HANGGANG sa dinner ay dala-dala pa rin ni Serena ang inis niya, dahil nagpaiwan pala ang asawa niya sa Italy at pinauwi lang ang mga tauhan nito. For what? Ang alam niya ay kahit saan ito magpunta ay lagi nitong sinasama ang kanang kamay na si Allain, pero bakit ngayon ay pinauwi ito kasama ng iba pa? At ang gago ay nagpaiwan sa Italy nang mag-isa, then next week pa ang uwi?
Mas lalo yata nadagdagan ang inis ni Serena. Kaya naman hindi na niya tinapos pa ang kaniyang dinner at muli siyang umakyat sa master bedroom.
Pagkapasok ng kuwarto ay agad niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Harley na kapareho niya ring modelo.
“Yes, my dear Serena?” maarte nitong bungad sa kaniya pagkasagot ng kaniyang tawag.
“Mag-clubbing tayo tonight, sagot ko na lahat kahit magsama ka pa ng iba.”
Maarte naman natawa ang kaniyang kaibigan. “Wrong timing ka naman, dear friend. I'm sorry but I'm not available tonight, kasama ko kasi ngayon ang boyfriend ko. Narito kami sa kanilang private resort.”
Napairap na lang si Serena at hindi na sumagot pa, inis na lang niyang binabaan ng phone ang kaibigan.
Buntonghininga na lang siyang napaupo sa kama at naghanap-hanap sa contact list ng phone niya. Hanggang sa huminto ang pag-scroll niya sa number ng kaniyang bading na manager. Akmang tatawagan na niya ito, pero nauhan na siya nito sa pagtawag.
“Serena darling,” maarte nitong bungad pagkasagot niya ng tawag nito. “There is an offer for you to endorse a new brand of cosmetics in a short TV commercial, just a one-minute video. Ten milyon ang offer nila.”
“Sige, tatanggapin ko,” agad naman niyang pagpayag nang hindi na nagdalawang isip pa.
“Kaya lang, darling . . . may makakasama kang lalaking artista sa commercial. Is it okay with you?”
Sandali naman siyang natigilan. “Bakit, anong klaseng commercial ba ang gusto nila?”
“They have provided a sample script. I will send it to your email so you can review.”
“Sige.”
Agad naman pinasa ng manager sa kaniyang email ang sinasabi nitong script. Bale dalawang promotion pala ang mangyayari, restaurant and cosmetics: Mag-aapply ng cosmetics sa mukha ang babae sa loob ng 30 seconds, at makikipag-lunch sa isang fancy restaurant kasama ang isang lalaki na gaganap bilang boyfriend.
Sandali naman siyang napaisip kung tatanggapin ba niya ang offer o kailangan munang alamin kung sino ang makakasama niyang lalaki sa video, dahil sa totoo lang ay ayaw niyang magkaroon sila ng issue ng kaniyang asawa si Cyrus. Iniiwasan siyang magkaroon ng issue sa kahit na sinong makasama niya sa trabaho. Isa man siyang modelo, ngunit hindi alam ng lahat na kasal na siya. Pero mas mabuti na rin hindi alam ng mga tao, dahil paniguradong masisira lang ang career niya kapag nakunan ng litrato ang asawa niya kasama ang mga kabit nito.
Hinahangaan pa naman niya dati si Cyrus dahil nga na love at first siya rito sa una nilang pagtatagpo nang ipapakilala siya rito ng kaniyang ama.
Pero ngayon ay parang nawala na ang pagpapahalaga niya rito dahil sa mga kataksilan nito, ni hindi na siya ginalang bilang asawa.
“Alright, I will accept the offer,” buntonghininga na lang niyang usal matapos ang ilang minutong pagtitig sa script.
Sa huli ay napagpasyahan na lang niyang i-text sa manager na tinatanggap na niya ang offer. Naging masaya naman ito sa pagpayag niya at sinabing magkikita sila bukas para sa pagpirma na agad ng kontrata.
Balak pa naman sana niyang yayain ang kaniyang manager mag-clubbing, pero mukhang busy yata ito. At medyo mahigpit din ito kapag kasama niya, dahil bawal siyang uminom ng marami at bawal din sumayaw kasama ng mga customer sa club lalo na kung maraming lalaki, dahil nga iniingatan nito na baka makunan siya ng litrato at magkaroon ng issue kapag kumalat.
Kaya naman imbes na pumunta ng nightclub ay lumabas na lang siya ng bedroom at pumasok ng wine cellar. Kumuha siya ng isang bote ng mamahaling wine bago dumiretso sa wide terrace ng mansyon para roon uminom.
Pero pagdating niya sa terrace ay naroon ang ilang tauhan ng kaniyang asawa na kasalukuyang umiinom habang nagkukwentuhan, pero nang makita siya ng mga ito ay agad na napahinto at nagsikuhan, hanggang sa mabilis na nagsitayo at pinagdampot ang mga alak bago nagsialisan.
“Ikaw, maiwan ka rito,” agad niyang pagpigil sa huling lalaking tumayo mula sa kinauupuang sofa—na walang iba kundi ang kanang kamay ng kaniyang asawa, si Allain Chester.
Napahinto naman ito sa tangkang pag-alis at napatingin sa kaniya na may pagtatanong.
“Dito ka lang, gusto kitang kausapin,” she said.
Kaya naman hindi na lang ito sumunod sa mga kasama at nagpaiwan na lang, pero imbes na maupo pabalik sa sofa ay mas pinili nitong tumayo lang at hinintay ang kaniyang sasabihin.
Nagsalin naman siya ng wine sa glass at marahan itong inaalog-alog, nilanghap ang mabangong halimuyak bago sumimsim ng konti saka muling nagsalita. “Ikaw, Mr. Chester, sabihin mo nga sa akin, ano bang mga pinaggagawa ng boss mo kapag wala kayo rito sa mansyon?” tanong na niya at muli nang tumingin dito. “Gusto kong malaman.”
“Business, Madamé,” simple naman sagot nito habang nakatayo ng tuwid pero ang tingin ay nakatutok naman sa ibaba.
“Business? Are you sure?”
“Yes, Madamé.”
Napangisi na si Serena sa narinig na sagot, klase ng ngisi na gigil na dahil isang kasinungalingan na naman ang nakuha niyang sagot. Pero pinilit na lang niyang magtimpi at ngumiti na lang.
“Business, huh.” Tumango-tango siya at muling sumimsim ng wine bago ito muling inaalog-alog. “Gaano ka ba ka-loyal kay Cyrus?” she asked.
“Nakahanda akong mamatay para mapaglingkuran lang siya ng tapat at totoo, Madamé,” Allain answered confidently.
Sa narinig ay hindi na napigilan ni Serena ang matawa. “Talaga lang, huh. Nakahanda kang mamatay?”
“Yes, Madamé,” sagot ni Allain sa at nanatili pa rin itong blangko ang ekspresyon habang nakatayo nang tuwid.
“What if bilhin ko na lang ang katapatan mo? Sa akin ka na lang maging loyal imbes na kay Cyrus,” she offered with a sly smile.
Hindi na nakasagot pa si Allain.
“Sumagot ka kapag kinakausap kita, Mr. Chester.”
“Asawa ka ni boss. My loyalty to him is the same as my loyalty to you—because you are his wife,” he replied.
Napairap na lang si Serena at muling nakaramdam ng inis. Tiningnan na niya si Allain ng masama, pero hindi naman ito nakatingin sa kaniya dahil nanakatutok lang ang tingin ito sa baba kahit hindi naman nakayuko ang ulo.
Napatitig na siya, pinasadahan na niya ng tingin ang tauhan ng kaniyang asawa, at saka lang niya napansin na guwapo pala ito, matangkad at maganda ang pangangatawan. Kung titingnan ay di hamak na mas guwapo pa ito at hot kaysa sa mga kakilala niyang modelo.
Matagal nang kanang kamay ng kaniyang asawa si Allain, kahit noong hindi pa sila kasal ay tauhan na nito ito at kasama lagi kahit saang bansa pumunta. Ngayon lang talaga na nauna itong pinauwi na talaga namang nakapagtataka.
Napapaisip na tuloy siya ngayon na baka nakabuntis na pala ang kaniyang asawa at kaya ito nagpaiwan sa ibang bansa ay para maalagaan ang babaeng nabuntis nito. Sa isiping ganoon nga ang nangyari ay parang kinukurot na ang puso niya at parang gusto na lang niyang magwala sa galit. Pero sana huwag naman.
“Saan ka nga ulit galing, Mr. Chester?” muli na niyang tanong kay Allain. “I mean, saan ka nagmula bago ka naging tauhan ng asawa ko? Magkuwento ka kung paano kayo nagkakilala ni Cyrus at naging kanang kamay ka niya. Gusto kong malaman.”
“Magkakilala na kami since elementary. Nagtatrabaho dati ang aking ama sa kaniyang ama noong ito'y buhay pa,” diretso naman nitong sagot sa mahinahon na boses.
“Oh, so alipin ka na pala ni Cyrus noon pa?” She chuckled. “Poor you, napakaguwapo mo pero utusan ka lang. Ni minsan ba, hindi mo naisip kung ano ang magiging buhay mo kapag hindi ka niya naging tauhan?”
“Hindi, Madamé.”
She raised an eyebrow. “Ilang taon ka na nga?”
“Thirty, Madamé.”
“May girlfriend na?”
“No, Madamé.”
“May nakarelasyon na?”
”No, Madamé.”
“Oh, so you're so pure and innocent, huh.” She chuckled once more. “Magkasalungat pala kayo ng boss mo kung gano’n. But why? Bakit hindi ka man lang nagkaroon ng girlfriend? Bading ka ba?”
“No, Madamé. I am indeed a heterosexual male,” he responded confidently.
“Then bakit hindi ka pa nagkaka-girlfriend?”
“Wala pa ’yan sa isip ko, Madamé.”
“Oh, really? So, sinasabi mo bang wala kang balak mag-asawa?”
Natahimik na si Allain, hindi ito agad nakasagot, gayunpaman ay nanatili pa rin blanko ang ekspresyon nito at nakatutok pa rin sa baba ang tingin.
“Sumagot ka kapag tinatanong kita, Mr. Chester.”
“Sa ngayon, wala pa ’yan sa isip ko, Madamé,” he finally answered.
“Dahil mas gusto mong magpakaalipin muna sa boss mong hayok sa laman, gano'n ba?”
Muling natahimik si Allain at hindi na naman sumagot.
Napangisi lang si Serena at nilagok na lang lahat ng wine sa kaniyang glass bago nagsalin ng panibago. “Come here, drink with me, Mr. Chester,” aya na niya rito.
“I'm sorry but I can't drink with you, Madamé,” pagtanggi naman ni Allain.
Napahinto bigla si Serena sa pagsalin ng wine sa glass at umarko na ang kaniyang kilay, muling nag-angat ng tingin. “Tinatanggihan mo ang alok ko?”
Hindi na sumagot pa sa kaniya si Allain, pero nanatili pa rin ito sa kinatatayuan.
Kaya naman pinuno niya ang wine glass bago tumayo at huminto sa harap nito.
“Inumin mo ’to, inuutusan kita,” pagbigay niya ng glass na puno ng wine.
Napatingin naman sa glass si Allain. Parang ayaw pa nitong tanggapin, pero sa huli ay napilitan na lang itong tanggapin at diretso nang ininom.
Serena smirked. “Good boy,” paghaplos na niya sa pisngi ni Allain at muli nang bumalik ng upo sa sofa. “Diyan ka lang, samahan mo ako hanggang sa matapos akong uminom.”
Sumunod naman si Allain sa kaniyang utos, hindi ito umalis sa kinatatayuan nito.
Kaya naman napangisi na lang si Serena at nagpatuloy na lang sa pag-inom. Hanggang sa tuluyan na siyang tinaaman ng kalasingan at napagdesisyunan nang bumalik sa kuwarto para makatulog na. Pero pagtayo niya mula sa sofa ay parang bigla na lang umikot ang paningin niya, muntik na tuloy siyang matumba kundi lang may mabilis na bisig ang sumalo sa baywang niya.
Pag-angat niya ng tingin ay ang guwapong mukha ni Allain ang bumungad sa kaniya.
Nagtama ang kanilang mga mata.
Napatitig na siya sa mukha nito, at bigla na lang nag-play sa isipan niya ang mga suhestiyon ng kaniyang kapatid kanina nang mag-usap sila, na dapat ay huwag niyang ilugmok ang sarili niya sa lungkot dahil siya lang din ang kawawa, samantalang ang asawa niya ay nagpapakasaya sa iba.
“Allain Chester . . .” she murmured, her hand coming up to softly touch his cheek. “Wanna have s*x with me tonight?” she boldly asked, her words flowing freely from her lips fueled by the effects of alcohol.
Parang nabigla naman si Allain, sandaling dumaan sa ekspresyon nito na parang nagulat sa narinig, pero agad din namang iniwas ang tingin at maingat nang binitiwan ang baywang niya.
“I'm really sorry, Madamé. Maiwan ko na po kayo. Have a goodnight,” agad nitong paalam at hindi na siya hinintay pang makasagot dahil nagmamadali na itong umalis walang lingon lingon.
“Tsk. Asshole. Walang pinagkaiba sa boss niyang gago,” inis na lang niyang asik. At dahil nainis na ay diretso na lang niyang tinungga sa kaniyang bibig ang bote ng wine, hanggang sa tuluyan niyang naubos ang laman nito at bumagsak na siya sa sofa dahil sa kalasingan.