko sa parking lot bago dumiretso na sa loob ng building.
"Goodmorning, Madam," bati sa 'kin ng guard na nginitian ko lang.
Ngumingiti lang ako sa bawat taong madadaanan ko at bumabati sa 'kin.
Mukhang nasabihan na sila sa pagdating ko.
Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa elevator nila. Pupunta ako sa fifth floor kung saan nando'n ang office ng CEO ng prosecution office na ito.
We will just talk about how I'll work in here and my office.
Pumasok na ako sa loob nang magbukas iyon at pinindot ang fifth floor.
Pero bago pa magsara ang pinto ng elevator ay may biglang stupid idiot na pumasok.
"Sorry, nagma—what the f*ckining?! Spent?!"
Mabuti na lang at nagsara na ang pinto ng elavator at umangat na. Dahil nakakahiya itong pagsigaw ni Tristan na akala mo first time lang na makita ako.
Idagdag pa na ang lakas ng sigaw niya na talagang sumakop sa buong sulok ng elevator. Gulat na gulat pa ang mukha.
"Yeah, that's my name. What?"
"P*ta? Ano'ng... Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Magtratrabaho."
Inayos niya ang sarili niya dahil mukhang napansin niya ata kung gano siya ka-OA sa ginagawa niya.
"Magtratrabaho? Magtratrabaho ka rito? At bakit?"
"Masama? Bawal?"
Bumukas ang pinto ng elavator at nasa fifth floor na pala kami.
"I'll talk to you later," saad ko at lumabas na ng elevator.
Dire-diretso lang akong naglalakad nang hindi alam kung saan ba ang office ng CEO. Nakalimutan kong itanong 'yon kagahapon kaya balak kong hanapin ngayon. Ang alam ko lang kasi ay nasa fifth floor ang office niya.
"Hoy, Spent!"
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa likod ko dahil sa tumawag ng pangalan ko.
Si Tristan na lumabas din pala ng elevator.
"Bakit?" tanong ko.
"Ikaw ba ang bagong papasok dito? Kasi ako ang in-assign ni ma'am para samahan kung sino man ang bagong miyembro ng prosecution office namin. Akalain mo nga naman, tadhana na talaga ang naglalapit sa 'tin, Spent."
Nakangiti pa siya habang sinasabi 'yon. Mukhang may natutuwang idiot sa pagpasok ko sa prosecution office nila.
Pero madalas talaga hindi matigil ang bibig nito sa dami ng sinasabi. Napaka-daldal porket pang-commercial 'yang ipin niya.
"Kung ako nga, ano'ng gagawin mo?"
"Syempre ito-tour kita! Saan mo ba gusto muna?"
"Sa office ng CEO niyo dahil kailangan ko muna siyang makausap."
"Okay! This way, Madam." Nilahad niya pa ang kanang kamay niya paharap habang ang isa ay nakalagay sa dibdib niya.
Ang dami talagang trip ng lalaking 'to.
Hindi ko na siya pinansin at sinunod na lang ang daang tinuturo niya.
"Sh*t kinikilig akong nandito ka, Spent." Ngiting-ngiti pa siya habang nakasabay sa paglalakad ko.
Wala talagang hiya ang lalaking 'to sa pagsasabi ng nararamdaman niya.
"Stop smiling. Nagmumukha kang tanga."
"Ayos lang maging tanga basta kasama kita."
What the f*ck?
Napailing na lang ako at hindi na nagsalita pa dahil baka kung ano-ano na naman sabihin ng prosecutor na 'to.
"Dito ang office ni Ma'am Sylvia Lucero, ang CEO ng Paradise Prosecution Office."
Tinuro niya ang malaking office na nasa harapan na namin.
Madali lang pala hanapin 'to dahil ito lang ang pinakamalaking office na nandito. Hindi ko na pala kailangan ng tour guide.
"Thanks. Pwede ka nang bamalik sa office mo, Tristan."
"Hindi. Hihintayin kita para ma-tour kita sa buong building namin."
I rolled my eyes at hindi na nakipag-away pa dahil alam kong ipipilit niya na naman ang gusto niya.
Humugot ako ng hininga bago kumatok ng tatlong beses sa pinto at binuksan 'yon.
Unang bumungad sa 'kin ang sekretarya niya na may sariling desk sa gilid.
Kaya pala malaki ang office na 'to dahil bukod sa office ng CEO ay may office din ang sekretarya. Dadaan ka muna sa office ng sekretarya niya bago makapunta sa mismong office ni Sylvia Lucero.
I don't know if I should call her "Ma'am Lucero" or what, because she's calling me Madam too.
Besides, mas mataas ang posisyon ko sa kanya dahil isa ako sa mga bosses nila.
"Hinihintay na po kayo ni Ma'am sa loob, Ms. Viglianco."
Ngumiti ako sa sekretarya at nag-thank you bago pumasok na sa mismong office ni Sylvia Lucero.
Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko nang naghihintay siya sa couch set niya na nasa gitna.
Napalingon siya sa 'kin nang maramdaman ang presensya ko.
"Madam Spentice Viglianco! It's nice meeting you!" bati niya at lumapit sa 'kin habang may masayang mukha.
Minsan lang kasi ako makita ng mga under namin at connections dahil si Zach ang mostly na umaasikaso sa kanila.
Speaking of Zach, bigla ko tuloy na-miss ang pinsan ko na 'yon na alam kong stress na naman sa buhay. Nadagdagan ba naman ang trabaho niya eh. Kaya siguro hindi nangangamusta.
"Hi, it's nice meeting you too...?"
Sinadya kong tumigil saglit para malaman kung ano ba dapat ang itawag ko sa kanya.
I don't want to be disrepectful. I love the word respect as well as killing with no mercy.
