DAHIL sa pagtatalo nila ay hindi na nagpumilit pa si Cyrus na tabihan siya at lumabas na lang ito ng master bedroom, sa ibang kuwarto na natulog, pero bago ito lumabas ay naging padabog pa ang pagsara sa pinto na tila ba galit na galit. Malaya naman nakatulog si Serena mag-isa sa master bedroom. Maaga siyang nagising kinabukasan dahil may fashion show siya, kaya naman alas sais pa lang ay nagising na siya at naligo na sa bathroom. Wearing a sexy maroon bodycon dress paired with 3-inch stiletto heels, she elegantly descended the stairs. Ngunit pagbaba niya ay agad na nagtama ang mga mata nila ng kaniyang asawang si Cyrus na nakaupo sa couch sa may living area suot na ang blue business suit nito at katabi si Allain na nakasuot naman ng black suit. “Good morning, Mr. Morette,” she greete