SATFP: Chapter 15

1773 Words
Gumising ako ng maaga para ikutin ang labas ng nag-iisang malaking simbahan dito sa Sta. Lazero. I slept while thinking about the escape plan of the golds. Malapit-lapit ko na ring makita ang mga ginto ng tatay kong nandito lamang sa loob ng ilang taon. How many golds are there? Are they heavy? Gaano kaya kalaking halaga sa pera ang mga ginto ng tatay ko? Thinking about it makes me want to end this personal mission of mine real quick. Makakaburaot ako ng mga ginto nang hindi nalalaman ni Dad. Sigurado naman ako na hindi na niya alam kung ilang ginto ba ang mayro'n siya. Pero ilang ginto nga ba ang nasa baba ng simbahan na 'to? Kahit alam ko na kung pa'no mabubuksan ang ginawang security ni Dad ay hindi ko basta-basta na lang puntahan ang kinalalagyan ng mga ginto. Right timing is needed again. Kaya nag-iisip muna ako ng paraan kung pa'no ko mailalabas ang mga ginto bago ko sabihin kay Father Jacob ang magiging plano ko. Nasa kanang gilid na ako ng simbahan at wala akong makitang pintuan man lang dito. Nasa harap lang ang meron kung saan ang main entrance nila. Makakahanap kayo ako ng paglalabasan ng mga ginto rito sa simbahan? My Dad really has the guts to challenge me and giving me a hard time. I mean, he can actually do this mission because from the start, siya naman ang naglagay ng ginto rito. Siguro naman may naiisip siyang paraan kung paano mailalabas ang mga ginto dahil nagdesisyon siyang dito ilagay ang mga 'yon. He can't make his tons of work as a mafia boss to be his excuse. We can exchange position in a short period of time. Like me being a mafia boss and handling his work while him focusing on the golds. That is exciting! Mafia works never disappoints me, it gives me thrill and happiness everytime I'm doing one. Pero ano nga bang magagawa ng reklamo at suggestion ko ngayon kung nandito na rin naman ako? Mas mabuting ituloy na ang paghahanap ng- "Ano'ng ginagawa mo?" "Che diavolo?! (What the hell?!)" sigaw ko at napatayo agad. "What?! Ano na namang pinagsasabi mo?! Minumu-" "Stop, stop! Hindi kita minumura kung 'yon ang iniisip mo. 'Tsaka bakit ka ba kasi biglang nanggugulat?!" "Eh ano ba kasing ginagawa mo at parang gusto mo ng halikan ang lupa?" Napaikot ako ng mga mata ko. What the f*ck is he thinking? Ako? Hahalikan ang lupa? Disgusting sh*t. "Hindi ba pwedeng may hinahanap lang?" bulong ko. Na naghahanap lang ng pwede labasan ng mga gintong nasa ilalim ng simbahan niyo. "At ano 'yang hinahanap mo?" tanong niya na mukhang narinig ang binulong ko. "Wala ka na ro'n, fiery priest." Lalagpasan ko na sana siya nang humarang siya dadaanan ko. Nakataas ang isang kilay at naka-cross arms siya habang nakatingin sa 'kin. Ano na namang problema ng paring 'to? Ginaya ko ang ginawa niya. Nag-cross arms din ako at nagtaas ng isang kilay. "Ano'ng karapatan mong magsinungaling sa isang pari?" Really, Father Josiah? Curious na curious ka talaga sa kung ano'ng hinahanap ko? "Pagsisinungaling ba ang tawag sa hindi pagsagot ng tanong mo, Father?" "Ang hindi pagsasabi ng totoo ay parang pagsisinungaling na rin." "Mukha bang hindi totoo ang sinabi kong may hinahanap ako at wala ka ng pakialam do'n?" "Para sa 'kin, OO." "Para sa 'yo 'yon hindi para sa 'kin." "Nasa teritoryo ko ikaw, Spent." "Wala akong paki sa kung ano'ng teritoryo meron ka." "What I'm saying is, matuto kang rumespeto-" "At matuto ka ring rumespeto sa salitang PRIVACY." "Huwag na huwag mong puputulin-" "Ang aga-aga naman para sa friends-enemies quarrel niyo, Father Josiah and Spentice." Sabay kaming napatingin sa ni fiery priest sa taong nagsalita at sumingit sa pagbabangayan namin. Kita ko si Father Jacob 'di kalayuan sa 'min na may mapang-asar na ngiti at may kasama siyang isang sakristan. "Father Jacob!" tawag ni Father Josiah at lumapit sa kanila. "Kanina pa kita hinahanap, Father Josiah, sa'n ka ba nagpupupunta?" tanong ni Father Jacob. "Pasensya na, Father. May sumagabal kasi sa paglalakad ko," sagot naman ni fiery priest at tumingin sa 'kin. Napaismid ako. Is it my fault na pinansin-pansin mo ko at ang ginagawa ko? "Hindi bale, ito pala ang magiging under mong sakristan. Ikaw na bahalang mag-train sa kanya at siguraduhin mong aayusin mo ngayon, Father Josiah." Napakamot sa batok niya si fiery priest bago tumingin sa sakristan. "Tara-ay teka." Inakbayan niya ang sakristan at aalis na sana pero nakuha pang tumingin sa 'kin. "Hoy, Spent. Hindi ka pa aalis? Nag-eenjoy ka ba sa simbahan? O magsisimba ka kaya ka nandito?" I rolled my eyes once again. "Ang dami mong tanong!" singhal ko sa kanya. "Aba't! Sinisigawan mo ang isang pari?!" Lumapit siya sa 'kin kaya lumapit din ako. Ano'ng akala niya, aatrasan ko siya? No way! "Hephephep! Itigil niyo na 'yang dalawa," saad ni Father Jacob at pumagitna sa 'ming dalawa. "Siya kasi, Father, eh!" "He's the one who start this, Father Jacob!" Hindi ko talaga maintidihan ang ugali nitong ni Father Josiah. Paiba-iba. Minsan okay naman siyang kausap kaso madalas gumagana ang pagka-hot tempered niya at palasagot na bunganga. Magugulat ka na lang bigla sa ugaling ipapakita niya sa 'yo sa bawat araw. If ever he needs my help again, I swear I will definitely not help him! Father Jacob sighed. "Tama na 'yan. Walang magagawa 'yang sagutan niyo. Itigil at para kayong mga bata, nakakahiya sa bago nating sakristan. Father Josiah..." I saw how fiery priest clenched his jaw. "Tss," he hissed. Kanina pa talaga nangangati ang mga kamay kong suntukin ang paring 'to eh. Just one punch, I'll be satisfied. Tumalikod na siya sa 'min at pinuntahan na ang sakristan. "Let's go," yaya niya sa sakristan na sinunod naman siya agad. "Ano nga pangalan mo?" "Caston Madrigal po." "Okay. Simula ngayon ikaw na ang magiging assistant ko." "Yes po, Father." See! See that fiery priest! Ang bilis magbago ng ugali! Kanina lang inis na inis siya tapos no'ng humarap sa bago nilang sakristan biglang bumait. Is he fooling me around? What a professional punk! "Spentice..." Napatingin ako kay Father Jacob na kalmadong nakangiti sa 'kin. "Father?" "Kalmahan mo lang. Masasanay ka rin sa ugali ni Father Josiah." "It's okay, Father Jacob. Hindi rin naman ako magtatagal dito once na tuluyan ko ng mailabas ang mga ginto." "Kaya ka ba nandito para humanap ng daan kung saan ito mailalabas?" "Yeah... Pero mukhang bukas ko na lang ipagpapatuloy, Father. Baka makita na naman ako ni fiery priest." Tumawa siya na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "Hindi ko talaga alam kung bakit hindi kayo magkasundo ni Father Josiah. Mabait naman siya at alam ko rin naman na mabait ka." Si fiery priest mabait? Siguro dahil tumutulong siya sa pagbabawas ng kriminal dito sa bansa. Pero kahit gano'n, hindi pa rin magbabago sa 'kin ang ugali niya. But me? Marami nang nagsasabi na mabait ako pero tingin ko nagkakamali sila. Kaya nagkakamali ka sa pagkakakilala mo sa 'kin, Father Jacob. Mali rin ang pagkakakilala mo sa tatay ko, sa pamilya namin. "I think it's because we both born to become enemies," I answered. "Hayaan mo, gaya nga ng sabi ko sa 'yo, masasanay ka rin sa kanya." I forced a smile. It would be better if we don't run into each other anymore. I must keep my distance away from him. Siya kasi ang tipo ng paring nagpapakulo talaga ng dugo mo at mai-stress ka lang kapag sumagot ka pa sa kanya. "Siguro nga po," sagot ko na lang. "Sige po, Father Jacob, mauna na po ako. Babalitaan ko po kaya agad sa mga naisip kong plano." Tumango siya. "Mag-iingat ka, Spentice." Kumaway ako kay Father bago siya lagpasan at umalis na. I'm using my motorbike now kaya siguro mag-iikot-ikot muna ako. Maganda rin 'to dahil pwede akong makakuha ng lead tungkol sa nagtangkang pumatay sa 'kin no'ng nasa dating hotel ako. Naisantabi ko saglit 'yon at nawala sa isip ko dahil sa mga nangyari pero buti at naalala ko ngayon. Did I say that I'll kill whoever that b*tch is without mercy? Siguraduhin lang niya na nagtatago siya ng maayos dahil kapag nahuli ko siya, magpapaalam na siya sa mundo. Dahil wala naman akong idea sa kung sino ang taong 'yon at ano ang itsura niya, I think I can get a lead by finding the place where he/she shoot. Alam ko kung gaano kalayo ang range ng ginamit niyang sniper based on the bullets. I examined it and he's using a Steyr SSG 69 with a range of 800 meters. I think I need to have a photocopy of the map of Sta. Lazero in order to know the exact location of the shooter. Pupunta na sana ako sa municipal office para maghanap ng mapa ng buong siyudad nang may tumawag sa cellphone ko. Kaagad ko 'yong sinagot gamit ang bluetooth earphone ko. "Yes?" [Spent, na-retrieve na nila ang mga files. And your hacker's team already emailed it to you.] "That's good. So? Can it be a strong evidence?" [Of course! Thanks for your help, boo—I mean, Spentice! Sa susunod ulit, ciao!] "Hey, Tristan! You f*cker—Tristan!" That idiot! He just hang up on me! How dare he! Nakapakabig ako ng manibela para umikot pabalik sa hotel. I need to check the files inside that three bastards' laptop immediately and find out their plans. Maybe, ruin it after. Pagkadating ko sa hotel room ko ay agad kong binuksan ang laptop ko at tiningnan ang email ko. They send me all the files with detailed information. Nice work from my team, as expected. Isa-isa kong binuksan ang mga files. It's all about the summary of their business and their business proposals. A business with full of exporting and importing illegal drugs and firearms. Another files is all about their casino project. I think they will use the casino as their hideout and black market of the drugs and firearms. It's a nice plan for illegal business coming from those three old mans. And I'm wishing them a goodluck because me, myself, will bring their business down. Hindi pa nila nauumpisahan pero pababagsakin ko na. Kagagawan din naman ng mga makikitid nilang utak. Kinalaban-laban nila ako na hindi nila alam kung ano'ng kakayahan ko. Well, except for Mr. Risson who already experience the taste of my merciless. While checking the files, I felt something unusual to my room. Na para bang hindi lang ako ang nag-iisang tao rito sa kwarto. Something's wrong. Dahan-dahan kong sinarado ang laptop ko at humawak sa baril na nasa tagiliran ko. "Attack!" Sh*t! Mga kalaban!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD