SATFP: Chapter 40

1975 Words
Kaya ayokong may kasama at katulong kapag nag-iimbestiga ako eh. Kasi imbis na 'yong mga oras na maaaksaya ay mapupunta sa malalim kong pag-iisip ng plano at pagkilos ay mapupunta pa sa pag-eexplain at pagsasagot ng mga tanong nila. Kagaya ngayon na kaharap ko ang two idiots. Na pareho nang nag-aantay sa eksplanasyon ko sa nakasulat sa whiteboard. Partida na ang gaganda pa ng mga pwestong napili nilang upuan. Si fiery priest na nakaupo sa swivel chair ko at si Tristan na nakaupo sa desk ko. Tapos samantalang ako ay ito nakatayo at nasa tabi ng whiteboard na naglalalaman ng impormasyon ng mga koneksyon ng Nassoni Mafia. "So what now? What is that sh*t?" tanong ni Tristan. "I'm fine, Spent. Hindi mo kailangan magmadali sa pag-eexplain. Wala na rin naman akong misa mamaya," saad naman ni fiery priest. Pero teka nga. At pa'no niya nalaman na nandito ako at dito siya pumunta sa Paradise Prosecution Office? "How did you know that I'm here?" I asked. "May tracker ka rin ba sa 'kin?" "Oy hindi ah! Kay Prosecutor Reyes ko nalaman. Nag-message ako sa 'yo kaso hindi mo pa ata nabasa." "Pinilit niya akong sabihin kung nasaan ka, Spent. Dahil mabait ako nasabi ko," pagtatanggol ni Tristan sa sarili niya. "Pinilit daw. No'ng nagtanong ako sa 'yo sinagot mo naman agad." "Father, masamang nagsisinungaling ang pari. Magsabi ka ng totoo." "Ewan ko ba kung bakit sa 'yo ako nagtanong. I just hope na alam mo kung nasa'n siya, tyempo naman na alam mo. No choice ako." "Aba, Father Josiah! No choice? Ikaw na nga sinabihan ko kung nasa'n si Spent. Buti nga hindi ko in-ignore 'yang message mo." "Ignore-in ko mukha mo eh." Huling sabi ni fiery priest at umirap sa kawalan. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nagbabangayan sila. Napahawak na lang ako sa ulo ko at humarap sa ibang direksyon. Sila ba ang sasama sa 'kin para tulungan akong pabagsakin ang Nassoni Mafia? Bumuntong hininga ako bago humarap ulit sa kanila. "Ready na ba kayong makinig sa kung ano'ng meron sa mga nakasulat dito sa board? Kasi kung hindi, pwede na kayong lumabas, feel free." Pagkuha ko sa atensyon nila. Sabay silang napalingon sa 'kin at napaayos ng upo. Sumeryoso rin ang mga mukha nila. "Ready na, Spent." –Tristan "Makikinig kami, Spent." –Father Josiah. I sighed for the second time. "Okay. Unang-una, gusto kong lahat ng malalaman niyo ay atin-atin lang. What you see and what you hear, leave it here and to yourself only. Pagkakatiwalaan ko kayo kaya huwag kayong maging madaldal. Walang magsasalita ng kahit na ano tungkol sa imbestigasyon na ito paglabas niyo rito." Tumango silang dalawa. "Noted." "Copy." Tinuro ko ang whiteboard bago magpatuloy sa pagsasalita. "Next, ang mga taong 'to. Silang apat ay konektado sa Nassoni Mafia rito sa loob ng bansa. Kaalyado sila ng Nassoni Mafia at sila ang una nating pababagsakin bago ang mismong mafia group na 'yan." "Wait, wait! Totoo ba 'yang mga nakalagay d'yan?" tanong ni fiery priest. "Malamang, oo, Father. Dahil galing ang impormasyon na 'yan kay Spent," sagot sa kanya ni Tristan. "Si Mayor? Kaalyado ng mafia sheet of paper na 'yan? Parang imposible naman ata?" "Nagulat din ako pero basta galing ang impormasyon kay Spent, may tiwala ako d'yan." Kumindat pa sa 'kin si Tristan na agad kong inirapan. Tumingin ako kay Father Josiah at sinagot ang tanong niya. "Hindi lahat ng nakikita mo ay totoong mukha nila. Madalas naka-maskara lahat ang mga taong nakakataas at may mataas na posisyon, fiery priest. And here's their basic agendas with Nassoni Mafia..." Inumpisahan kong sabihin sa kanila ang lahat ng impormasyon sa apat na taong nakasulat sa whiteboard. Isa-isa kong sinabi sa kanila ang mga ginagawa ng bawat taong 'to at kung paano sila naging konektado sa Nassoni Mafia. Tuloy-tuloy lang ang pag-eexplain ko dahil wala naman silang tinatanong. Natapos ang lahat ng sasabihin ko at nakitang mga seryoso lang