ALAS nuebe na ng umaga nang sunod-sunod na tumunog ang kaniyang cellphone, ang manager niyang bading ang tumawag.
“Serena, anong oras ka ba pupunta rito sa studio? 09:35 AM na, at may shoot ka pa ng 10 AM to 3 PM!” bungad na reklamo agad ng kaniyang manager pagsagot niya ng phone.
Hindi na siya sumagot pa at bumangon na lang kahit inaantok pa. Parang ang bigat ng pakiramdam niya, siguro ay dahil sa dami ng nainom niya kagabi.
Pumasok na lang siya ng bathroom at nagbabad sa bathtub. Ngunit habang nakababad siya sa loob ay bigla na lang niyang naalala ang pang-aaya niya kagabi sa tauhan ng kaniyang asawa.
“Shanel,” banggit na lang niya sa pangalan ng kapatid at napapikit para pakalmahin ang sarili.
Nakakahiya ang ginawa niya kagabi.
Ngayon hindi na siya lasing ay para siyang natauhan na hindi niya dapat sinabi ang gano'n. Ano na lang ang iisipin sa kaniya ni Allain Chester? At paano kung magsumbong ito sa boss nito? Hindi naman sa natatakot siya, pero hangga't kaya niyang tiisin ay titiisin na siguro muna niya. Magpapakamanhid muna siya, at baka sakaling wala na siyang mararamdaman pang sakit kapag napagod na.
Gusto niyang pagalitan ang kaniyang sarili. Hindi siya dapat nagpadala sa alak. Hindi pa naman niya napipigilan ang kaniyang sarili kapag nakainom.
After she had finished showering, she promptly dressed chosen her outfit for the day. She opted for a stylish white sleeveless jumpsuit with a flattering belt at the waist, complemented by elegant two-inch stilettos. To shield her eyes from the morning sun, she put on her favorite Dior white sunglasses.
Matapos mag-ayos ay lumabas na siya ng bedroom at bumaba ng staircase habang bitbit ang kaniyang Hermes bag.
Lumabas na siya ng mansyon at dumiretso sa parking lot. Pero nang akmang bubuksan na niyang pinto ng kaniyang kotse para makapasok ay nauna na siya ng tao sa kaniyang likuran at mabilis siya nitong pinagbuksan.
Napabaling naman ang tingin niya para makita kung sino ito. Ngunit muntik na niyang mahigit ang kaniyang paghinga nang makita na kanang kamay na tauhan ng kaniyang asawa, walang iba kundi si Allain Chester, ang lalaking inalok niya ng s*x kagabi nang malasing siya.
“Good morning, Madamé,” magalang nitong bati sa kaniya na bahagya pang yumuko.
Ngunit imbes na sagutin ito ay pumasok na lang siya sa backseat ng kotse at mabilis na sinara ang pinto. Kaya lang nagtaka siya na wala sa front seat ang kaniyang driver. May pagtataka man ay hinintay na lang niya sa pag-aakala na baka may kinuha lang ito saglit sa labas.
Ngunit napunta ang tingin niya sa driver seat nang pumasok si Allain at doon naupo.
“What are you doing?” kunot ang noo na niyang tanong dito.
“Ako na ang magiging driver mo simula ngayon, Madamé. Ibinilin sa akin ni Boss na samahan daw kita sa lahat ng lakad mo habang wala pa siya para masiguro ang kaligtasan mo,” he informed her respectfully.
Napapikit na lang siya sa narinig at hindi na nagreklamo pa.
Hanggang sa pinatakbo na ni Allain palabas ng gate ang kotse.
Katahimikan ang namayani sa kanila habang lulan ng sasakyan.
“By the way, whatever I said to you last night, please disregard it. Dala lang ’yon ng kalasingan ko. Kaya sana huwag mong seryosohin, isipin mo na lang na hindi mo ’yon narinig mula sa akin.”
“I understand, Madamé,” pormal na sagot ni Allain habang naka-focus lang sa pagmamaneho
Kahit papaano ay nakahinga na ang maluwag si Serena at binuksan na lang ang kaniyang phone. Saka lang niya nakita na marami na palang text message at missed call mula sa kaniyang manager.
Makalipas ang halos kalahating oras na biyahe ay huminto na rin ang kotse sa parking lot ng company building na pinagtatrabuhan niya, ang LM Entertainment.
“Huwag mo na akong sundan pa, manatili ka na lang dito at hintayin ang pagbabalik ko.”
“Copy, Madamé,” magalang na sagot ni Allain sa kaniya.
Hindi na siya nito sinundan pa nang pumasok na siya ng building.
Sumakay siya ng private elevator patungo sa 14th floor kung saan ang studio. Pagdating niya ay agad na siyang sinalubong ng kaniyang bading na manager at nasermunan pa dahil late na siyang dumating.
Katulad ng kanilang napag-usapan ay pumirma na nga siya ng kontrata para sa alok na endorsement sa kaniya.
Serena Ferare ang kaniyang full name, pero Serena Ramos ang gamit niya sa pagiging modelo. Kaya naman maliban sa kaniyang manager ay walang nakakaalam na isa siyang Ferare, anak ng isang pinakamayamang negosyante sa Pilipinas.
Matapos ang kaniyang photoshoot ay sinimulan na nga nila agad ang paggawa ng video para sa commercial, dahil dumating na rin ang makakasama niyang actor.
“May kissing scene daw kayo ni Flynn,” wika ng kaniyang manager nang lapitan siya habang kasalukuyang inaayusan.
“Kissing scene? Pero wala namang nakalagay sa contract na may gano'n, at wala rin 'yon sa script!”
“Mas okay raw kung may kissing scene. Pero hindi naman french kiss, bale smack kiss lang sa pisngi.”
Sandali naman siyang natigilan, hanggang sa pumayag na lang. “Sige, basta smack lang sa pisngi.
Napangiti naman ang kaniyang manager na si Fred a.k.a Freda. “Sure, dear. Alam ko naman na magagalit ang Papa Cy. Baka mamaya ay ako pa ang mapag-initan no’n.”
Napahinto bigla si Serena sa narinig, hanggang sa napangisi na lang nang may maisip. “No, Freda. I think mas okay kung kiss sa lips na lang kaysa sa pisngi.”
Namilog naman ang mga mata ng manager. “Sure ka, okay lang sa ’yo?”
“Yes, of course.” She nodded.
“Very well, Serena! Mas okay ’yon! Alright, I'll inform them.” Excited na itong lumabas ng dressing room.
Napabuntonghininga na lang si Serena at pasimpleng napatingin sa kaniyang phone. Pero ano nga ba ang inaasahan niya? Hindi naman tumatawag ang asawa niya kapag nasa ibang bansa ito, dahil nga busy sa pambabae, kaya hindi siya naaalala kahit tawagan man lang o i-text.
Matapos niyang ayusan ay sinimulan na nga nila mag-shoot para sa commercial. Mabait naman ang actor na nakasama niya. They kissed, pero smack kiss lang sa labi. Gayunpaman ay medyo naging uncomfortable pa rin siya dahil kahit smack kiss lang ay first time niya pa rin na humalik ng ibang lalaki at sa harap pa ng camera.
“Hindi kaya magagalit ang asawa mo na nakipaghalikan ka sa iba?” kinakabahan pang tanong ng kaniyang manager.
“Akong bahala sa kaniya,” sagot niya lang dito.
Dahil ang totoo ay gusto niya ring makita kung ano ang maging reaction ng babaero niyang asawa kapag napanood na nito ang commercial.
Matapos nila mag-shoot ay agad naman siyang nilapitan ng actor na nakasama niya.
“It's so nice working with you, Ms. Serena Ramos. Mas maganda ka nga pala talaga sa personal, totoong nakaka-starstruck ka,” papuri nito sa kaniya habang titig na titig pa rin na tila ba gandang-ganda sa kaniya.
“Thank you,” tipid niya lang sagot dito. Pero nang akmang lalabas na siya ng studio ay hinabol naman siya nito.
“May I have your contact number?” he inquired with a charming smile, blocking her exit. “I would love to take you out for dinner sometime.”
“I’m sorry, but I'm married.”
Nagulat ang lalaki nang marinig nito ang kaniyang sagot, bahagya pang bumuka-sara ang labi nito bago nagawang makapagsalita muli. “Oh, I wasn't aware. I thought you were single.”
“May asawa na ako,” ulit niya rito bago ito nilampasan na at lumabas na siya.
Dumiretso naman siya sa restroom dahil kanina pa siya naiihi.
Kasalukuyan na siyang nasa loob ng cubicle nang marinig niya ang pag-uusap ng dalawang babaeng staff na bago pasok ng restroom.
“Alam mo ba, sina Area Perez and Cyrus Morette are secretly dating! Nakunan sila ng litrato na magkasamang lumabas sa isang hotel room sa Rome, Italy!”
“Oh my gosh! Talaga? Cyrus Morette? You mean the CEO of Morce Empire?”
“Yes, siya nga!”
“OMG! Kaya pala wala rito sa Pilipinas ngayon si Ms. Area, may ka-date pala sa Italy. Pero hindi ba't married na ’yong guy? I heard he's already married to Chairman Clinton Ferare's daughter.”
“Iyon din ang alam ko. Kaya siguro sa Italy sila pasekretong nagkikita para hindi malaman ng asawa ni guy. Alam mo naman kapag arrange marriage lang, malamang hindi naman niya mahal ang asawa niya. Mambababae ba siya kung mahal niya?”
“Chaka siguro ang wifey niya!” Nagtawanan ang dalawang staff.
“Or baka divorce na. Sayang lang, ’di ba?”
“Pero karamihan naman sa mga married billionaire ay may mga mistress talaga ’yan sila, at mas mahal pa nila ang mistress nila kesa sa kanilang legal wife.”
“Exactly. Ang suwerte lang ng mistress, kasi isipin mo kahit kabit lang siya pero reyna naman ang turing sa kaniya ng lalaki at milyones ang binibigay sa kaniya.”
Parang nanginig si Serena sa mga narinig habang nasa loob pa rin ng cubicle. Hanggang sa mabilis niyang nilabas ang kaniyang phone at nag-search sa internet. Nang i-search niya ang pangalan ng kaniyang co-model na si Area Perez ay nakita niyang nagsikalat nga sa internet ang mga stolen shot kung saan makikita nga ang dalawa na pumasok sa isang hotel at nakayapos pa si Area sa braso ni Cyrus.
Nangilid na ang luha sa sulok ng mga mata niya at nanginig pati ang kaniyang labi. Ang kamay niya ay nanginig din pero humigpit na ang hawak sa cellphone.
“This asshole,” puno ng galit na niyang usal at tuluyan nang lumandas ang butil ng luha sa kaniyang pisngi.
Si Area Perez kasamahan niyang modelo at palaging kakumpetensya sa industriya ng pagiging modelo.
Parang gusto niyang magwala ngayon habang tinitingnan ang litrato nito kasama ng kaniyang asawa. Nakangiti pa ang dalawa na tila masaya habang papasok ng hotel.
Parang dumuble yata ang sakit ngayon kumpara sa mga naging ibang babae ng kaniyang asawa na puro foreigner. Pero bakit ngayon ay sa mismong kakumpetensya pa niya pumatol?
“No, Serena, don't cry. It's okay, titikman lang naman niya ang babaeng ’yon at aabandonahin din pagkatapos. Ikaw pa rin ang mahal niya, at sa iyo pa rin siya uuwi, dahil ikaw pa rin naman ang asawa niya,” mahina niyang pagkausap sa sarili habang pilit na pinipigilan ang paglabas ng kaniyang luha. Ngunit kahit anong pigil niya ay naiiyak pa rin siya sa labis na selos at galit. Nanggigigil pa rin siya. Nanginginig. Parang gusto niyang magwala at sabunutan ang lahat ng mga babae ng kaniyang asawa.
Pero bakit! Bakit pumatol ang kaniyang asawa sa kakilala niya at kalaban pa sa industriya ng pagiging modelo? Talaga bang gusto siya nitong ilubog pa lalo sa galit at kahihiyan? Ang baba na nga ng tingin niya sa kaniyang sarili, pero mas lalo pa yatang bababa ngayon.
“Walanghiya ka talaga. Wala kang kwentang asawa,” puno ng diin niyang wika habang sunod-sunod lang ang pagtulo ng luha at nakaupo lang sa toilet bowl.
Nang makaalis na ang dalawang staff ay saka lang siyang lumabas ng cubicle at sinuot na lang muli ang kaniyang sunglasses kahit pagabi na.
Hindi na siya nagpaalam pa sa kaniyang manager at lumabas na siya ng building. Sumakay na muli sa kotse kung saan si Allain na nakaupo lang sa loob at naghihintay sa kaniya.
“Uuwi na ba tayo, Madamé?” tanong nito sa kaniya pagkapasok niya sa backseat.
“Yes, but not to the mansion. Idiretso mo sa Tagaytay, doon sa rest house ko.”
Napahinto naman si Allain nang marinig nito ang kaniya pagsagot sa garalgal na boses. Pasimple na siya nitong tiningnan sa rearview mirror, pero dahil nakasuot siya ng sunglasses ay hindi naman nito makita ang luhaan niyang mga mata.
“What's wrong, Madamé? Are you all right?”
“Stop asking me! Just drive!” sigaw niya rito na hindi na napigilan pa dahil sa galit na sumisiklab sa loob ng kaniyang dibdib.
Parang nabigla naman si Allain, pero hindi na lang ito sumagot pa at pinatakbo na lang ang kotse paalis ng parking lot.