NAGISING si Serena kinaumagahan na parang pagod na pagod, masakit ang buong katawan, kumikirot ang ulo, at hubo't hubad sa ilalim ng kumot. Mag-isa na lang siya sa kama, wala na ang kaniyang gagong asawa. Nanghihina siyang bumaba ng kama at halos paika-ika na pumasok ng bathroom. Pero pagkapasok ay agad siyang napahinto nang makita ang kaniyang sarili sa salamin; may sugat sa labi, punong-puno ng kiss mark ang kaniyang buong katawan, at pati na rin ang kaniyang kamay ay may bakas ng posas. Hindi niya mapigilan ang maawa sa kaniyang sarili dahil sa kaniyang itsura ngayon. Gusto niyang sisihin ang kaniyang sarili—kung hindi lang sana siya uminom kagabi, malamang ay nakapanlaban sana siya at hindi napagsamantalahan ng kaniyang isinusuka nang asawa. “May araw ka rin sa akin,” tangi na lang