Para akong nawindang dahil sa nakikita ko. At alam kong hindi lang ako nagulat. I don't know that my father owns all of this f*cking golds. Yes, mafia boss siya at malago ang negosyo kaya normal lang ang mga ganito. But to tell you frankly, my father also has lots of money stored in different private banks. Pero hindi na nga naman dapat ikagulat 'to. Nagulat lang talaga ako dahil ito ang unang beses na nakita ko ang mga ginto ni Dad. "Kanino nga ulit lahat ng mga gintong 'to?" "It's my Dad," sagot ko agad. Punong-puno ang bawat sulok at pader ng mga gold bars. Mga ilang hilera rin at patong ng gold bars ang nandidito. At may mga baul pa na ang laman ay puro gintong alahas. May malaki ring gintong buddha sa gitna. Hinawakan ko isa-isa lahat ng mga ginto at tinimbang sa kamay ko