KABANATA 4

2009 Words
PAGDATING sa kaniyang rest house sa Tagaytay ay dumiretso agad si Serena sa swimming pool area at agad na hinubad ang kaniyang suot. Parang nagulat naman si Allain na nakasunod sa kaniya at mabilis na lang itong iniwas ang tingin, nagmamadaling pumasok na lang muli sa rest house at iniwan na lang siya nang mag-isa sa swimming pool. Suot ang red two-piece ay inabala ni Serena ang kaniyang sarili sa paglangoy sa swimming pool kahit gabi na. Pabalik-balik siya ng langoy, pero kahit ano pang gawin niya ay parang ginugulo pa rin siya ng mga nalaman niya kanina. Sumisiklab pa rin ang dibdib niya sa galit, naghihinagpis pa rin para sa taksil niyang asawa na hindi nagsasawa mambabae kahit may asawa na. Oras ang lumipas ay nanatili pa rin siya sa tubig. Hanggang sa hindi na nakatiis si Allain at muli itong bumalik. “Madamé, what would you like for dinner tonight?” he asked without looking directly at her. “No need, I am not hungry,” she casually replied, then plunged back into the swimming pool. Umalis din si Allain matapos niya itong sagutin, kaya muli siyang naiwan nang mag-isa sa loob ng swimming pool. Hapong-hapo na siya sa pagod saka niya lang itinigil ang paglangoy at umahon na mula sa tubig. Pumasok na siya ng rest house habang tumutulo pa ang tubig sa katawan at tanging panty at bra lang ang suot. Ngunit pagkapasok niya ay bahagyang nangunot ang noo niya nang hindi na niya mahagilap pa si Allain. Pero hinayaan na lang niya ito, hindi na niya hinanap pa, bagkus ay dumiretso siya sa basement kahit basang-basa. Pagdating siya sa loob ng basement kung saan naroon ang wine cellar ay agad siyang kumuha ng isang bote ng mamahaling wine, at pagbukas ay agad niya itong tinungga papunta sa kaniyang bibig at ininom na parang umiinom lang siya ng tubig. Dahil sa kalasingan ay nakatulog na siya nang nakaupo lang sa malamig na tiles at nakasandal sa wine rack. “Madamé! Madamé!” Hindi na niya narinig pa ang pagtawag ni Allain mula sa labas. Pero dahil sa patak ng mga tubig ay nasundan siya nito sa basement at parang nagulat pa ito nang makita siyang bagsak na sa kalasingan. Lumapit sa kaniya si Allain. “Madamé,” pagtawag nito sa kaniya at marahan pa siyang niyugyog sa braso para gisingin, ngunit umungol lang siya bilang sagot. Napabuntonghininga naman si Allain at binuhat na lang siya nito palabas ng basement. Dinala siya sa bedroom at doon marahan na pinahiga sa malambot na bago kinumutan kahit basang-basa. Isang buntonghininga pa ang kumawala kay Allain bago ito lumabas ng bedroom. Hatinggabi na nang magising si Serena. Nagising siya na inaapoy ng lagnat na pinaghalong lamig; mainit ang kaniyang buong katawan pero nanginginig siya sa sobrang lamig. “M-Manang . . . Manang . . .” ungol niyang pagtawag sa katulong, nakalimutan na kung nasaan siya. Walang sumagot, pero ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at pumasok si Allain. “Madamé?” tanong nito dahil narinig ang kaniyang pagtawag. Ngunit hindi na siya sumagot pa rito at umungol lang habang nanginginig sa lamig. Nangunot naman ang noo ni Allain at mabilis na lumapit sa kaniya. Mahina na lang itong napamura nang makapa siya at malaman kung gaano siya kainit. “M-malamig . . .” muli niyang ungol habang nakapikit ang mga mata at patuloy ang panginginig sa ilalim ng kumot. Akmang aalis na si Allain para kumuha ng kumot sa kabilang room, ngunit napahinto ito sa tangkang pag-alis nang yakapin niya bigla ang braso nito. “Stay with me . . . Please . . . stay . . .” she pleaded, her eyes still closed. Kaya naman imbes na umalis si Allain ay naupo na lang ito sa kama at hinayaan na lang siya sa pagyakap sa braso nito. “Madamé, may pagkain akong binili kanina sa labas, naroon na sa kitchen. Gusto mo bang kumain? Ikuha kita?” he asked softly. Ngunit imbes na sumagot ay sumiksik lang si Serena kay Allain at nilipat ang pagyakap sa hita nito. Napahinto naman si Allain at medyo nabigla, pero hinayaan na lang siya nito. Katahimikan na ang namayani, pero nanginginig pa rin si Serena sa ilalim ng kumot. Hanggang sa muli siyang kinapa ni Allain sa noo at leeg, pero gano'n pa rin, mainit pa rin siya. “Madamé, maiwan muna kita rito saglit. I will buy you some medicine outside,” paalam ni Allain at marahan na nitong binaklas ang kamay niya na nakayakap sa hita nito. Ngunit imbes na hayaan itong makaalis ay malakas niya itong hinila sa braso, dahilan para mapahiga si Allain sa kaniyang tabi, at doon na siya mabilis sumiksik sa katawan nito at yumakap para. Para namang nanigas si Allain sa kama at hindi agad nakagalaw dahil sa pagkabigla. Kalaunan unan ay napalunok na lang ito at napatingin na sa kaniya. Ngunit nanatili lang nakapikit ang mga mata ni Serena dahil sa sama ng pakiramdam. “M-Madamé,” muling pagtawag ni Allain sa na halos hindi lumabas sa bibig ang boses dahil sa sobrang hina. Mas lalo pang sumiksik si Serena habang nakayapos pati mga paa sa mga hita ni Allain at nakaunan sa matigas na bisig. Ang suot niyang bra at panty ay tuluyan nang natuyo sa katawan niya dahil sa init ng kaniyang balat. Ilang minuto pa ang lumipas, nanatiling Hindi gumalaw si Allain sa kinahihigaan at halos kapusin na ng hangin dahil sa pagpigil sa sariling paghinga. Napakapit na lang ang isang kamay nito sa bedsheet at hindi na nakaalis pa sa kama, hanggang sa ipinikit na lang ang mga mata at tiniis ang sitwasyon. KINAUMAGAHAN ay nagising si Serena na mag-isa na lang siyang nakahiga sa kama, pero nawala na ang kaniyang lagnat, konting pagsakit na lang ng ulo. Sandali pa siyang napasandal sa headboard ng kaniyang kama at napapikit saglit para ipahinga muna ang sarili. Ngunit nang may mapagtanto siya agad din siyang napamulat at napatingin sa kaniyang tabi, sa bakas na pinaghigaan ni Allain kagabi. Hanggang sa napabaling ang kaniyang tingin nang marinig ang pagtunog ng kaniyang phone sa loob ng kaniyang bag na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Agad naman niya itong inabot at nilabas ang kaniyang phone. Pero nang makitang manager niya ang tumawag ay hinayaan niya lang itong mag-ring at hindi sinagot. Nang mawala na ang pag-ring ay agad siyang nag-online at muling tiningnan ang kumalat na litrato ng kaniyang asawa. Ngunit wala na ang mga ito sa internet, wala na siyang makita pa ni isang litrato. Well, hindi na rin siya nagtaka dahil ganoon naman lagi, ganoon kabilis maglinis ng kalat ang taksil niyang asawa. “May araw ka rin sa akin, maghintay ka lang,” inis na lang niyang sambit at bumaba na ng kama. Pumasok siya ng bathroom at naligo. Nang matapos ay lumabas na siya suot ang white bathrobe, hindi na siya nag-abala pang magbihis at lumabas na siya ng bedroom, diretsong bumaba ng spiral staircase. Katahimikan ang sumalubong sa kaniya pagbaba. Sandali pa niyang nilibot ang tingin sa buong paligid, hinanap ang kanang-kamay na tauhan ng kaniyang asawa, ngunit hindi niya makita. Hanggang sa dumiretso na lang siya sa kitchen. Ngunit pagpasok niya sa pinto ay agad siyang napahinto nang makita na si Allain na suot pa rin ang black pants, wala nang suit, white long sleeve polo na lang na nakatupi hanggang siko, at nakasuot na ng black epron. Naabutan niya itong kasalukuyang inuunat-unat ang baywang at leeg habang nakangiwi na tila ba masakita ang pangangatawan. Pero nang makita naman siya nito ay singbilis ng kidlat na agad na napatayo nang tuwid at naging blanko agad ang ekspresyon. “Good morning, Madamé,” he greeted casually. Napairap lang si Serena at lumapit na siya sa table, naupo sa isang upuan. Mabilis nang kumilos si Allain at maglapag na ito ng pagkain sa table. Nangunot na ang noo ni Serena nang makita kung anong klaseng pagkain ang nilapag sa harap niya. “Lugaw? Anong akala mo sa akin may sakit para ipaghanda mo ng ganitong agahan?” she complained. Napatikhim naman si Allain bago siya nito sinagot. “May sakit kayo kagabi, Madamé. Ibinili ko na rin kayo ng gamot.” Nilapag na nito sa harap niya ang isang paper bag. Ngunit napairap lang si Serena at hindi man lang tinapunan ng tingin ang paper bag. “I don't need it. I want wine. Fetch some from the cellar,” she demanded. “Pero maaga pa para uminom, Madamé,” he answered. Umarko bigla ang kilay ni Serena sa narinig at nag-angat na ng tingin. “At sino ka para pagbawalan ako?” Napatikhim naman muli si Allain at iniwas ang tingin, tinuon na lang ang tingin sa baba habang nanatiling nakatayo. “I’m only concerned about your health, Madamé. Masama sa katawan ng isang tao ang alak, lalo na kapag laging umiinom.” Hindi na napigilan pa ni Serena ang matawa. “Tuta ka ni Cyrus, hindi doktor. Kaya huwag mo akong pangaralan!” she yelled. Kumilos na lang muli si Allain. Ngunit hindi para sumunod sa utos niya, kundi nagtimpla lang ng kape at saka nilapag sa harap niya. “Here's some coffee, why don't you drink this to get rid of your hangover.” Serena closed her eyes to calm herself. “No, I want wine. Ikuha mo ako roon,” she insisted. Ngunit hindi na kumilos pa si Allain at nanatili lang itong nakatayo na tila ba wala nang narinig pa. Hindi na mapigilan ni Serena ang mainis. “Are you not going to follow my orders?" she asked sternly. But Allain remained silent. “Isa,” she started counting warningly. “Dalawa.” Ngunit gano'n pa rin, hindi man lang gumalaw si Allain sa kinatatayuan nito. Napapikit na lang si Serena sa gigil at bumuga ng hangin. “Oo nga pala, hindi naman kita tauhan. Tuta ka nga pala ni Cyrus,” nagtitimpi na lang niyang sambit at tumayo na. “You asshole,” asik pa niyang pag-irap kay Allain bago lumabas na ng kitchen. Ngunit pagdating niya sa pinto ng cellar ay hindi niya na mabuksan pa dahil naka-lock na. Hinanap niya ang susi ng pinto pero hindi naman niya makita. Kaya naman muli siyang bumalik sa kitchen. At naroon pa rin si Allain nakatayo, tila alam nang babalik siya. “Where's the key?” she asked, her voice filled with urgency and frustration. “Nakalimutan ko na kung saan ko nailagay, Madamé. Pasensya na,” mahinahon lang sagot ni Allain sa kaniya nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Napapikit na lang si Serena at mabilis na lumapit. Pagkahinto sa harap ni Allain ay agad niya nilahad ang isang kamay. “Give me the key.” “Wala sa akin, Madamé,” he answered. Mas lalong nainis si Serena, pero kinapa na lang niya sa suot na pants ni Allain, pinasok niya ang kaniyang kamay sa magkabilang bulsa nito. Hinayaan naman siya ni Allain. Ngunit wala pa rin siyang mahanap na susi. “Ilalabas mo o hindi?” Hindi na siya nito sinagot at nanatili lang nakatayo. “Huwag mo akong pinagloloko, Mr. Chester. Hand over the key before my patience runs out.” Despite her warning, Allain stayed quiet “Isa.” “Dalawa.” Sa sobrang gigil ni Serena ay walang pagdadalawang isip na kinalabit niya na lang ang batok ni Allain at buong gigil na siniil ng halik ang labi nito. Allain’s eyes widened in surprise. Ngunit sa sobrang gigil ni Serena ay hindi lang basta halik ang ginawa niya, dahil kinagat niya ang ibabang labi ni Allain, dahilan para magkasugat ito at dumugo. Parang nahapo naman si Serena nang bumitaw na at muling nilahad ang kaniyang kamay. “Give me the key. Now.” “W-wala sa akin,” he stammered. Sa inis ni Serena ay isang malakas na sampal na lang ang pinalipad niya papunta sa pisngi ni Allain at inis na itong iniwan nang tulala sa loob ng kitchen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD