"Ms. Spentice, can I come in?"
"No."
"Ang damot mo naman!"
"Kanina ka pa tanong nang tanong niyan, Tristan. Baka gusto mo talagang mawala 'yang future mo?"
"Syempre dapat palaging sinu-sure muna kung papasukin mo ba ko o hindi."
Binuka niya ang bukas ng pinto at pumasok.
Napataas ang isang kilay ko. "Kasasabi ko lang na bawal kang pumasok ah? Hindi ka nakikinig sa mas nakakataas sa 'yo."
At kanina mo pa ako ginugulo, Prosecutor Tristan Reyes, for your information. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa file na binabasa ko.
"Alam kong biro mo lang 'yon—"
"I'm f*cking dead serious. Hindi ba marami ka pang case file na hawak? Bakit hindi mo asikasuhin 'yon imbis na gambalahin ako?"
Sumimangot siya sa sinabi ko.
"Hindi ba pwedeng concern lang ako sa 'yo kaya ako nandito at pabalik-balik?" aniya habang nakanguso pa.
Ito talagang Tristan na 'to. Bukod sa napakatigas ng ulo niya ay pinapasakit niya rin ang ulo ko.
"Fine! Oo na, sige na, panalo ka na. I'm okay right now kaya bumalik ka na sa office mo. Tatawagin kita mamaya kapag may ipapautos ako sa 'yo. Is that okay to you?"
Bumalik ang masigla niyang presensya at ngumiti na naman na kita ang ngipin niyang pang-commercial.
"Okay na okay! Hanggang sa muli, binibini."
Nag-salute pa siya sa 'kin bago masayang lumabas ng office ko.
First day na first day ko, stress na ako agad sa stupid idiot na prosecutor na 'yon.
Napailing na lang ako at napahilot sa sintido bago nag-focus ulit sa pinag-aaralan kong file.
Ang file na sinend sa 'kin ng hacker's team ko tungkol sa connections ng Nassoni Mafia.
I think it's better to attack the connection first before their businesses.
Kasi kapag businesses nila ang inuna kong i-target pwede pa rin silang makabangon sa pamamagitan ng connections nila. Kapag connections nila ang inuna ko, wala na silang kapit pa at babagsak sila ng tuluyan kasama ang mga businesses nila.
That's what my genius brain thinking right now.
Nassoni Mafia has only four connections based sa nasagap na impormasyon ng team ko. Connections inside the country pa lang ang pinahanap ko sa hacker's team at wala pa sa labas ng bansa. Basic informations lang ang nasagap nila so I need to investigate them one by one to exactly know their agendas.
The first one is the city mayor of Sta. Lazero, Mayor Gilbert Espinosa. 40 years old and currently on his third year of serving in public as a mayor. Matinik at kilalang-kilala siya dahil kapag tuwing botohan ay palagi siyang nananalo sa tinatakbuhan niyang pwesto sa gobyerno. Pero dahil nga konektado siya sa Nassoni Mafia, sigurado akong dinadaya at mina-magic nila ang resulta. He invest on Nassoni Mafia gamit ang perang galing sa pangungurakot niya at patuloy itong pinalalago. Nasa kamay rin ni Mayor Espinosa ang proteksyon at pagtatanggol sa Nassoni Mafia kung sakali man na magkaroon ng aberya ang mga ito sa mga businesses nila o kung ano man. Patuloy na lumalago ang mga pera niyang naka-invest sa Nassonia Mafia na sa kanya lahat napupunta at patuloy rin ang deal nila sa isa't isa. The thief is getting richer while the poor are getting poorer. Not a good leader as expected.
Next one is the chief police officer of the Sta. Lazero Police Station, Chief Allen Gonzales. 45 years old and already in his sixth year of serving as a chief of police. Kasama sa gumagawa ng illegal na gawain at ginagamit ang kapulisan para pagtakpan lahat ng iyon. Siya ang tumutulong sa pagpapasok at pagpapakalat ng mga ilegal na droga at armas na negosyo ng Nassoni Mafia. Siya ang back-up at panakip ng grupong ito sa mga ilegal nilang gawain. In-offer-an siya ng Nassoni Mafia ng malaking halaga ng pera, nasilaw kaya napapayag siya agad. Pero alam kong masaya siya sa naging desisyon niya dahil limpak-limpak din ang nakukuha niyang pera mula sa Nassoni Mafia. Basta pera, malakas ang mga tao d'yan kahit taliwas pa sa trabaho nila.
Low key mafia group pero malago pala ang negosyo. Nalaman ko rin na sila lang pala ang nag-iisang mafia group dito sa bansa na ito at isa sila sa nag-aangat sa black market.
Ang dalawa na iyan ay parehong nandito sa Sta. Lazero pero ang dalawa ay nasa ibang lugar. Nalilito ako habang iniisip kung nasaan ba posibleng nagtatago ang kampo ng Nassoni Mafia.
Nang makita ko kasi ang unang dalawang koneksyon nila ay naisip ko na baka malapit lang sila at nandidito lang sa paligid— nandidito lang sa Sta. Lazero ang kampo o hideout nila. Pero nang makita ko ang dalawa pa na nasa ibang lugar ay nagdalawang isip ako.
Wala rin akong ideya sa kung sino ba ang pinuno at nagpapatakbo ng Nassoni Mafia.
Pero hindi nila ako mauutakan dahil mas mautak ako. Malalaman ko rin 'yan kapag nag-uumpisa na akong pabagsakin lahat ng koneksyon nila pati na mga negosyo nila. In and outside the country.
Nag-uumpisa pa lang ako sa inside the country. Pagkatapos ko rito ay sa labas naman ng bansa ang ipapabagsak ko na pwede kong ipaasikaso kila Uncle Cenzo.
The third on the list ay may-ari ng isang malaking club. Rocky Hagashi, the CEO of "Rock en Roll Club". Half japanese half Filipino and a 30 years old woman. Her club was a big success to her dahil sa dami ng dumadayo na halos lahat ay mayayaman at big time na costumer. It is located on Magati City, kung saan nando'n rin ang Fantasia Club na mukhang wala naman kinalaman sa kanila at hindi kahina-hinala bukod sa manong na tagabantay ng surveillance room nila. Malakas siyang bumili ng droga mula sa Nassoni Mafia at ibinebenta sa mga big time niyang costumer. Malakas kasi ang bentahan ng droga sa club niya kaya mataas din ang pumapasok na pera sa kanya. One of the reason why she became one of the closest partner in illegal drugs of Nassoni Mafia.
The last one is the CEO of a shipping company. Shanaya Montemayor a 33 years old woman and the CEO of SMY Company. Kinontrata rin ng Nassoni Mafia para sa ship out ng droga nila sa iba't ibang lugar at bansang may kaalyado na mafia group. Sa shipping area rin nila nagaganap lahat ng ilegal na pagpapasok at pagpapalabas ng droga at mga armas ng Nassoni Mafia. Pera-pera ang usapan kaya madali lang ang naging proseso ng deal nila. Nasa Magati City ang main shipping company niya pero meron siyang branch dito sa Sta. Lazero.
Napakagaling din naman talagang pumili ng Nassoni Mafia sa mga koneksyon niya. Four people with higher positions are associated to Nassoni Mafia— isang nasa gobyerno, isang may mataas na rango sa kapulisan, at dalawang may-ari ng kanya-kanya nilang negosyo —na hindi mo aakalain na gagawa ng ilegal. But people are people, makakagawa ng masama because of money. Pagtataksilan ang batas para sa pera at gagawin ang lahat para mapalago ang negosyo.
Isa-isa kong dinikit sa whiteboard ang mga pictures ng mga taong konektado sa Nassoni Mafia. Inilagay ko na rin ang mga pangalan nila pati na ang basic information na nasagap ng team ko.
Tinitigan ko ng maigi ang whiteboard nang matapos ko mailagay lahat ng impormasyon sa apat na koneksyon ng Nassoni Mafia. At nag-isip kung sino ba ang uunahin ko sa apat na taong 'to.
Pinaikot-ikot ko sa daliri ang whiteboard marker habang nag-iisip at pinag-aaralan ang bawat isang litrato na nasa harapan ko.
Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang may biglang kumatok sa glass door na pinto ng opisina ko at bumukas iyon.
Kung hindi niyo naitatanong, pinasadya kong ipagawang tinted ang bawat glass window at ang glass door ng opisina na ito. Ni-request ko 'yon kay Sylvia to have my own privacy. At iisa lang ang palaging kakatok at bubukas ng pinto ko nang hindi ko pa nabubuksan.
Pumasok si Tristan at may sumunod sa kanyang pumasok din.
Fiery priest?!
At ano'ng ginagawa nito rito? May misa 'to ah? Iniwan na naman niya ang simbahan nila?
Pero the f*ck? Napaka-right timing naman nilang pumunta sa opisina ko.
Nalaglag ko tuloy ang hawak kong whiteboard marker nang mapatingin sila sa whiteboard ko.
Wala na, mukhang kailangan ko na namang mag-explain sa two idiots na 'to sa lahat ng nakalagay rito.
"Ano 'yan?" Sabay nilang tanong.