SATFP: Chapter 17

1529 Words
Inangat ko ang face shield ng helmet ko. Ano na namang kailangan sa 'kin ng paring 'to at humarang pa sa dinaraanan ko? "What?" Mabuti na lang at nasa gilid ako ng kalsada kaya wala kaming nasasagabal na inang sasakyan. "Kailangan ko ng tulong mo." Na naman?! At tignan mo nga naman 'tong fiery priest na 'to. The last time I check, we we're not in good terms. Sinigawan at inaway niya ako kaganina tapos ngayon? Malumanay na siyang magsalita at hindi na galit. And he's asking for my help? Sa pagkakatanda ko rin sinabi kong hinding-hindi ko na siya tutulungan at itataga ko 'yon sa ngalan ng mafia namin. "Sorry but my schedule is already full. Actually, papunta na nga ako sa meeting place ng ka-meeting ko," I lied at niliko ang manibela pero humarang na naman siya ro'n. "Saglit lang 'to, promise. Ihatid mo lang ako—" Itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya. "Alam kong marunong kang umintindi, fiery priest." "Of course! But it's urgent! Sakto naman kasing nakita kita rito at motor mo pa ang gamit mo. Mas mabilis akong makakapunta kapag 'yan ang gamit." Umiling ako. "Eh 'di bumili ka ng motor mo para may magamit ka. Kaya mauuna na ako sa 'yo." Niliko ko ulit ang manibela pero matigas talaga ang ulo ng paring 'to at humarang ulit do'n. "Please? Sa hospital lang, Spent?" Now you're begging, Father Josiah? Baka bukas iba na naman ang ugali mo? Pero ano pa bang bago ro'n sa kanya? Tiningnan ko siyang maigi. Talaga bang nagmamakaawa sa 'kin 'tong si fiery priest para tulungan siya? I sighed. Okay! last na sana 'to at hindi na mauulit. "Fine, whatever. Angkas na. Tell me the location." Pagbigyan at baka isumpa akong magkaroon ng immortality. O kaya walang tumanggap sa 'kin kapag namatay ako. "Yes! Thank you, Spentice!" Umangkas na siya sa likod kaya binaba ko na rin ang face shield ng helmet ko at nag-umpisa ng umandar. "Sa main hospital ng Sta. Lazero," saad niya habang nasa byahe. "Sa tingin mo alam ko kung saan 'yon?" pagtataray ko. "Eh 'di ituturo ko na lang. Napaka-high blood mo naman." I smirked at hindi na sumagot sa kanya. Ngayon alam mo na pakiramdam kapag may kinakausap kang tinatarayan at sinisigawan mo? Alam kong hindi lang ako ang naiirita sa tuwing umaandar 'yang pagka-hot temper mo at naninigaw na parang galit. Wait. Baka ako lang ang naiirita kasi 'yong iba mukhang bumibilib at nai-in love pa sa kanya kapag gano'n ang mood niya. Nagmumukhang hot kasi si fiery priest sa mga babae tuwing lumalabas ang pagka-hot temper niya. Kahit ano'ng edad, nagiging crush ang paring 'to. Lakas ng dating. Pero hindi para sa 'kin. He's still the rude attitude priest I met accidentally. Tinuro niya ang daan papunta sa hospital na pupuntahan niya. Hindi ako nagsasalita at tumatango lang tuwing nagsasalita siya sa direksyon ng hospital. I don't know kung ano'ng urgent ang sinasabi niya at kung sino ang pupuntahan niya rito. I'm not curious also. Nang makarating kami sa hospital na sinasabi niya ay itinigil ko ang motor sa tapat ng Emergency building. "Thank you, thank you, Spent! Babawi ako huwag kang mag-aalala!" saad niya nang makababa siya at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng hospital. Mukhang nagmamadali siya, nadadapa-dapa pa habang tumatakbo. It's really an urgent. Handa na sana akong umalis at puntahan ang kompanya ng isa sa kasama ni Mr. Risson no'ng nakaraan nang may nakita ako. Exactly the person I'm looking for. Si Mr. Risson na kakalampas lang sa entrance ng Emergency building. "Hey, Mr. Risson!" sigaw ko na mukhang hindi niya narinig. D*mn it! Bumaba ako sa motor ko at tinanggal ang helmet ko. Hinagis ko 'yon sa guard na nakabantay sa labas. "Pakiparada, I'll pay you later. Thanks!" I said at tumakbo rin papasok sa loob ng hospital. Sinundan ko ang daan na dinaanan ni Mr. Risson. Sh*t! Where did he go? I'm sure na siya ang nakita ko at dito siya dumaan. Pero ano bang ginagawa ng sira ulong 'yon dito sa hospital? He doesn't even know how to speak Filipino language. Nakuha pa talaga niyang mag-stay rito sa Pilipinas kahit na nakuha ko na ang mga plano niyang buhayin ulit ang mafia niya. Ang mafia niya na rito sa Pilipinas niya itatayo. Pumunta ako sa nurse area at nagtanong. "Is there someone named Risson here?" F*ck! I don't even know his full name. Apelyido niya lang ang alam ko. "Wait po, Ma'am, check ko po." I nodded. The nurse check the name in