SATFP: Chapter 16

1847 Words
Agad akong tumayo at napagulong palayo sa lalaking biglang sumugod sa akin na naka-all black at may takip ang mukha. Lumapit siya sa 'kin kaya hinanda ko agad ang depensa ko. I punched his stomach when he's about to make a move. Nanghina siya ro'n kaya agad ko siyang kinwelyuhan. "How did you get in here?!" I asked. He didn't answer my question instead he just whistled. Bullsh*t! Naramdaman kong may paparating at susugod sa 'kin mula sa likod kaya napabaril ako ro'n. Pero napaliko ang pagtama ng bala nang may kumabig sa kamay ko. Tumama 'yon sa nag-iisang ilaw rito sa loob ng hotel room ko. "Argh f*ck!" It's dark. I can't see anything but I adjusted my eyes. If other people weakness is darkness, mine is not. It's an advantage and strength to me especially in a situation like this. I am a well trained mafia boss daughter. Kinasa ko ang baril ko bago kumuha ng isa pang baril na nasa ilalim ng kama ko. Dahan-dahan ang naging pagkilos ko at mukhang nakatakas na 'yong isang nasuntok ko. Hide jerks. Hide as much as you want and once I find you, better be ready to face death. May nakita akong anino sa tabi ng bintana kaya agad ko 'yong binaril. I heard a loud thud after and a man lying down on the floor. You leave me with no choice. Spentice Viglianco evil side is on again. One down. I wonder how many of them did get in here? And how did they f*cking get here? Pinakiramdaman ko ang paligid habang naglalakad sa buong kwarto. I sensed someone is on my back that's why I gave my full force kick on him. "Ah!" And pull the trigger right in his head. Quick death is what I want. Two down. May magtatangka pa bang sumugod? "C'mon! Stop hiding and fight me!" sigaw ko. What I really hate is hiding. They came all the way here just to hide instead of fighting with me to death. I didn't let my guard down because my gut feel says that there are still enemies around. "Hey! Let's end this!" sigaw ng kung sino. Napalingon ako sa likod ko at may nakitang tatlong tao ro'n. Kahit na madilim ay kitang-kita ko pa rin sila. Hindi ako nagbubukas ng bintana at dark color pa ng kurtina ang nakatakip dito. Kaya pabor sa 'kin ang pakikipaglaban dito sa loob kahit pa maaga pa lang. Madilim kung madilim. Ito kasing mga tatanga-tangang tao na 'to, susugod-sugod kung kailan umaga at gising ako. Dapat sumugod sila sa gabi na natutulog ako at hindi nakahanda. But I'll never let that happen. No one can defeat the girl named Spentice Viglianco. "Three versus one? Okay. But first, tell me who the hell sent you here?" "We're not going to tell. Guys!" Sabay-sabay silang tatlo na naglabas ng baril at bumaril kaya nagtago ako. Nagpapalitan kaming nagpapaputok ng baril at pansin kong lumalapit na ang isa sa kanila. Trying to take the chance while the others are keep on shooting, huh? Hula ko nang pagkatapos ng engkwentrong ito ay magulo na naman ang kwarto ko at babayaran ko na naman lahat ng nasira rito. Mukhang kailangan ko na nga talagang maghanap ng paglilipatan at hindi lamang sa isang hotel. Maraming nagaganap at natutunton ako ng kalaban kapag nasa hotel ako. Sikat na sikat talaga ang pangalan at pagmumukha ko sa mga kalaban namin at ako lagi ang tina-target. Napasilip ako mula sa pinagtataguan ko sa lalaking lumalapit na banda sa 'kin. I jumped off from where I was hiding nang sa tingin ko ay abot ko na siya. Malakas kong hinampas ng baril ang ulo niya dahilan para mawalan siya ng malay. Agad ko naman siyang ginawang pansangga habang bumabaril ang kasamahan niya. Bumawi ulit ako ng pagbabaril at natamaan ang isa. It's time to confess, stupid jerks. Tinulak ko papunta sa nag-iisang buhay na lang sa kanila ang pansangga ko at tinadtad ng bala. Sinalo niya ang kasamahan niyang patay na. Wala pang isang segundo ay nakalapit na ko sa kanya at agad siyang pinaulanan ng suntok. Nabitawan niya ang baril niya at hindi na nakabawi. Sinandal ko siya ng malakas sa pader. "Tell me! Who sent you here?!" tanong ko ulit habang hindi pa siya pinapatay. Hindi siya sumagot na ikinainis ko. Sino nga bang tauhan ng isang kriminal ang aamin kung sino ang nagpadala sa kanila? Isa lang ang kilala kong babalikan ako dahil sa huling pagkikita namin. Si Mr. Risson pati na ang mga kasama niya. "Huwag mo nang itanong!" sigaw niya rin at naglabas ng kutsilyo. "F*ck!" Napalayo ako sa kanya pero hindi dahilan 'yon para tumigil sa laban. Sumugod ako sa kanya at malakas siyang sinipa. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niyang may kutsilyo. Binali ko ang kamay niya habang sinasakal siya ng isa ko pang kamay. "You still don't know me. Kaya huwag na huwag mo kong pagtatangkaang patayin." Umubo-ubo siya sa ginawa ko. "K-Kilala k-k-ka n-ng b-boss k-k-ko! S-S-Spentice," hirap niyang sabi. Binitawan ko ang kamay niya nang mabitawan niya na ang kutsilyo. Sinipa ko 'yon palayo bago kunin ang baril ko at itinutok sa kanya. "Who is your boss?" Mapait siyang ngumiti. "P-Patayin m-mo n-na a-ako! Ngayon na!" I smirked. "It's my pleasure." Kung ayaw magsalita, mas mabuting patayin na. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril dahilan para magtalsikan ang dugo. I'll gonna find whoever that boss is. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight. Nilibot ko 'yon sa buong kwarto at mukhang wala ng natitirang kalaban. Sinunod kong ilawan ang mga lalaking napatay ko. Lahat sila may mga takip sa mukha kaya isa-isa ko 'yong pinagtatatanggal. They are not familiar to me. Kinapa ko silang lahat pero wala rin akong nakuha kung kanino sila nagtratrabaho at sino ang boss nila. Wala ni isa man lang sa kanila ang may dala ng cellphone. Their boss really make sure not to leave any evidence about whoever he is. Smart move. Tumawag ako ng tauhan namin na nandito rin sa Pilipinas at inutusan na ligpitan ang mga kalat na nandito. I think I need to find another hotel again or maybe an apartment. Pumunta ako sa CR at naghilamos. Tinanggal ko ang mga dugong tumalsik sa 'kin. May bago na naman akong ha-hunting na mga kalaban. Magkasama kaya ang unang nagtangka sa buhay ko at ang ngayon? Iba talaga ang kamandag ng isang Spentice Viglianco. Palaging hinahabol at nahahanap ng mga demonyo. Lumabas ako ng CR at sakto naman na nag-ring ang doorbell ko. Lumapit ako sa pintuan at binuksan 'yon ng kaunti. "Signora," bungad ng tatlong lalaki na tauhan namin at pinapunta ko rito para ligpitin ang mga kalat. Binuksan ko ang pinto ko at pinapasok sila. Walang sali-salita nilang pinagkukuha ang mga katawan at pinagsama-sama. "Bury them or much better, burn them. I want no traces left behind," I said. "Understood, Signora. Clean work, job well done." "Good. Clean the mess and I'll pay you later. Stay here when you finish your task, I'll return after a few minutes." Kinuha ko ang susi ulit ng motorbike ko at kumuha ng bag para lalagyan ng laptop ko. I will not risk my laptop because it contains all my files, enemies files, and the mafia files. It's very important. Mas mabuti nang nag-iingat kaysa sa nagpapakampante. "Yes, Signora. We'll take care of this." Sumaludo sila sa 'kin na tinanguan ko lang. Our mens are trustworthy. Kaya iiwan ko na sa kanila ang pagliligpit sa mga taong mga walang utak na nagtangkang sugurin at patayin ako. Lumabas na ako ng hotel at sumakay agad sa motorbike ko pagkadating sa parking. Balak kong sugurin si Mr. Risson kahit na hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Pakiramdam ko kasi may kinalaman siya sa mga taong sumugod sa 'kin. Na siya ang nag-utos sa kanila kahit na wala akong ebidensya na siya nga o sila nga ng mga kasama niya. Let me hear it from him that he has nothing to do with it. In that way, I'll believe a loser like him. While driving, I called Tristan. Tatanong ko lang kung ano'ng pangalan ng company ng iniimbistigahan niyang kaso. It can be a lead to me to Mr. Risson. And to check on him, dahil baka hindi lang pala ako ang sinugod. [Spent, bakit?] "Are you okay? I mean... wala bang sumugod sa 'yo? O pinagtangkaan amg buhay mo?" I directly asked. [What? Why? As of now, wala pa naman. Safe pa naman ako at okay lang ako. Did they came—] "No. I'm just asking and checking on you." Thankfully you're fine, Tristan. Hindi ka nila binalikan. [Oh sh*t, my heart. Thank for your care, boo.] Pero tingin ko dapat kong bawiin ang sinabi ko. Masyado ata niyang binigyan ng kahulugan 'yon. "Stop smiling and thinking some unrelated things, Tristan. And stop calling me that disgusting nickname." Kahit hindi ko siya nakikita, na-iimagine ko na kung ano'ng itsura niya ngayon pa lang. [Psh. Panira. But I'll still continue calling that nickname. It's cute just like you plus pretty and confidence overload,] he said with full of happiness. I scoffed. Eh kung bigyan ko kaya 'to ng patikim na suntok at sipa? Idiot. "Whatever. Anyway, tumawag ako para itanong kung ano'ng pangalan ng company ng taong iniimbistigahan mo. Send me the address also. I need it asap. Thanks." [Para—] "Just send it now!" [Okay, okay, ito na! Kalma ka lang, Spent.] I rolled my eyes. "Sige na, bye." Pagkababa ko ng tawag ay agad namang may nag-pop up na message sa cellphone kong nasa cellphone holder. The company name and the address of it. Pinaharurot ko ang takbo ng motor ko para puntahan 'yon. I badly want to see Mr. Risson and kill him right away kung siya ang nasa likod ng pagsugod sa 'kin. Well, he has a motive to do it because of his revenge for me. Dire-diretso lang akong nagmamaneho at mabilis na sumisingit sa mga sasakyan. Better to be hurry in order to find Mr. Risson on time. And he better ready his explanation. Dahil tatadtarin ko siya ng mga tanong at baka bala na rin. We'll never know. Sa mga nangyayari ngayon, kinakailangan ko nang kumilos para hanapin ang mga nagtangkang pumatay sa 'kin. At baka sila pa ang maging dahilan na hindi ko magawa agad ang misyon ko sa mga ginto. Malapit-lapit ko ng ilabas ang mga ito at maidala sa Italy kaya kinakailangan kong mag-ingat lalo. Kinakailangan ko ring mahanap ang mga taong nasa likod ng pagtatangka sa buhay ko dahil ako mismo ang kikitil sa mga buhay nila sa lalong madaling panahon. Just give me a lead, then everything will be merciless. Habang bumabyahe ako ay madadaanan ko na naman ang simbahan na kung saan may nakikita akong pari na tumatakbo. Napapreno ako bigla nang dire-diretso siyang tumakbo sa kalsada at hinarangan ang dinadaanan ko. Dahil nga sa bilis ng takbo ko at napapreno ako bigla ay umangat ang likurang bahagi ng motorbike ko. "Spent..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD