INABALA na lang muna ni Serena ang kaniyang sarili sa pagbabasa ng libro habang nakahiga sa sun lounger na nasa tabi ng swimming pool. Nasa Tagaytay pa rin siya sa kaniyang rest house, ang rest house na palagi niyang karamay sa lahat kapag malungkot siya at may problema.
Wala naman siyang mga naka-appointment na trabaho ngayon, kaya naman gusto niyang mag-relax muna para mawala ang stress niya sa bagong babae ng kaniyang asawa.
Pinatay na rin muna niya ang kaniyang phone at nagpadala lang ng isang text message sa kaniyang manager, sinabing may sakit siya, kaya huwag muna siya nitong tatawagan tungkol sa trabaho.
Mag-isa lang siya ngayon sa kaniyang rest house dahil nagpaalam si Allain na aalis muna ito saglit, hindi na siya nagtanong pa kung saan ito pupunta, siguro ay kukuha ito ng mga gamit para sa sarili, dahil nang itaboy niya ito para bumalik na ng mansyon ay ayaw naman siya nitong iwan nang mag-isa. Kabilin-bilinan daw ng boss nito na huwag siyang pababayaan. Matutuwa sana siya kung narinig niya ’yon sa ibang sitwasyon, dahil inaalala pa rin siya ng kaniyang asawa. Pero ngayon, naaasar na lang siya; kunwari nag-aalala sa kaniya ang gago, pero kunwari lang naman.
Pero hindi niya mapigilan ang mapahaplos sa kaniyang labi nang maalala ang paghalik niya kay Allain kanina. Dahil sa totoo lang ay medyo nabigla rin siya sa ginawa niyang iyon. Pero hindi niya mapigilan ang mapangisi nang maalala ang reaksyon nito na akala mo'y first time mahalikan ng isang babae.
“Hmm . . .” Mahina siyang bumuntonghininga at ibinaba na ang binabasang libro dahil parang nakaramdam na siya ng antok sa pagbabasa.
Sa kaniyang pagpikit ay tuluyan na siyang nakatulog. Nagising lang siya nang may malakas na tumikhim sa tabi niya.
“Madamé, I have already ordered your lunch. Nakahanda na sa dining room, puwede ka nang kumain doon,” wika ng boses ni Allain.
“Later, I'm still feeling sleepy . . .” inaantok naman niyang sagot dito at muli nang pumikit.
Hindi na siya kinukulit pa ni Allain. Gayunpaman ay umalis lang ito saglit at nang bumalik ay narinig na lang niya ang ingay ng kung ano. Kaya naman nabitin ang balak pa sana niyang pagtulog ulit at muli na siyang nagmulat. Nakita niyang nilagay ni Allain ang isang table sa tabi ng kaniyang kinahihigaan na sun lounger at doon nito nilapag ang mga dalang pagkain: vegetable salad, sandwich, at iba pa.
“Please eat, Madamé. You haven't had anything since last night,” Allain gently urged as he placed the food on the table.
Parang nagutom naman bigla si Serena nang makita ang mga pagkain at bigla na lang tumunog ang kaniyang tiyan. Kaya naman tumayo na lang siya at naupo sa isang upuan.
“Come here and join me for a meal,” she cordially invited Allain.
“No, Madamé, I'm not hungry,” he politely declined before stepping aside after serving the food.
Napairap na lang si Serena at inumpisahan na lang niyang kumain.
Hanggang sa natapos siya ay nanatili lang si Allain nakatayo nang tahimik sa bandang hulihan niya at pinanood lang siya nito. Umalis lang ito sa kinatatayuan nang matapos siyang kumain dahil nilinis na nito ang kaniyang pinagkainan.
Bumalik naman siya ng upo sa sun lounger at naglagay ng sun block sa kaniyang katawan, dahil napakainit na ng araw gawa ng tanghali na rin, mabuti na lang ay may umbrella naman sa kaniyang sun lounger, kaya kahit papaano ay hindi gaano kainit.
“Mr. Chester.”
Napahinto si Allain nang marinig nito ang pagtawag niya at nilingon siya nito habang buhat ang tray ng pinagkainan niya. “Yes, Madamé?”
“May number ka ba ni Cyrus?” she asked.
“I have, Madamé.”
“Call him for me.”
Natigilan naman saglit si Allain, hanggang sa dinukot na lang nito ang phone sa bulsa ng pants. “Ibibigay ko na lang ang number niya sa inyo—”
“No, I want to use your phone to make the call,” mabilis niyang sagot dito at nilahad ang kaniyang isang kamay. “Give me your phone.”
Wala nang nagawa si Allain kundi ibigay na lang nito ang phone sa kaniya bago ito tumayo na lang sa tabi niya at binaba muna pabalik sa table ang tray. Agad naman niyang hinanap ang number ni Cyrus sa Italy, at nang mahanap ay agad na niya itong tinawagan.
Nag-ring ang number nang tatlong beses bago may sumagot.
“Hmm . . .” paungol na bungad ng boses ni Cyrus na akala mo'y nahahapo.
Nangunot na ang noo ni Serena at agad na nakaramdam ng pag-aalala. Ngunit bago pa siya makasagot at matanong ito kung ano ang nangyayari— ay bigla na lang may boses babae siyang narinig na parang umuungol.
“Ano 'yon, Allain? May problema ba at napatawag ka?” paos na tanong ni Cyrus, pero sinabayan naman ng pag-ungol. “Hmm! Aahh!”
“Babe, please ride me fast! Ohh!” ungol din ng boses ng babae na parang malalagutan na na rin ng paghinga.
Naglaho bigla ang pag-aalala ni Serena para sa asawa at napalitan na naman ng galit.
“Ah!!! Mga hayop!!!” gigil na niyang sigaw at malakas na tapon ang hawak na cellphone—na agad naman umumpok sa gilid ng swimming pool bago ito nahulog sa tubig.
“Madamé!” gulat naman sambit ni Allain at umawang na lang ang labi nang makita ang paglubog ng cellphone nito papunta sa pinakailalim ng swimming pool.
Hindi na napigilan ni Serena ang kaniyang sarili at binuhos na lang ang galit sa pagsigaw.
“Mag-lock sana ang ari ninyong dalawa ng kabit mo! You shameless son of a b***h, Cyrus Morette! Marrying you was a big mistake, you scoundrel!” malakas niyang sigaw na umiko pa sa tahimik na paligid.
Matapos sumigaw ay umalis na siya ng swimming pool at muling pumasok ng rest house. Naiwan naman si Allain na napailing na lang.
Serena proceeded straight to the basement, and since the door was still locked, she quickly grabbed a vase and slammed it against the doorknob. However, the vase just shattered, and the doorknob remained intact. Not only that, but her hand got cut and started bleeding. Ngunit dahil sa galit niya ay hindi na niya naramdaman pa ang sugat at hinayaan lang ito, kinuha na lang niya ang isa pang mamahaling vase, pero nang akmang ihahampas na niya ito muli sa doorknob ay may mabilis nang pumigil sa braso niya.
“Let me open it for you.” Si Allain na mabilis na sinusi ang doorknob.
Nanlisik na na lang ang mga mata ni Serena. “You jerk, isa ka pa!” galit niyang panlilisik ng mata kay Allain at basta na lang itinapon sa sahig ang vase, dahilan para mabasag ito at kumalat.
Nang mabuksan na ni Allain ang pinto ng basement ay agad na pumasok si Serena sa loob at dumiretso sa wine cellar. Diretso siyang kumuha ng isang bote ng alak— basta kung ano lang ang nahawakan niya ay ’yon na ang kinuha, bago siya muli ring lumabas ng basement.
Bumalik siya sa swimming pool at muling naupo sa sun lounger bago binuksan ang bote ng alak at tinungga agad papunta sa kaniyang bibig.
Napapikit na lang siya sa matapang na pagdaloy ng alak sa kaniyang lalamunan.
Hindi naman nagtagal ay sumunod din agad si Allain na bitbit ang first aid kit, at agad itong naupo sa tabi niya.
“Let me see your hand, Madamé, gagamutin ko lang para—”
“Huwag mo akong pakialaman!” galit niyang sigaw rito at mabilis na piniksi ang kamay ni Allain sa tangka nitong paghawak sa kaniya.
Napabuntonghininga na lang ito, at imbes na pilitin pa siya, mas pinili na lang nitong lumayo sa tabi niya at naupo na lang sa kabilang sun lounger.
Malapit nang mangalahati ang alak nang mapahinto bigla si Serena sa muling pagtungga sa kaniyang bibig.
Itinaas na niya ang bote ng alak gamit ang kaniyang isang kamay at sandali itong pinagmasdan nang nakakunot na ang noo.
“Wait a minute, why am I drowning myself in alcohol for a worthless man?” kausap niya sa bote at bahagya nang natawa nang pagak.
“No way, Serena, wake up, b***h. Hindi mo dapat pinapatay nang ganito ang sarili mo dahil lang sa isang walang kwentang lalaki na hindi ka naman kayang pahalagahan,” kausap niya sa sarili at mapait pang ngumiti. “Kung kaya niyang magpakasaya sa piling ng iba, ba't hindi mo rin gawin? Magpakasaya ka rin. Tama na ang pagtitiis mo at pagpapakatanga.” Pagak pa siyang natawa matapos pangaralan ang sarili at muli nang tinungga papunta sa kaniyang bibig ang bote.
Sa tamang ng alak ay parang nalasing na siya agad kahit hindi pa naman gaano karami ang kaniyang naiinom.
Hanggang sa muli siyang nanggigil at malakas na lang tinapon sa kabilang side ng swimming pool ang hawak niyang bote, dahilan para mabasag ito at tumapon ang laman, tumalsik pa ang ilang bubog at nahulog sa ilalim ng swimming pool.
Matapos itapon ang bote ay tumayo na si Serena at napatingin siya kay Allain na ngayon ay tahimik lang nakaupo habang nakatingin sa kaniya.
“Matanong ko lang, nakatikim ka na ba ng babae?” she asked, stepping closer to him.
“Hindi ako kumakain ng tao, Madamé,” balewala lang sagot ni Allain at mabilis na nitong iniwas ang tingin sa kaniya.
Napahinto naman siya sa paglapit at nanlisik ang mata. “You insolent fool! Hindi ’yan ang ibig kong sabihin sa tanong ko!” she shouted in irritation. “Nakatikim ka na ba ng babae sa kama?” she asked again.
Ngunit hindi na sumagot pa si Allain at sumandal na lang ito sa sun lounger habang nanatili ang tingin sa ibang direksyon.
“This jerk.” Mas lalong nainis si Serena. Kaya naman mabilis na siyang lumapit at hinablot ang kuwelyo ng suot na white shirt ni Allain. “Sumagot ka nang maayos kapag tinatanong kita. Nakatikim ka na ba ng babae sa kama?”
Parang nabigla naman si Allain, pero napatikhim na lang ito.
“H-hindi pa, Madamé,” sagot na lang nito sa kaniya, pero nasa kabilang direksyon naman ang tingin.
Napangisi na si Serena, at gamit ang kaniyang duguan na kamay ay marahan na niyang hinaplos ang pisngi ni Allain— na kinagitla naman nito.
“Oh, poor virgin boy . . .” anas niya at napailing-iling pa na tila disappointed at awang-awa rito. “Bakit hindi ka man lang mabigyan ni Cyrus ng babae, samantalang siya ay kaliwa’t kanan ang nagiging babae; bawat lugar na pinupuntahan, iba-ibang puta ang tinitikman.”
Allain cleared his throat. Hindi na lang ito sumagot at pasimple na lang iniwas ang pisngi na may bahid na ng dugo.
Ngunit napangisi lang si Serena at patuloy pa rin ang paghaplos sa pisngi ni Allain. Ang kaniyang kamay ay patuloy pa rin ang pagdurugo, pero hindi niya ramdam Ang sakit.
“Ano kaya kung aagawin na lang kita mula sa boss mo . . .” mahina niyang bulong sa puno ng tainga ni Allain.
Ngunit parang wala lang itong narinig at nanatili pa rin ang tingin sa ibang direksyon.
Kaya naman ang paghaplos ni Serena ay bumaba na sa leeg ni Allain, at napangisi na lang siya nang mapansin ang paggalaw ng adam's apple nito na tila ba nahihirapan nang huminga.
Inilapit pa ni Serena ang kaniyang mukha sa puno ng tainga ni Allain. “Sabihin mo nga sa akin, gusto mo bang tumikim ng babae, Mr. Chester?” she whispered seductively into his ear.
Ngunit para lang robot si Allain na walang narinig, basta gumalaw lang ang adam's apple nito.
“Sumagot ka kapag tinatanong kita, Mr. Chester . . .” she whispered seductively once more, attempting to draw a reaction from him.
Yet, it was as though she were speaking to a malfunctioning robot that could no longer process commands.
Hindi na mapigilan ni Serena ang muling mainis at tumayo na. Umatras na siya palayo kay Allain at huminto sa gilid ng swimming pool.
“Ayaw mong sumagot? Fine, matutulog na lang ako sa ilalim ng swimming pool, para kapag namatay ako, papatayin ka rin ng boss mo.”
Matapos sabihin iyon ay pinikit na ni Serena ang kaniyang mga mata at kusa nang nagpahulog sa swimming pool. Bumagsak siya sa tubig at unti-unting lumubog sa pinakailalim.
As she lay at the bottom of the swimming pool, she opened her eyes and looked up. She waited for him to rescue her.
Hanggang sa hindi nagtagal ay tumalon na nga si Allain. Napangisi na lang si Serena at mabilis nang pinikit muli ang kaniyang mga mata.
Allain dived and hugged her around the waist, pulling her out of the water with one arm.
Ngunit pagkaahon sa swimming pool ay nagpanggap si Serena na nawalan na ng malay, dahilan para mataranta si Allain at napuno ng pag-aalala.
“Madame! Madamé!” taranta nitong pagtawag at mahina pang tinapiktapik ang kaniyang pisngi habang nakahiga siya sa mga bisig nito. Nang hindi siya sumagot ay mabilis na siya nitong inihiga sa gilid ng swimming pool at inumpisahan na siyang i-CPR.
Gusto mang matawa at medyo nasaktan ay tiniis na lang ni Serena ang pump ng mga kamay ni Allain sa kaniyang dibdib. Hanggang sa hinawakan na nito ang kaniyang panga at binuksan ang kaniyang bibig, doon na siya lihim na napangisi at hinintay na lang ang sunod na mangyari. Hanggang sa hindi nagtagal ay naramdaman na nga niya ang paglapat ng labi nito sa kaniyang labi para sana bigyan siya ng hangin, pero doon na niya ito niyapos sa leeg at sinalubong ng hindi inaasahang halik.
Allain's eyes widened in surprise and he froze.
Napangisi na lang si Serena at bumitaw na ng halik. “Does my kiss taste good?” she asked seductively, caressing Allain's cheek.
Agad na nagtama ang kanilang mga mata at nasaksihan niya ang paggalaw ng adam's apple ni Allain dahil sa paglunok nito at biglang na-speechless dahil sa pagkabigla.
“Cheat with me, Mr. Chester,” she pleaded.
Doon ay parang nabigla ulit ang ekspresyon ni Allain at muli itong napalunok, pero nanatili lang itong nakatingin sa kaniya.
“I'm not a cheater,” he finally answered.
Natawa naman bigla si Serena dahil sa nakuhang sagot. “You're not a cheater? I like it. Then be loyal to me. Abandon your boss and be mine. Maging akin ka na lang,” she offered.
Sandali pang napatitig si Allain sa kaniya, hanggang sa hindi nakayanan makipagtitigan at iniwas na lang nito ang tingin nito.
“Lasing ka na,” sagot lang nito sa kaniya at inalalayan na lang ang siyang bumangon, pero mabilis naman niyang niyapos ang mga mga braso sa leeg nito, dahilan para madala siya ni Allain sa pagtayo. “Lasing ka na, Madamé,” ulit pa nito.
She smiled mischievously. “Yeah, I know. Lasing na nga ako . . .” sang-ayon naman niya sa mapang-akit na boses at nilapit pa ang mukha kay Allain. “Pero matino pa rin naman ang isip ko, dahil malinaw ko pa rin nakikita . . .” she paused, pinasadahan na niya ng tingin ang bawat anggulo ng mukha ni Allain. “Kung gaano ka kaguwapo,” anas na niyang dugtong at muli na itong hinaplos sa pisngi nito gamit ang duguan niyang kamay. “I love your hazel eyes, Mr. Chester . . . they're so beautiful. I just realized that you are even more attractive than my unfaithful husband.”
Iniwas na ni Allain ang tingin nito at mahina pang tumikhim bago siya nito tinangka nang ibaba mula sa pagkakabuhat sa mga bisig nito, pero mabilis naman niyang pinulupot ang kaniyang mga paa sa baywang nito para hindi siya makababa.
“Kiss me,” she boldly commanded.
Allain stopped and looked at her again, swallowing before responding in a husky voice, “Baka magsisi ka lang kapag pinatulan kita.”
Bigla na lang napabungisngis si Serena. “Why would I regret? Wala ka naman sabit, kaya bakit ako magsisisi?” She then softly touched his cheek again. “Mas nagsisi ako na pinakasalan ko ang boss mong babaero. That beastly womanizer. I really hate him now. He destroyed my trust and love for him.”
Napatitig na sa kaniya si Allain, ngunit hindi nagtagal ay agad din nitong iniwas. Hanggang sa hindi na lang nagsalita pa at binuhat na lang siya papasok ng bahay.
“Masyado nang mainit sa labas, doon ka na lang sa loob ng kuwarto mo magpahinga para mawala ang pagkalasing mo,” seryoso nitong sabi nang paakyat na sila ng staircase.
Serena frowned. “Are you really a man? Or maybe you're gay? Baka naman bading ka? Hindi kaya ikaw talaga ang totoong kabit ni Cyrus?”
Allain suddenly stopped in the middle of the stairs. “W-what?” Hindi makapaniwala na itong napatingin sa kaniya. “What did you just say?”
She giggled once more. “Oh my goodness, Mr. Chester! So you're gay?!” pang-aasar pa niya sabay tawa nang malakas. “Oh my gosh! Allain Chester is a gay!” malakas niyang sigaw na agad na umiko sa loob ng tahimik na rest house.
Sumeryoso na ang tingin sa kaniya ni Allain na tila hindi na natuwa pa. “I'm not a gay, Madamé,” he stated firmly.
Serena smirked. “Prove it then,” hamon niya at mapang-akit na nilapit ang mukha kay Allain habang nakayapos ang kaniyang mga braso sa leeg nito. “Be mine if you're not really a gay. Stop being loyal to your cheater boss. He doesn't deserve you.” She playfully winked at him. “Mas deserve kita, Mr Chester.”
Muntik nang sumilay ang ngiti sa labi ni Allain kundi lang nito mabilis na napigilan sa pamamagitan ng pagtikhim, at imbes na sumagot pa ay pinagpatuloy na lang nito ang pag-akyat sa staircase habang buhat-buhat siya sa mga bisig nito.
Pagkapasok nila sa loob ng bedroom ay saka siya ibinaba ni Allain at mabilis na itong tumalikod para sana lumabas na.
“Huwag mo akong takasan, you coward.”
Napahinto ito bigla at salubong ang mga kilay na napalingon sa kaniya. “I'm not a coward.”
“Then kiss me if you're not. Inuutusan kita, Mr. Chester.”
Ilang sandali pa siya nitong tinitigan, akala niya ay hahakbang na palapit para sundin ang utos niya. Ngunit gano'n na lang ang pagkawala ng ngisi niya nang tinalikuran na siya nito at mabilis na itong lumabas ng bedroom.
Para naman siyang naasar at nanggigigil na sa inis. Kaya naman napasigaw na siya. “I'll count to three, if you still don't want me, I'll find someone else! Hindi lang naman ikaw ang lalaking puwede kong alukin!”
“One!”
“Two!”
“Three!”
Ngunit walang Allain na bumalik.
Napapadyak na lang si Serena sa inis at sandaling napapikit dahil parang sumakit bigla ang ulo niya sa pagsigaw.
“Tsk. Masyadong duwag,” asik na lang niya at pumasok na lang ng bathroom para sana magbabad na lang sa bathtub. Ngunit pagkapasok niya pa lang sa pinto ay bigla na lang may malakas na humila sa kaniyang isang braso, dahilan para mapalingon siya at mapaharap.
Ngunit pagharap niya ay ganoon na lang ang pagsinghap niya dahil sa mabilis na pagkalabit sa kaniyang batok niya, at namilog na lang ang kaniyang mga mata nang may sumakop na sa kaniyang labi.
Parang sandali siyang nanigas sa gulat at hindi nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan habang marahan nang hinahalikan ni Allain sa labi. Hindi nagtagal ay bumitaw na ito, at doon naman siya napakurap an parang unti-unti nang nagising sa pagkabigla.
Nagtama na ang kanilang mga mata.
“So pumapayag ka na maging akin?” tanong na kumawala sa bibig ni Serena.
Allain swallowed. “I do,” paos nitong sagot at hindi na siya hinayaan pang magsalita muli dahil muli na nitong siniil ng halik ang kaniyang nakaawang na labi.
Napangisi na lang si Serena, at imbes na itulak pa palayo si Allain, mabilis na lang niyang niyapos ang mga braso sa leeg nito at tuluyan nang tumugon sa mapangahas nitong halik.