"Sylvia na lang, Madam."
"Sylvia, okay."
Siya na nagsabi ng itatawag ko sa kanya kaya hindi na ako magdadalawang isip pa.
"Upo po kayo, Madam."
Sumunod ako at umupo sa couch.
"Pinaayos ko na po ang office niyo sa third floor, Madam. Si Prosecutor Reyes na po ang bahalang mag-guide sa inyo papunta sa office niyo as well as brief tour siguro sa buong building namin."
"Drop the "po", Sylvia, if it's okay."
"Okay, Madam, noted."
"At tsaka 'yong office ba malaki? Ayoko ng sobrang laki dahil mas comfortable ako kung tama lang siya sa gusto kong workplace."
"Hindi siya malaki, Madam, at hindi rin maliit. Sakto lang sa gusto niyo at komportable rin para makagalaw-galaw ng maayos. Matanong ko lang, Madam, magtra-trabaho ba kayo rito para tulungan kami sa cases namin?"
That's the question I've been waiting for.
Umiling ako. "No, sorry. I have my personal mission at disguise lang ang pagtratrabaho ko rito."
"It's okay, Madam, I understand. It's my pleasure to have you here in our prosecution office."
"But I can help to some of your cases if I have time."
Tumango lang siya at ngumiti kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"And one more thing, my office will serve as my secret workplace. As much as possible ang makakapasok lang do'n ay ako as well as Prosecutor Reyes."
"Si Prosecutor Reyes?"
"Yes, I want him to be my secretary or right hand."
"Okay, Madam. Sasabihan ko po si Prosecutor Reyes regarding this."
No need dahil alam kong magiging labas pasok pa rin siya sa office ko kahit hindi ko na siya iappoint na secretary ko.
But to make things easier, I need to inform their CEO para hindi rin magkaroon ng issue.
Alam kong ang mga pinoy ay mai-issue.
"That's all. I just want a comfortable office to work with my personal mission. Sakto naman na this Paradise Prosecution Office ay kaalyado ng mafia namin."
"Welcome na welcome kayo, Madam, sa office namin. And alam kong ayaw niyo ng welcome party kaya hindi na namin ginawa, sinabihan ko na lang sila sa pagdating niyo."
Mukhang absent ang isa d'yan no'ng nag-announce kaya hindi alam na dadating ako sa office nila.
Pero mukhang mali na sinabi ni Sylvia ang pagdating ko. I don't want my identity to be expose.
"Did you tell them that I am a mafia boss daughter?"
"No, Madam. Sinabi ko lang na dadating ka na may mataas na posisyon kaysa sa kanila at karespeto-respeto. Ang sekretarya ko lang ang nakakaalam ng buong pangalan mo, Madam, kaya alam kong siya lang ang nakakaalam na isa kang anak ng mafia boss."
"That's good. Hindi naman madaldal ang sekretarya mo, hindi ba? O kaya katiwa-tiwala naman siya?"
Sabihin na nating medyo nagdududa ako sa tanong ko but I need to check of course. It's for my safety after all.
"Oo naman, Madam, I assure you. Matagal ko nang sekretarya 'yan at tahimik lang siya sa lahat. Maaasahan 'yan at mapagkakatiwalaan."
"Alright, I trust your words. Thank you for letting me have my disguise workplace here, Sylvia."
Tumayo na ako kaya kaagad din siyang tumayo.
"Always welcome and feel free to tour around, Madam. Have a good day!"
Nakipag-shake hands ako sa kanya bago ako lumabas. Hinatid niya pa ako palabas ng office niya at palabas ng office mg secretary niya.
Naghihintay pa rin do'n si Tristan na nakasandal na sa pader.
"Prosecutor Reyes," tawag ni Sylvia.
"Yes, Ma'am?"
"I want you to be the secretary of Madam Spentice if it's okay to you."
Unti-unting gumuhit ang ngiti ulit sa mga labi ni Tristan. Your stupid idiot is getting happy and excited again.
"Okay na okay, Ma'am!"
"Sige, ihatid mo na siya sa office niya. You can follow him, Madam, papunta sa office mo."
"Thank you again, Sylvia," pasasalamat ko at naglakad na paalis na agad naman akong sinabayan ni Tristan.
"Ang lakas mo naman kay ma'am. Sylvia lang tawag mo."
"Sinabi niya 'yon na gano'n na lang daw ang itawag ko sa kanya."
"Ah okay. Eh bakit bigla akong naging secretary mo? Si ma'am ba ang nagdesisyon no'n?"
"Kapag sinabi kong ako, ayaw mo ba?"
"Spent naman! Masyado mo kong pinapangiti ngayong araw. Kumpleto na araw ko makita ka lang."
"Ako, Tristan, tigil-tigilan mo ko sa mga banat mong baduy na. Baka matutukan kita ulit ng baril dito sa office niyo mismo."
"Ito na titigil na!" anya at nauna nang pumasok sa elevator.
Sumunod ako sa kanya at kitang-kita ko kung paano siya nakangiti ng wagas.
Napailing na lang ako at napabuntong hininga sa kawirduhan niya.
"Ihanda mo pala ang summary ng pag-iimbestiga mo, Spent, sa Fantasia Club."
"Oo na. Hindi naman maraming impormasyon ang nalaman ko sa Fantasia Club."
"Ayos lang basta may update ako sa ginawa mo. Kagaya ng gusto ni Father Josiah."
Eh kung update kaya na malapit ko na kayong masapak at pag-untugin ni fiery priest ang sabihin ko?
Magiging curious pa rin kaya sila sa update tungkol sa ginagawa ko?
I grinned because of my silly thought.
Duda ako na magiging curious pa sila.