her computer. I know he's not a patient in here kaya hindi ko alam kung meron bang pangalan na gano'n sa list nila. "Sorry po. Wala po kaming pasyente na Risson, Ma'am." I knew it. D*ng! I smiled at her. "Okay, thanks." Umalis na ako ro'n at sinimulang libutin ang loob ng hospital. Dumaan pa rin ako sa natatandaan kong dinaanan ni Mr. Risson. I'm catching Mr. Risson for being my prime suspect from what happened earlier. Once he cleared his name, I'll stop suspecting him of course. But I need a concrete evidence that he's nothing to do with it. Habang tumatakbo ako at naghahanap sa kung saan-saan, biglang may sumagi sa isip ko. Right. CCTV is the one I need to see para sa madaling hanapan. Why would I waste my time if today's era is full of technologies? Sakto naman na may nadaanan akong floor plan na nakadikit sa pader. Agad ko 'yong tiningnan at hinanap kung saan banda ang surveillance room nila. It's on fifth floor. Left side, pang-apat na kwarto. "Nice," wala sa sariling saad ko. Tatakbo na sana ulit ako para puntahan ang surveillance room ng hospital nang may mahagip na naman ang mga mata ko Idagdag pa na may narinig akong pamilyar na boses. "Nagising na po ba siya? Sigurado kayo?" Bukas kasi ang pintuan ng kwarto kaya nakikita ko ang nangyayari sa loob. Isa lang ang pasyente rito pero may tatlong doctor at tatlong nurse sa loob. At may isa ring pari. "Yes, awhile ago but he's not saying anything." "Dumilat lang siya? Naiintindihan niya ba kayo? Sumasagot ba siya?" "We did test him kung naiintindihan niya ba kami at kung alam niya kung nasaan siya. But he didn't answer our questions. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana." "Wala siyang sinabi o ginawa man lang?" "Sorry to say this but we think that he's not yet recovered and he has loss of speech. It may be temporary na hindi niya tayo naiintindihan at ayaw niya lang sumagot. We'll try our best to get a response from him, Father. For now, we will run some test on him to check his condition." Napahilamos ang padre sa mukha niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ng pasyente. From his back, I can see what he feels. "Thanks, Doc. Please update me for the result and when he wakes up again." "Don't worry, Father, he will be okay." "We will do our best for his fast recovery." "God is with you, Father. I know na hindi niya pababayaan ang kuya mo." Pagpapakalma ng tatlong doctor kay fiery priest. "Maraming salamat sa inyo mga Doc. Pagpalain kayo nawa ng Diyos," saad ni Father Josiah at ngumiti sa kanila. Lumabas na ang mga doctor at nurse sa kwarto at isinarado na ang pinto. Naiwan si fiery priest sa loob kasama ang pasyente. Napatingin ako sa nakalagay na pangalan ng pasyente sa labas ng kwarto. 'Joseph Avalon' Kung sino man ang taong 'to, sigurado akong mahalaga kay fiery priest 'to. The way he runs quickly and in a hurry just to see him. Tumingin ulit ako sa floor plan ng hospital at do'n ko lang naalala kung ano nga bang ginagawa ko rito sa loob. Bullsh*t! Si Mr. Risson nga pala ay hinahanap ko! Aalis na sana ako at pupuntahan ang kanina ko pa dapat pupuntahan nang may narinig akong nagbukas ng pinto at tinawag ang pangalan ko. "Spent?" Napalingon ako sa kanya at awkward na bumati. "Oh, hi?" Baka sabihin ng paring 'to na sinusundan ko siya at curious ako sa kung sino ang sadya niya rito sa hospital; that is not true. This is a coincidence. Nagkataon at hindi sinadya, to be clarified lang. "Ano'ng ginagawa mo rito? May nakalimutan ka bang sabihin sa 'kin?" "Ahm... Ako? Wa-wala naman. Bakit?" "Eh bakit ka nandito? May dadalawin ka rin bang pasyente rito?" Meron akong pupuntahan at huhulihin pero hindi ko dadalawin. Bubugbugin ko lang hanggang sa umamin. "No, no, nagkakamali. Kakamustahin ko lang 'yong kakilala kong doctor, oo. Kaya mauuna na ko sa 'yo. Bye." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at umalis na pasakay sa elevator. Pinindot ko ang fifth floor at hinanda ang sarili sa pakikipag-debate. Alam kong hindi nila basta-basta ipapakita sa 'kin ang kanilang CCTV footage dahil confidential 'yon. Let me use my power as a mafia boss daughter. "Spentice, teka lang." May biglang pumigil sa pagsara ng elavator at nakita ko ro'n si Father Josiah. Hinila niya ang kamay ko palabas ng elevator na ikinagulat ko. Sh*t. Did he just hold my hand? What now, Father Josiah?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD