Habang naghihintay kami sa loob ng kotse ay may biglang tumunog na cellphone.
"Ay pusanggala."
Napatingin ako sa likod at nakitang kinuha ni Tristan ang cellphone niya.
"Sagutin ko lang," paalam niya bago sinagot ang tawag. "Hello, Ma'am?... Yes po, naibigay ko na po sa mga pulis ang statement..."
Kung nagtataka kayo kung nasaan kami, nandito kami ngayon malapit sa club ni Rocky Hagashi.
Nasa loob kaming tatlo ng kotse ko at kanina pa nagmamasid sa paligid ng club na ito. Ala-singko na at nagsisimula nang tumanggap ng costumer ang club nila.
Kapansin-pansin din kung gaano ba kasikat ang Rock en Roll Club dahil hindi pa man lumulubog ang araw pero marami nang nagsisipuntahan dito. Ngayon mismo nakikita ng mga mata ko kung sino-sino ang mga nagsisipuntahan na costumer ng club na 'to. Kung hindi mamahaling sasakyan ang dala nila, mga mamahaling motor naman.
Kulang na lang may mag-helicopter kapag pupunta rito.
"Ang tagal naman lumabas ng taong hinahanap natin!" reklamo ni fiery priest na naiinip na.
Napairap ako.
Ikaw ang may gustong sumama, huwag kang nagrereklamo.
"Hindi lang naman 'yon ang pinunta natin. We are here to observe," I explained.
"Ngayon na po, Ma'am?... Sige po, papunta na po. Thank you."
Napasilip ako sa rear view mirror dahil sa sinabi ni Tristan.
"Hinahanap ka ni Sylvia?" tanong ko.
"Oo. Napaka-right timing ni ma'am inis. Kitang nag-iimbestiga kami eh."
"Sige na, umalis ka na. Baka may ipapagawa sa 'yo."
"'Yong nanay ng manager ng club na pinatay, nando'n kasi sa office. May sasabihin lang daw."
"Eh 'di pakinggan mo sasabihin para matuwa naman sa 'yo 'yong nanay," singit bigla ni Father Josiah.
"Ikaw talaga, Father. Akala ko matino kausap mga pari, nagkamali pala ako. Kailan matuwa ang magulang sa pagkamatay ng anak?"
Humarap si fiery priest sa backseat kung saan nakaupo si Tristan.
"What I mean is, if someone wants to talk to you, listen to them. Parang kaming pari na madalas tagapaghatid ng salita ng Diyos pero minsan ay nakikinig sa hinaing at kasalanan ng mga tao."
"Iba prinsipyo niyo, Father, iba rin sa 'min. Kung sa inyo ay nakikinig lang sa problema ng tao, kami ay naghahanap ng solution."
"Nagbibigay kami ng advice, Prosecutor Tristan."
Itinaas ko ang kamay ko para patigilan sila dahil nag-uumpisa na naman ang bangayan nila.
"Stop it both of you. Tristan, sige na, bumalik ka na sa office niyo."
Tumingin sa 'kin si Tristan at tumingin din kay fiery priest na nakatingin sa tapat ng bintana.
Nagpabalik-balik ang tingin niya sa 'min hanggang ako na ang mahilo sa ginagawa niya.
Hindi ko napigilan na batukan siya sa ginagawa niya.
"Aalis ka ba o aalis ka?"
"Babalik ako, Spent," sagot niya at lumabas na ng kotse ko.
Matapang na naglalakad si Tristan sa harap ng club at siniguradong hindi siya magmumukhang kahina-hinala.
Dadaan lang 'yan, hindi nag-iimbestiga.
"Spent, sabihin mo nga sa 'kin pa'no mo nakilala 'yang prosecutor na 'yan?" tanong bigla ni fiery priest.
Gulat man sa itinanong niya, sinagot ko pa rin siya habang nagmamasid sa paligid ng club ni Rocky Hagashi.
"Nagpakita lang siya isang araw sa hotel ko noon at nagpakilala. Sinabing kaalyado namin ang prosecution office nila at kaibigan siya ng pinsan ko."
Kita kong lumabas na ang ibang pumasok sa Rock en Roll Club dahil umalis na ang kotse ng mga 'to. Pero patuloy pa rin ang pagpasok ng mga tao rito.
Makita ko lang talaga ang manong na 'yon dito, kumpirmadong kasabwat siya sa nangyaring krimen.
Imposible naman na mag-quit siya sa trabaho at ang dahilan lang ay ang pamilya niya. Kahina-hinalang umalis siya sa trabaho pagkatapos ng pagpatay sa manager ng Fantasia Club.
"Tapos pinagkatiwalaan mo na siya?"
"Matagal bago ko napagkatiwalaan si Tristan. Inobserbahan ko ang kilos niya at nagtanong din ako sa tatay ko kung kaalyado ba talaga namin ang prosecution office nila."
Multi-tasking ang ginagawa kong pag-oobserba kasabay ng pagsagot sa mga tanong ni fiery priest.
Mabuti na lang at sanay na ako sa mga ganito.
Pero ang ipinagtataka ko lang ay bakit tinatanong ng paring 'to ang tungkol kay Tristan?
"Pansin kong may gusto siya sa 'yo. Bakit hindi mo siya nilalayuan gayong alam mo na gusto ka niya?"
Nawala sa Rock en Roll Club ang tingin ko at napunta kay Father Josiah.
"What? Dapat bang gano'n ang gawin ko? Dapat ba akong mailang gano'n kaya lalayuan ko siya? I'm comfortable with Tristan even he likes me. The feelings are not mutual though."
"Sa gano'n kasi ang ginagawa ng mga babaeng nakilala ko. Kapag nalaman nila na may gusto ka sa kanila, lalayo sila sa 'yo at magiging awkward."
"That's not in my vocabulary, fiery priest. Gano'n ba ang nangyayari sa 'yo kapag umaamin ka—"
"Hey! Hindi ako! Don't get the wrong idea, Spent! Ni hindi nga ako nanliligaw sa mga babae noong hindi pa ako nagpapari."
"Ah so mga lalaki trip mo noon?"
"Spentice!"
Muntik na akong mapatalon dahil sa sigaw niya.
"What the f*ck?! Hindi mo kailangan sumigaw!"
Ang lapit-lapit natin sa isa't isa kung hindi mo alam.
"No! Look! Kamukha siya ng babaeng nasa picture!"
May tinuro siya sa labas ng kotse kaya napatingin ako ro'n.
Nasa tapat ng club ang babaeng isa sa mga target namin at mukhang may inaantay.
Ang CEO ng shipping company.
"Ano bang pangalan niyan? Sheet of paper nalimutan ko."
"Shanaya Montemayor," sagot ko.
"Tama. Ang ganda ng pangalan pero ilegal ang gawain. Talaga nga namang nakakabulag ang pera."
Sa ibang taong mas gustong umangat ang buhay sa maling paraan. Hindi lahat kayang gumawa ng ilegal na gawain para sa pera.
Pansin kong tumitingin-tingin sa relo niya si Shanaya Montemayor at tumitingin din sa loob ng club.
"Lalo na syempre ang mga ginto niyo. Maraming masisilaw at gagawin talaga lahat ng gusto niyo."
I smirked. "Kapag ba binigyan kita ng ginto, tatanggapin mo at gagawin ang ipapagawa namin?"
Saglit akong napatingin kay fiery priest na marahas umiling.
"No, no, Spent! Huwag kang magkakamali. Loyal ako kay Lord, don't bad influence me. Ang Panginoon lang ang malakas sa 'kin."
Mahina akong napatawa sa sinagot niya.
Pero napatigil din nang makita kong may kausap na si Montemayor.
D*mn. Sabi ko na dapat ako na lang mag-isa ang nag-iimbestiga eh.
Nawawala ako sa focus dahil sa distraksyons sa paligid.
Lalaki ang kausap ni Montemayor at nakatalikod siya sa 'min kaya hindi ko makita ang mukha niya.
But I can see his tattoo. It's the tattoo mark of Nassoni Mafia. Pero wala 'yon sa pulsuhan niya dahil nasa batok niya nakalagay iyon. May iba pala silang miyembro na hindi sa pulsuhan nakalagay ang tattoo mark ng Nassoni Mafia.
Going back to Rocky Hagashi and Shanaya Montemayor, it's confirmed that they are really connected to them.
Natapos ang pag-uusap nila at sakto naman na may lumabas din na babae sa loob ng club at lumapit sa kanila.
"'Yong may-ari ng club na 'to, Spent!"
I know.
The two CEO's of their own business that destined to be taken down. Pababagsakin ko kayo isa-isa.
It's good to see them both today.
Pero hindi muna sila ang target ko ngayong araw.
Kaya pinagmasdan ko lang ang bawat galaw nila.
May limousine na huminto sa harapan nila at isa-isa na silang pumasok do'n. Umalis na 'yon nang makapasok silang lahat sa sasakyan.
Napasandal ako sa upuan at ikinalma ang isip at sarili. Pumikit pa ako dahil kanina pa kating-kati ang kamay ko na kuhanin ang baril ko at itutok na sa kanila 'yon ngayon.
Kung pwede ko lang mapatay sila agad ay ginawa ko na, kaso kasama ko pala ang paring malakas sa nakakataas. At ang paring nakuha akong ipangako na hindi papatay sa gagawin kong pagpapabagsak sa Nassoni Mafia.
"Iniwan ng may-ari ng club ang club niya?"
I sighed. "Malamang ay may right hand siya na kapalit muna sa kanya sa pagbabantay ng club niya."
"Ayos ka lang, Spent?"
Napadilat ako ng mga mata ko at tumingin muna sa harap ng Rock en Roll Club bago kay fiery priest.
"I'm fine."
Umayos na ako ng upo at kinuha ang cellphone ko. Ala-sais na ng gabi.
Ano'ng oras na pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang manong na hinahanap ko.
Kinuha ko ang zippo lighter ko at isinuot ang sumbrero ko.
"Diyan ka lang, Father," saad ko bago lumabas sa kotse.
Sinarado ko ang pinto at sumandal do'n bago nagsimulang ipatay sindi ang lighter na hawak ko.
Ganito ang lagi kong paraan para makapag-isip ng maayos o kaya ikalma ang sarili sa pagpatay sa kalaban.
Koneksyon pa lang sila pero gusto ko na silang patayin agad imbis na pabagsakin lang. Paano pa kaya kapag nakita ko na ang boss ng Nassoni Mafia?
Ibang usapan kasi ang patayin imbis na pabagsakin lang.
Killing with no mercy ang gusto ko bilang kapalit sa ginawa nila kay Father Jacob at ibang inosenteng taong dinamay nila. Pero tuwing nakikita ko si fiery priest ay nagugulo ang utak ko.
May kumatok sa bintanang sinasandalan ko mula sa loob.
Tinigil ko ang ginagawa ko sa zippo lighter at tumingin sa loob.
Binuksan ko ang pinto at sinilip si Father Josiah.
"Why?"
"Masyado ka nang nagtatagal, Spent. Baka makaligtaan mo na ang taong hinahanap mo," pagpapaalala niya.
Oo nga pala, ang manong na nagbabantay sa surveillance room ng Fantasia Club pala ang ipinunta ko rito.
Kailangan namin siya para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng manager ng club na iyon.
"Thanks for remin—"
Napatigil ako nang may mahagip ang mga mata ko. Ang lalaking papunta sa direksyon namin ngayon at ang taong hinahanap ko.
"Fiery priest. Pagkabilang ko ng tatlo, malakas mong buksan 'yang pinto sa gilid mo."
"Ano? Bakit?—"
"Isa..."
"T-Teka lan—"
"Dalawa..."
Nanatili lang akong nakasilip sa loob ng kotse pero nakapokus ang tingin ko sa manong na hinahanap ko.
At padaan siya ngayon sa gilid ng kotse ko kung nasaan nakaabang si fiery priest na buksan ang pinto.
"Tatlo!" sigaw ko at malakas na binuksan ni Father ang pinto.
"Oy fudging sheet of paper! Tao ba 'yon?!"
Dali-dali akong lumapit sa manong na solid na tinamaan ng pinto dahil namimilipit siya sa sakit ngayon.
"Argh... P*ta!" daing niya
"Nako, sorry manong. Halika dadalhin ka namin sa hospital."
Lumabas si fiery priest sa kotse at tinulungan akong itayo si manong at ilagay sa backseat.
"Sa susunod tingnan niyo muna kung may dadaan ba bago kayo magbukas ng pinto."
Kinuha ko ang posas na nakalagay sa bulsa sa likod ng passenger seat.
Kinabit ko ang isa sa kamay niya at ang isa sa handle na nasa taas ng pintuan kotse.
"Hoy?! Ano 'tong ginagawa niyo?! Bakit niyo ko pinoposasan?! Sino kayo?!" sigaw niya na may nanlalaking mata at nagpa-panic na.
Kumuha ulit ako ng isa pa at ipinosas naman sa dalawang kamay niya.
Walang takas.
"Sa susunod tingnan mo muna kung sino ang nakasalamuha mo para 'di ka nagugulantang," saad ni Father Josiah at tinapalan ng duct tape ang bibig ni manong.
"At saan mo nakuha 'yan?" tanong ko nang makitang may duct tape siyang hawak.
"Nadala ko pala."
Napangiti ako dahil napabilib na naman ako ni fiery priest.
Akalain mong ready rin pala ang paring 'to?