silang nakatingin sa whiteboard. Pinag-aaralan kaya nila lahat ng nakasulat d'yan? "Ano na? Naintindihan niyo ba lahat?" tanong ko. "Spent, pwede kayang 'yong mga ginto mo muna ang unahin natin? Masyadong nakakagulat sa 'kin lahat ng sinabi mo. Hindi pa kayang i-digest ng utak ko." Si fiery priest na sa itsura pa lang ay nag-aalala na. Sinabi ko na no'ng una pa, ang mga gawain ng mafia ay hindi para sa mga pari. But you're so stubborn. Ginusto mong tulungan ako sa gagawin kong pagpapabagsak sa Nassoni Mafia na 'yan. "Sino ang balak mong unahin sa apat na 'yan?" Napabaling ako kay Tristan. "Iniisip ko pa," sagot ko at tumingin ulit kay Father Josiah. "Tutuloy ka pa ba sa pagtulong? Dahil hindi pang-pari ang gawain ng mga mafia, sigurado akong magugulat ka pa sa mga malalaman mo pa tungkol sa kanila. Can you handle it, fiery priest?" Tumingin din si Tristan kay Father at pareho naming hinintay ang sasabihin niya. "Let me think about it. Sa ngayon, gusto ko munang makita ang mga ginto niyo, Spent. Para mapagdesisyunan ko naman ang isang gumugulo sa isip ko. Mapatawad sana ako ni Lord sa ginagawa kong pagtulong sa mga kriminal." "Oo na kri—" "Don't get me wrong, Spentice, kasi 'di ba bahagi ka ng mafia? At ang mafia ay taliwas sa batas? Kapag taliwas sa batas ang prinsipyo niyo ay mga kriminal na ang tawag do'n," pag-eexplain niya pa. I chuckled. "You don't need to explain dahil alam ko naman 'yon. And thank you for still helping me." "Kapalit lang 'yon nang paghahanap mo ng paraan para mabigyan ng hustisya si Father Jacob." "Eh 'di kayo na parang sweet! Ang saya-saya ko ngayong araw, masisira lang pala agad!" sigaw ni Tristan na mukhang nagtatampo. "Sorry to ruin your day, Prosecutor Reyes. Pero sinisira mo rin ang araw ko." "Hoy Father hindi porket pari—" "Tama na 'yan, magbabangayan na naman kayo," pigil ko sa nag-uumpisa na namang tensyon sa pagitan nila. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanannng picture ang nasa whiteboard pagkatapos ay mabilisang picture rin sa 'ming tatlo. "Ay g*go camera shy ako!" –Tristan "Magsabi ka naman kung magpi-picture ka! Hindi ready eh." –Father Josiah Binaba ko na ang phone ko at tinago na ulit sa bag ko nang matapos ang pag-pipicture. Mga abnormal din talaga 'tong dalawang 'to. Taliwas sa sinasabi nila ang kinalabasan sa picture. Akala mo hindi camera shy at ready na ready. "Proof lang na kayong dalawa lang ang sinabihan ko ng tungkol sa mga taong konektado sa Nassoni Mafia." "Hindi ka namin pagtataksilan, Spent, oo," saad ni fiery priest. "Parang wala ka naman tiwala sa 'min. Peke lang pala 'yong sinabi mo kanina eh," dagdag naman ni Tristan. Napailing na lang ako sa kanila at hindi na sila sinagot. Binura ko ang mga nakasulat sa whiteboard para walang ebidensyang mahanap kung sakaling may umaaligid sa paligid. "Labas na. Ano pang hinihintay niyo?" Sabay silang tumayo at lumapit sa 'kin. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Tristan. "Tristan, sa office mo. Father Josiah, sa—" "Kung hindi mo pa nababasa ang message ko. Ipapaalala ko lang sa 'yo na ito ang right timing para tingnan natin ang mga ginto niyo," saad ni fiery priest na pinigil ang sasabihin ko. "Sasabihin ko nga sa simbahan. Pupuntahan natin ngayon." Hindi kasi pinapatapos ang sasabihin ko, sumingit agad. "Sama ako!" "Hindi. Ang dami mong case file na hawak, ubusin mo muna at baka mapagalitan ka ni Sylvia." "Ano ka ba, Spent! Malakas ako kay ma'am." "Still no. Huwag makulit baka hindi na kita isama sa pagpapabagsak sa koneksyons ng kalaban nating mafia." Ngumuso siya. Ginagamit na naman ang charm technique niya na hindi na ako magpapalinlang pa. Kinuha ko ang handbag ko at nagsimula nang maglakad palabas ng pinto. "Paki-lock 'to ng mabuti, Tristan. I'm watching you." "Ms. Spentice!" Hindi ko na siya pinansin pa at tuluyan nang lumabas ng office. Nakasunod naman sa 'kin si fiery priest. "Napakaisip bata talaga ng prosecutor na 'yon." "Kagaya mo may pagka-hot temper at moody." "Tanggap ko 'yan. Hindi mo kailangan ipaalala." I grinned. Alam niya pala eh. Akala ko hindi siya aware sa ugali niya. Pinatunog ko ang kotse ko pagkadating namin sa parking lot. Agad ko naman 'yong pinaandar nang pareho na kaming nasa loob at dumiretso na patungo sa simbahan. "Spent, no'ng nalaman mo ba ang mga tao na konektado sa mafia group na 'yon, nagulat ka rin?" "No. I'm used to it. Hindi na bago para sa 'kin na malaman ang ibang persona ng isang tao." "Is that what you always encounter as part of a mafia?" "It'a a no again. More on criminals with same boat ang nakakaharap ko. Mayayamang mafia bosses at members. At mga businesses nila like illegal drugs, illegal firearms, child trafficking, organ distributor, at marami pang iba na hindi kakayanin ng isang paring tulad mo." Hindi siya sumagot at nanatiling tahimik. "Disidido ka pa rin ba na tulungan ako? Nasa connections pa lang tayo ng Nassoni Mafia, wala pa sa mismong businesses nila." Bumuntong hininga siya. "Sa ginto niyo muna. Pakiramdam ko ang laki na ng pagkakasala ko sa Panginoon sa ginagawa ko ngayon." "It's okay na hindi mo ko tulungan dahil kaya ko naman." "Hindi, tutulungan kita. Dahil sa mga sinabi mo ay nagkakaroon ako ng idea sa nangyayari sa mundo ng mga kriminal. Nabibigyan ako ng impormasyon na maraming tao ang nangangailangan ng magtutuwid ng landas nila at pwedeng isa rin ako sa magpatigil ng mga illegal na gawaing nagaganap sa mundo." Napanganga ako sa sinabi niya. Ibang klase rin talagang mag-isip 'tong paring 'to. I thought he will put it on negative way but he put it the other way. "So you still decided na tulungan ako?" "Siguro? Pero pag-iisipan ko muna. Nagmamadali ka ba, Spent?" At lumalabas na naman ang pagka-bipolar niya. "Nag-co-confirm lang, Father." "Okay. Akala ko nagmamadali ka eh." Bumait naman siya ngayon. Napailing na lang ako at saglit na napangiti. Pinigilan ko agad dahil hindi tama na ngingiti akong wala naman dapat ikangiti. Ma-misunderstood pa ng paring katabi ko. Pinarada ko ang kotse ko sa paradahan ng simbahan. Bumaba ako at nag-obserba sa paligid. Nahagip pa ng mata ko ang isang tauhan namin sa hindi kalayuan. Maaasahan talaga sila sa trabaho nila. Malamang ang isa ay nagbabantay sa bahay ni fiery priest. "May tao ba sa loob?" tanong ko nang mapatingin ako sa loob ng simbahan. "Meron pero kaunti lang. Makakakilos tayo ng matino." Nauna siyang maglakad kaya ako naman ngayon ang sumunod. Mukhang kailangan ko nang maghanap ng bagong dadaanan papasok para makapunta sa ginto. Every time kasing papasok at dadaan ako sa harap ng simbahan ay parang hindi ako bagay rito. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at sumabay ng paglalakad kay Father Josiah. Alam kong alam niya rin naman kung nasaan nakatago ang mga ginto dahil nakita na niya ang vault noon. Nakarating kami sa taguan ng mga ginto nang walang nakakapansin. Mukhang nakuha na rin naman ni fiery priest ang susi para sa kwartong 'to kaya hindi na kami nahirapan. Mabilisan kong pinuntahan ang vault pagkapasok sa loob at hinintay si Father Josiah bago ilagay ang password. Ngayon ko lang din makikita ang mga ginto dahil hindi ko nagawang tingnan ito noon. Nawala na rin sa isip ko dahil sa dami ng unexpected things na nangyari. Na-eexcite ako habang unti-unting ni-re-recognize ng vault ang password na inilagay ko. Bumukas iyon at nagkatinginan kami ni fiery priest. It's time. Bumalik ang pagka-excite ko no'ng mga panahong ito pa lang ang iniisip ko. May hagdan pababa na maikli lang at kita naman agad ang sahig mula sa pwesto namin. Nauna akong pumasok pababa bago si Father Josiah. Napaikot ako ng tingin sa paligid pag-apak na pag-apak ko sa sahig. And what the actual f*ck?! "Holy sh*t!" mura ko at napatakip pa sa bibig ko. "P*cha namang mga ginto 'yan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD